CHAPTER 37

3.1K 154 0
                                    

NATHAN

DALAWANG Linggo siyang araw-araw na nagpabalik-balik sa ASHRHETT, sa Park, at Pati sa Mansiyon ng mga Andrada pero hindi siya nabigyan ng pagkakataong masilayan man Lang ang kaniyang mga Anak na malamang ay si Camille ang may gawa.

Kung hindi pa siya pinauwi ng kaniyang mga magulang ay nasa San Vicente pa sana ito at patuloy na mag-aabang kung kailan niya maaring makita O malapitan ang mga bata.

"Anak, Tama na 'yang pag-inom mong 'yan. Lasing ka na." Boses ng kaniyang ina.

Umiling si Nathan. "Just Let me, Mom. Hayaan mo lang ako kasi dito lang ako puwedeng makalimot pansamantala." Wika ni Nathan.

"No, Anak. Huwag ka namang ganiyan, please. Ako ang nahihirapang nakikita kang nagkakaganyan."

Tinungga ni Nathan ang laman ng boteng hawak nito. "Ganun ba talaga ako kasamang tao, Mom? Do i really deserve this pain?" Tanong nito sa ina habang tinuturo ang kaniyang dibdib. "Nahihirapan na ako, Mommy. Kahit makita ko man Lang sana ang mga anak ko.. hindi 'yung ganitong tinatago nila sa'kin." Umiiyak na wika ni Nathan.

Lumapit sa kaniya ang kaniyang ina. "Ssshhh.. Halika. Doon tayo sa kuwarto mo at pag-usapan natin ang problema mo, okay?"

Parang batang tumangu-tango si Nathan sa kaniyang ina. Susuray-suray itong naglalakad habang nakaalalay sa kaniya si Samantha. Nang makapasok sila sa kaniyang silid ay pinahiga siya ng kaniyang ina sa kama saka nito hinubad ang suot niyang sapatos.

"Anak.." umupo ito sa tabi ng nakahigang anak. "Listen to Mommy.. we didn't raise you to be this weak. Sa Laban mong ganito, you need to be brave and strong. Ipakita mo sa mag-iina mong kaya mo silang panindigan. Na kaya mong magpaka-tatay sa mga bata."

"How?! Can't you see, Mom? Tinatago sa'kin ni Camille ang mga anak namin dahil galit siya sa'kin. I'm trying to be strong here for the sake of my kids, Mom. Nang nasa San Vicente ako, araw-araw akong pumupunta sa mga Lugar kung saan alam kong makikita ko sila, pero wala akong nakitang kahit anino man Lang nila. Pinuntahan ko na rin sila sa Mansiyon ng mga Andrada pero pinagtabuyan Lang ako ng mga guwardiya nila."

"Don't give up, Son. Makikita rin ni Camille ang lahat ng Efforts mo-"

"I doubt it, Mom. Nasaktan ko nga siguro siya ng sobra kaya naging matigas na ang puso niya para sa'kin." Pinunasan nito ang Luhang lumandas sa kaniyang pisngi. "Hindi ko na alam ang gagawin ko para mapatawad niya ako."

"Anak, Pareho kaming ina ni Camille. Siguro iniisip lang din niya ang kapakanan ng mga anak ninyo. Siguro ayaw niyang masaktan ang mga bata."

Pagak na tumawa ang binata. "Mom, anak ko sila. My flesh and blood. Do you think i'm capable of hurting them? Gago ako, Yeah. I admit that. Pero ang manakit ng mga bata Lalo na ang sarili kong anak, Hindi ko 'yun magagawa, Mom. I'm not a psycho."

"I know. Pero bigyan mo naman ng panahon si Camille, Anak. Hindi naman madaling basta ka nalang niya ipakilala sa mga bata bilang Ama nila. Naging masakit ang pinagdaanan mo nang umalis si Camille pero alam nating pareho na mas grabeng sakit ang napagdaanan ni Camille dahil sa'yo, Hijo."

"Yeah. I know that, Mom and i understand. Hindi ko naman siya pinipilit patawarin ako. Ang akin Lang ay sana huwag naman niyang ipagkait sa'kin ang panahong puwede kong makasama ang mga bata. Kung ayaw niya akong ipakilala muna bilang Ama ng kambal, fine with me. Basta makita o makasama ko Lang sila." Malungkot na wika ni Nathan.

Hindi na rin napigilan ng kaniyang ina ang maging emosyonal dahil sa nakikitang kalagayan ng kaniyang nag-iisang anak.

"Tutulungan ka ni Mommy. Kakausapin ko si Camille-"

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon