CAMILLE
Isang buwan na silang nasa Farm at halos lahat ng tao rito ay kilala na nina Camille at Lynette. Mga taong sobrang babait at masayahin kaya hindi na gaanong naiisip ng dalaga ang nangyari sa kanila ng dating kasintahang si Nathan.
"Good morning." Bati ni Daniel sa kaniya. "Ang aga-aga nasa Labas ka na." puna nito.
"Good morning too. Maaga akong gumising kasi ang sarap ng simoy ng hangin kapag umaga." Paliwanag ni Camille. "Ikaw, anong ginagawa mo dito sa'min ng ganito kaaga?"
"Pupunta ako diyan kila Mang Ben e. Nakita kasi kita dito sa Labas kaya kita nilapitan." wika ni Daniel. "Nasa'n nga pala si Lynette?"
Ngumisi si Camille. "Bakit? Namiss mo?" Nakita ni Camille ang pamumula ng pisngi ng binata na nakadagdag ng kaniyang ngisi sa Labi.
"Tinanong Lang e." Dahilan ni Daniel.
"Crush mo yata 'yung bestfriend ko e." Panunudyo ni Camille sa Binata.
Ngumisi si Daniel. "Aalis na ako." wika nito at naglakad na palayo. Natawa nalang si Camille sa inasta nito.
Malapit nang mapalitan ang status ni Lynette. Alam kong may something sa dalawang 'yon.
Nakangising wika ni Camille sa kaniyang isipan. Pumasok ito sa Loob ng bahay at nadatnan si Lynette sa kusina na nakabusangot.
"Ang aga-aga, ganiyan ang itsura mo?" Puna ni Camille.
"Huwag mo akong kausapin. Traydor ka. Hmp!" Pagtataray ni Lynette na ikinangisi ni Camille.
"I didn't do something, Lyn." Inosenteng wika nito kahit alam niyang 'yung tungkol kay Daniel ang tinutukoy nito.
"Ang sweet niyo ni Daniel. Nanliligaw ba sa'yo?" Tanong ni Lynette.
"Oo e. Ang sweet nga, tingnan mo pinuntahan pa ako ng ganito kaaga para masilayan ang ganda ko." wika ni Camille para asarin ang kaibigan.
"E di ikaw na. Ikaw na ang type ng mga Lalaki."
Humagalpak ng tawa si Camille sa sinabi ni Lynette. "Nagseselos ka ba, Lynette?"
Nakita niyang namula si Lyn. "Hindi ah. Bakit naman ako magseselos?"
"Bakit nga ba, Lyn?" Balik tanong ni Camille.
"Hoy, Camille. Tigil-tigilan mo ako. Kung kay Daniel ka masaya, e di sige. Support kita."
"E bakit parang nasasaktan ka?"
"Hay Nako! Kung hindi ka lang talaga buntis, kanina ko pa sana naibato tong Kaldero sa'yo."
Napahalakhak si Camille. "Ang brutal mo na rin mag-isip ngayon, Lyn. Dati kahit pikon na pikon ka na sa'kin, unan lang binabato mo, ngayon Kaldero na. Hayy! Iba talaga ang nagagawa ng mga taong umiibig."
"At sino namang hudyo ang nagsabing umiibig ako, aber?" Nakapa-maywang na tanong nito.
"Wala akong pinangalanan, Lynette." Natatawang wika ni Camille. "Pero 'wag kang mag-alala, hindi ako nililigawan ni Daniel. May ibang gusto 'yung Lalaking 'yon. Sadyang torpe Lang." Wika ni Camille na lalong nagpadilim sa Mukha ng kaibigan.
"At sino naman 'yung gusto niya?"
"Lynette yata. Kapangalan mo nga e." Wika ni Camille habang pigil na pigil ang tawa.
"Hmp!"
"Ang pangit mong magselos, Lynette."
"Hindi ako nagseselos kaya Manahimik ka diyan." wika ni Lyn. "Siya nga pala, tumawag si Kuya Calyx kanina, dadalaw daw dito kaya tinatanong kung may gusto kang ipabili."
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...