CHAPTER 29

3.3K 145 3
                                    

NATHAN

NANG palayasin sila ni Jake kahapon sa ASHRHETT BUILDING ay agad na silang umuwi at dumiretso siya sa kanilang Mansiyon habang ang kaibigan nitong si Jake ay umuwi na rin sa bahay nito.

Ayaw pa sana nitong umalis doon dahil sa kagustuhan nitong makausap si Camille ngunit ipinagpipilitan ni Jake na hindi pa iyon ang tamang oras para kausapin niya si Camille.

Sumagi na naman sa utak ni Nathan ang itsura ng dalaga kahapon ng magkita sila. Mas Lalong gumanda at mukhang matalino. Napaka disenteng manamit. Pero mas nakatawag pansin ni Nathan ang pakikitungo sa kaniya ni Camille.

' Gone the sweetest and innocent smile of her. Lagi lang itong nakangisi kahapon. Her eyes is like hell that no one should dare to stare because it can burn a soul. Ibang-iba na sa babaeng nakilala niya noon. 'yung babaeng simpleng manamit. babaeng mataray pero hindi mawawala ang matamis na ngiti sa kaniyang Labi. Wala na talaga akong alam sa mga naging pagbabago sa buhay ng babaeng mahal ko. '

Wika ni Nathan saka tinungga ang laman ng kopitang hawak. Alak nalang talaga ang tangi nitong sandigan simula ng wala ng Camille sa kaniyang buhay.

"Anak, You should stop drinking liquors. Makakasama 'yan sa health mo." dinig niyang wika ng inang si Samantha.

"Mom, hayaan mo na ako. Gusto ko lang makalimot sa lahat ng problema ko kahit pansamantala Lang."

Umupo si Samantha sa tabi nito at hinawakan ang kamay ni Nathan. "Nandito ako, Anak. Handa akong makinig. Hindi mo kailangang gawing takbuhan ang alak sa tuwing may mabigat kang iniisip."

Bumuntong hininga si Nathan. "Nagkita na uli kami, Mom." Mahinang sambit nito.

"Ni Camille?"

Tumango ang binata. "Yes, Mom. Kahapon. Nagkita kami sa distileriyang pinuntahan ko."

Nakita niyang nagningning ang mga mata ng ina nito. "How is she? Okay Lang ba siya?"

"Sa tingin ko, Ayos naman siya, Mom." wika ni Nathan.

"E 'yung kayo? Kumusta naman?"

Umiling si Nathan. "I don't know, Mom. Galit na galit siya sa'kin. She even pointed a gun to me when i tried to talk to her."

Nanlaki ang Mata ng ina at tinakpan pa ang Labi na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi. "Anong sinabi mo?" tanong nito.

"Tinutukan niya ako ng baril dahil sa pangungulit ko sa kaniya. Buti nalang po at sa ibang direksiyon ipinutok."

"Ginawa niya 'yon?" Tanong ng ina.

Tumango si Nathan. "Yes, Mom. Well, naiintindihan ko naman siya but i just can't believe na pati sa baril, marunong na siya." Wika ni Nathan na iiling-iling pa.

"Oh, son. Just take care, okay?"

"Oo naman po." wika nito. "Madami ng nagbago sa kaniya, Mom. Dati tinatarayan ako pero naroon pa rin 'yung pagmamahal niya sa'kin." Bumuntong hininga ang binata. "pero ngayon.. ibang iba na siya, napakalamig ng pakikitungo sa'kin."

"After what you've done to her, what do you expect? Son, masakit 'yung ginawa mo noon sa kaniya kaya asahan mong pakikitunguhan ka niya ng ganon. Let's just be thankful na nakita mo siya at nalaman mong maayos lang siya. Listen to me, Son, kung mahal mo talaga siya, huwag mong sukuan. Huwag kang susuko." wika ng kaniyang ina.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon