CHAPTER 57

2.9K 100 8
                                    

NATHAN

NANG Matapos lahat ng trabaho niya sa Buenavista R.E. ay agad itong Lumabas ng building dahil Gabi na rin at kailangan na niyang umuwi.

"Ingat, Sir." Wika sa kaniya ng Guard.

"Yeah. Thank you." Agad siyang sumakay sa kaniyang Kotse saka nagmaneho pabalik ng penthouse niya.

NASA Lobby na siya ng penthouse building at naglalakad na patungo ng Elevator nang tawagin siya ng babaeng Receptionist.

"Sir, may pumuntang tao kanina dito at pinapabigay po sa inyo ito. Buksan mo raw kaagad sa oras na makuha mo." Wika ng babae.

"Sinong nag-abot sa'yo nito?" Kunot noong tanong ni Nathan.

"Lalaki po siya pero hindi na po nagpakilala kung sino, Sir. Ang sabi Lang niya ay ibigay ko po sa inyo 'yan kasi importante raw ang laman niyan." paliwanag ng babae.

"Okay. Thank you." Tinalikuran na niya ang babae. Sumakay siya ng Elevator bitbit pa rin ang brown envelop na inabot sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Nathan nang madatnang tahimik ang penthouse at wala ang kaniyang mag-ina.

' Anong oras na, Wala pa rin sila? Kaninang umaga pa sila umalis e. '

Wika sa kaniyang isipan. Umupo siya sa Sofa saka binuksan ang envelop at binasa ang Laman.

"What the hell?!!" Sigaw niya nang makita ang Laman nito.

HAWAK KO ANG MAG-INA MO. PUMUNTA KA SA PORT DEL PIERO KUNG GUSTO MO PA SILANG MAKITANG BUHAY PERO 'WAG NA WAG KANG MAGSASAMA NG PULIS O KAHIT NA SINO. TANDAAN MO, BUHAY NG MAG INA MO ANG NAKASALALAY DITO. ONE WRONG MOVE AND THEY WILL DIE. PAGDATING MO ROON MAY MAKIKITA KANG MGA ARROW AT 'YUN ANG SUNDAN MO.

May kalakip na picture ng kaniyang mag-ina ang sulat. Nakasalampak sa sahig at kapwa Nakatali ang mga kamay at paa. Sumikdo ang kakaibang takot at kaba sa kaniya. Kinuha agad ni Nathan ang kaniyang car key at patakbong tinungo ang elevator saka sumakay.

Nasa kotse na siya at pinapaharurot ito patungong Port Del Piero.

"Damn it! 'pag may nangyaring masama sa mag-ina ko. I Will hunt you and drive you to hell whoever the fuck you are!" Galit na sigaw ni Nathan.

Minutes Later. Nakarating na siya ng nasabing Lugar. Walang ibang tao roon. Malinis ang buong paligid. Walang kahit anong sasakyang pantubig maliban sa Malaking Cruise ship sa di kalayuan. Iginala niya ang kaniyang paningin hanggang sa nahagilap ng kaniyang mata ang signage. Isang puting arrow na nakaturo sa Right side. Naglakad siya at tinahak ang dock.

Nagtaka si Nathan ng sa tapat siya ng Cruise ship napadpad. naroon uli ang isang arrow, senyales na kailangan niyang sumakay sa nasabing ship. Dumagundong na naman ang kaba at takot sa kaniyang dibdib. Kaba at Takot na hindi para sa kaniya kundi para sa kaniyang mag-ina.

Nasa Cruise ship atrium siya ngunit walang ilaw.

"Putang ina mong gago ka! Ilabas mo ang mag-ina ko at tayo ang magtutuos!!" Sigaw ni Nathan.

Dahan-dahan siyang naglakad nang walang sumagot sa kaniya pero nagulat si Nathan ng may ilaw na tumapat sa kaniya at pumailanlang sa ere ang BIRTHDAY SONG.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon