CHAPTER 49

3K 107 9
                                    

NATHAN

NASA San Vicente ito ngayon, Sa Mansiyon ng mga Andrada kasama ang kaniyang mga magulang na sina Nathaniel at Samantha upang pag-usapan ang kasal nila ng kaniyang Fiancee na si Camille.

"Kaylan ninyo balak magpakasal, Hijo?" Tanong sa kaniya ng Daddy ni Camille.

"Next month na Tito. And that will be on 25th of May." Wika ni Nathan.

"Hmm. Okay." sambit ng Don na nagpatangu-tango pa.

"Is it a church wedding or what?" Tanong ni Criselda.

"Church Wedding, Tita. Gusto kong sa mismong bahay ng diyos manumpa." seryosong saad ni Nathan.

Nginisihan naman siya ni Calyx. "Hindi ko alam na punung-puno pala ng katamisan ang buhay mo, Nathan. Sigurado ka bang hindi ka diabetic niyan?" Tudyo nito.

Bigla namang tumawa ang Daddy ni Nathan na si Nathaniel. "Believe me, Calyx. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na 'to na maririnig ko sa anak ko ang mga matatamis na salita." saad nito.

"At magpapakasal siya." dugtong naman ng kaniyang inang si Samantha. "Kaya nga nagpapasalamat kami at dumating ang anak ninyong si Camille sa buhay nito." Turo pa nito kay Nathan. "Upang patinuhin siya at ituwid ang walang direksyon niyang buhay." saad nito.

Bumungisngis naman si Camille. "Takot Lang niyan sa'kin, Tita." wika ni Camille.

"What can i do? I'm so into you, My love." Nakangising tugon ni Nathan. "Tarayan mo na ako. Saktan mo na ako. Baliw pa rin ako sa'yo."

"Cheesy." sambit ni Jet. "Tigilan niyo nga 'yan. Nasusuka ako sa inyo e." Reklamo nito kaya binatukan siya ni Calyx.

"Para kang sawi sa pag-ibig, Jet. Palibhasa wala kang Girlfriend." Nakangising wika nito.

"Pakialam mo naman, Kuya. Bakit, ikaw ba may Girlfriend?" Balik sa kaniya ni Jet.

"Enough." Ma-awtoridad na wika ng kanilang amang si Lysandro. "Para kayong mga batang nagbabangayan sa harap ng mga bisita." puna nito. "Pasensiya na kayo. Ganiyan talaga ang dalawang 'yan." Aniya nito sa mga magulang ni Nathan.

"No. It's okay, Sandro. Natutuwa nga ako't ganito ang pamilya ninyo. Nag-iisang anak namin si Nathan kaya naiinggit ako sa tuwing nakakakita ako ng nagbibiruang magkapatid katulad ni Calyx at Jet." Nakangiting wika ni Samantha.

"Bakit nga ba kasi hindi ninyo sinundan si Nathan?" Nakangiting tanong ni Criselda.

Umiling si Samantha. "We tried, Pero dahil masiyado kaming busy sa trabaho.. Wala ring nabuo." Bumuntong hininga pa ito. "Kaya nga matagal kong inasam na mabigyan na kami ng apo ni Nathan at nagpapasalamat kami nang dumating nga at hindi lang isa kundi dalawa." Nakangiting wika nito.

Tumango si Criselda. "Yeah. An adorable twins."

"Sharpshooter yata 'to." Pagbibida ni Nathan sa kaniyang sarili kaya siniko siya ni Camille. "Bakit na naman?"

"Yang bunganga mo." saad ni Camille na ikinatawa nilang lahat.

"Nasaan nga pala ang mga apo namin?" Kapagkuwan ay tanong ni Nathaniel.

"Nasa playground, Tito, kasama ang kanilang yaya. Nakikipaglaro na naman sa aso nilang si Hero." Wika ni Camille.

Natawa ang matanda. "Those kids is really energetic. Pinagod nila ako sa paghahabol sa kanila 'nung nag-mall kami." wika nito.

Ngumisi si Nathan. "Hiniling niyong magkaapo, Dad, kaya hindi kayo maaring magreklamo. Ginusto niyo ng apo para may hahabulin kayo, 'di ba?"

Natawa silang lahat. "Nahihirapan na rin akong buhatin sila dahil ang bibigat na nila." Gatong naman ng Daddy ni Camille.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon