CHAPTER 31

3.2K 139 5
                                    

CAMILLE

"Mommy!" Sabay na bulalas ng kambal nang pumasok sila sa kuwarto ni Camille.

"Wow! You look so Pretty, Baby Girl." Wika ni Camille kay Astrid na nakasuot din ng Black Glittered Dress.

Bumungisngis si Astrid. "But you ale mole plettiel mommy."

"how about Rhett, Mom? Do i look good too?" sabad ng anak niyang Lalaki.

"You are handsome, baby." Wika ni Camille. "And I love you both."

"We love you too, Mommy." Wika ni Rhett.

"Group hug!" Masayang wika ni Camille kaya lumapit ang dalawa at niyakap siya.

"Huwag magpapasaway dun, okay kids?"

"Aye aye Captain!" Wika ng dalawa sabay bungisngis na ikinagiti naman ni Camille.

Maya-maya ay may kumatok. "Ma'am nandiyan na po si Sir Daniel." Boses ni Rina.

"Pakisabi pababa na kami, Ate. Thank you."

Tiningnan muna ni Camille ang kabuuan nito sa salamin. Nang masigurong maayos na ay kinuha na nito ang kaniyang black purse.

"Let's go, Kids." Aya niya sa kaniyang kambal. Humawak naman ang dalawa sa dalawa niyang kamay saka sabay na Lumabas ng kuwarto.

Nadatnan nila si Daniel na prenteng nakaupo sa receiving area. Nang makita sila nito ay agad na tumayo at nginitian sila. Lumapit naman ang kambal kay Daniel at nagmano.

"Ready, Kiddos?" Tanong nito sa mga bata.

"Yes, Ninong!" Masiglang bulalas ni Astrid.

"Good." Nakangiting tugon ni Daniel saka binalingan si Camille. "Are you ready?" Tanong nito sa kaniya.

Tumango si Camille. "I was born ready, Daniel."

Daniel chuckled. "Let's go then. Let's rock the party!" natatawang saad nito.

Lumabas sila ng Mansiyon at sumakay sila sa nakaparadang porsche ni Daniel sa harap. Sa backseat ang kambal at sa Passenger seat naman si Camille.

"Nauna na pala sina Tito Nathaniel at Boss Calyx?" Untag ni Daniel sa kaniya habang nagmamaneho.

Tumango si Camille. "Si Kuya sinundo pa si Lynette."

"Oo. Kausap ko si Lyn kanina." Wika ni Daniel. "So handa ka na ba talaga?" Bakas ang pag-aalala sa boses ng binata.

"Yes, Dan."

"Nasa tabi mo Lang kami ni Lynette, Cam. Always remember that."

"I know. Thank you, Dan."

"Cam, paano kung pupunta si Nathan sa party?”

Ngumiti si Camille. "I don't care, Daniel. Mas mabuti na rin 'yon nang malaman na niya ang tunay na ako."

"Sabihin mo Lang sa'kin kung may ginawa siyang hindi maganda. Handa akong bangasan siya, Cam." Nakangising wika ni Daniel.

Tumawa naman si Camille. "Hindi niya 'yon kayang gawin sa'kin, Dan."

Hindi na nagsalita pa si Daniel at Ganun din si Camille hanggang sa makarating sila ng ASHRHETT BUILDING. Bumaba si Daniel at Umikot para buksan ang passenger seat.

"Thanks." wika niya kay Daniel na ngumiti Lang. Bumaba naman si Camille saka binuksan ang backseat door.

"Labas na, kiddos. Nandito na tayo." Wika niya sa kambal.

Nang makalabas ang dalawa ay agad silang nilapitan ni Daniel. "Bubuhatin nalang kayo ni Ninong para hindi na kayo mahirapang maglakad, Okay?" wika ni Dan sa dalawa.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon