NATHAN
5PM. DUMAAN muna pansamantala ang binata sa kanilang Mansiyon dahil nangungulit na naman ang kaniyang Mommy Samantha.
"Hi, Mom, Dad." Bati nito sa kaniyang mga magulang ng madatnan niya ang mga ito sa Sala.
"Hey." Tugon ng kaniyang Daddy.
Tumayo naman ang kaniyang ina at niyakap siya. "How are you, Son?" Tanong nito.
"I'm Fine, Mom. Really really fine." Nakangiting tugon ni Nathan.
"Good. How's Camille and the kids?"
"Mabuti naman, Mommy." wika ni Nathan saka tinungga ang laman ng kopita ng kaniyang Ama.
"Kamusta naman ang sa inyo ni Camille?" Tanong ng amang si Nathaniel.
"Kahit papa'no, May matatawag namang progress sa aming dalawa, Dad at natutuwa ako ro'n." sagot ng binata.
"That's good. Kailangang magkaayos kayo para sa mga anak niyo."
"Kailan niyo ba ulit balak dalhin ang mga bata dito? Aba, namimiss na namin sila. Wala akong nakakausap dito kapag umaalis ang Daddy mo." Wika ng kaniyang Ina.
"Dadalhin ko sila dito kapag naging okay na kami ni Camille, Mommy."
"Anak, Camille is a keeper. Huwag mo na sana siyang saktan." wika ng kaniyang ina.
Tumango si Nathan. "Hinding hindi na Mommy. Hindi ko na kakayanin kapag nawala pa siya sa buhay ko.. sila ng mga anak namin. Siya Lang ang babaeng nagawang ayusin ang magulo kong buhay noon." wika ni Nathan. "Mahal na mahal ko si Camille, Mommy. Sobra."
"Minsan talaga nagugulat pa rin ako kapag ganiyan ang mga binibitawan mong salita." Nakangising wika ng Ama. "Ang akala ko hindi na rin namin makikita pa ng Mommy mo ang mga apo namin kasi dati pinandidirihan mo kapag sinasabi naming bumuo ka na ng sarili mong pamilya." Dagdag nito.
Natawa si Nathan. "Magpasalamat nalang tayo kay kupido."
"Uuwi ka ba sa mag-iina mo ngayon?" Tanong ni Samantha.
"Yes, Mom. Dumaan Lang ako sa inyo dahil nangungulit ka pero siyemre gusto ko rin naman kayong makita." Wika ni Nathan.
"E di umalis ka na. Malayu-layo pa naman ang San Vicente." wika ng kaniyang ina. "Wait. Dalhin mo 'yung mga binili kong Barbie dolls na paborito ni Ash at 'Yung Xbox na sinasabi ni Rhett." saad ng kaniyang ina saka tumayo upang kunin ang mga sinasabi niya.
"Alam mo bang puro Rhett at Astrid nalang ang bukam'bibig ng Mommy mo?" Natatawang saad ni Nathaniel. "Kaya make sure na madadala mo ang mag-iina mo dito as soon as possible bago pa kayo puntahan ng Mommy mo sa San Vicente." Naiiling na wika ng ama.
Natawa naman si Nathan. "Yes, Dad. Dadalhin ko talaga sila dito."
"Here." Nilapag ng kaniyang ina sa sahig ang mga hawak nitong shopping bags. "Dalhin mo lahat 'yan para sa mga apo ko."
Tumayo si Nathan at niyakap ang ina. "Thanks, Mom. Tutuloy na po ako."
Tumango ang ina. "Drive safely, Son. Ikamusta mo nalang kami kay Camille at sa pamilya niya."
"I will, Mom." wika ni Nathan saka binitbit lahat ng bigay ng ina. "Bye, Dad, Mom. I love you."
"We love you too, Hijo. Call us if you need anything." wika ng kaniyang ama.
Tumango si Nathan saka tuluyang lumabas ng Mansiyon at Lumapit sa nakaparadang kotse. Nilagay nito ang mga shopping bags sa backseat saka siya sumakay sa Driver seat. Pagkaandar niya ng makina ng kotse ay sakto namang narinig nito ang kaniyang message tone.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...