NATHAN
Monday morning. Hindi pa rin matanggal sa isip ni Nathan ang nangyari sa Lobby ng kaniyang Building noong Sabado ng Gabi at mas lalong nagngingit-ngit ito sa inis sa tuwing maaalala niya ang yakapan ni Camille at ng lalaking kausap nito.
Fuck!! What's happening to me? She's just my fucking secretary for fuck sake!! God! Camille get the hell out of my fucking head!!
Pagmumura nito sa kaniyang isipan.
"You okay, Bro?" Kunot-noong tanong ni Mark na pansamantala niyang nakalimutang nasa opisina pala nito ang kaibigan.
"Yeah." tipid na sagot nito.
"Are you sure? You look bothered. Is there something bothering you, or someone perhaps?"
"Walang Someone, Mark." Pagsisinungaling nito sa kaibigan. "marami lang akong trabahong iniisip."
"As far as i know, maluwag naman ang schedule mo, At kailan mo pa prinoblema ang trabaho, Nathan?" Nakangising wika ni Mark.
Magsasalita pa sana si Nathan ng may biglang magsalita.
"Sir Nathan, May kailangan po kayo?" Wika ng kanyang sekretaryang si Camille na bahagya pang nakangiti.
Titig na titig lang si Nathan dito dahil bakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan. Ano kayang milagrong nangyari sa kanila ng lalaking kasama nito nung nakaraan? Tanong ni Nathan sa isipan.
"Ehemm." narinig niyang tumikhim si Mark. "This beautiful Lady here" Turo nito kay Camille. "is asking you, May kailangan ka raw ba?"
Nag-init ang mukha ni Nathan kaya mabilis na nag-iwas ng tingin sa Dalaga. "Errr- yeah. D-dalhan mo kami ni Mark ng k-kape dito, Miss Andrada." Medyo utal nitong utos sa dalaga.
Seryoso namang nakatitig si Camille sa kanya ngunit tumango rin at naglakad na palabas ng kaniyang opisina. Binalingan niya ng tingin si Mark. Nakangisi ito.
"Nginingisi-ngisi mo naman d'yan, gago."
Humalakhak si Mark. "May nakita kasi ako kaninang Lalaki na namumula dahil sa isang magandang babae."
"Gago! Hindi ako marunong mag-Blush." Binato niya ng Ballpen ang kaibigan.
"Someone's being defensive eh? Wala naman akong nabanggit na pangalan, di ba, Bro?" Nakangising wika ni Mark.
"Gago! Lumayas ka na nga rito. Abala ka sa buhay ko." pagtataboy niya kay Mark.
"Nah. Nagpakuha ka ng-"
Mark's interrupted by Camille voice. Nakabalik ito agad. "Sir, Heto na po ang kape ninyo. May kailangan pa po kayo?" Tanong nito kay Nathan.
"Wala na, Miss Andrada. You can-"
"Nathan, Ipakilala mo naman ako kay Miss Beautiful." wika ng kaibigan.
"Mark, i swear, if you don't-"
Naputol ang iba pang sasabihin ni Nathan nang magsalita si Camille at inabot pa ang kamay nito sa kaibigan. "I'm Camille Rose Andrada, Sir. I'm Sir Nathan's new secretary, and you are?"
"Such a Beautiful name." Nakipag-kamay si Mark dito. "I'm Reymark Trinidad, But you can call me, Handsome." Mark said, grinning ear to ear.
"I'm her handsome boss, kaya hindi ka niya tatawagin ng ganyan." Sabad ni Nathan sa dalawa.
Napangisi naman si Mark. "sige, Mark nalang ang itawag mo sa'kin my Beautiful Rose."
Kung nakakamatay lang ang titig malamang kanina pa patay si Mark dahil sa talim ng pagtitig ni Nathan sa kanya pero dahil may pagka-gago ang kaibigan ay mas inasar pa siya nito.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...