CHAPTER 47

3.1K 127 11
                                    

NATHAN

NAKAUPO ang binata sa kaniyang opisina at hinihintay ang pagdating ng dalawang kaibigan dahil nagpasabi ang mga ito kanina na darating.

Pagkatapos ng napakasayang gabi niya sa Yacht niya nang nakaraang araw kasama ang pinakamamahal niyang babae ay nagdesisyon na rin itong huwag ng hayaan pang makawala sa kaniya si Camille.

"Sir, delivery for you." wika ni Miggy ng makapasok sa kaniyang opisina. "Sa'kin na po inabot dahil 'yun daw po ang inutos niyo dun sa tao."

Tumango si Nathan. "Yeah. Thank you, Migs."

"You're welcome, Sir. Tapos na rin po ang Lahat ng ipinagawa ninyo." Nakangiting wika ni Miggy. "Nakausap ko na po lahat ang mga tao."

"Good. Maraming Salamat." Nakangiting aniya ng binata.

Tumango si Miggy. "Lalabas na po ako, Sir." wika nito saka naglakad palabas ng opisina ni Nathan.

Kinuha ni Nathan ang kaniyang cellphone saka nagsimulang magtipa roon.

To: My Queen

Hi, Love. I miss you. What are you doing right now?

Sent✔

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at niluwal nito ang mga kaibigang sina Mark at Jake.

"Hey, Bro." Bati ni Jake sa kaniya na dumiretso sa couch. "How are you?" Tanong nito.

"Hey! I'm fine and happily in love." Nakangiting wika ni Nathan. "How about you two?" Tanong nito sa dalawa.

Umupo si Mark sa visitor chair sa kaniyang harapan saka ngumisi. "I'm perfectly fine except to Jake the bastard." Turo nito kay Jake.

"Shut the hell up!" Singhal ni Jake kay Mark.

Nailing nalang si Nathan. "How's the preparation, Guys?" Tanong nito sa mga kaibigan. "Everything's good?"

Tumango si Mark. "Yeah." simpleng tugon nito. "How's the twins?"

"Ayos Lang naman sila, Bro. Kung saan-saan nga pinapasyal ni Mommy." Naiiling na wika ni Nathan.

"Sana hindi magmana si Rhett sa'yo." Sabad ni Jake.

"At kanino dapat magmana? Sa katulad mong torpe?" Bara ni Mark kay Jake.

Bigla namang tumunog ang cellphone ni Nathan kaya hindi na nito pinansin ang bangayan ng dalawang kaibigan.

From: My Queen

Nasa mall kami ni Tita Sam, Love. Kinulit ako ng kinulit kanina kasi gusto raw mag shopping at magpa-salon kaya wala na akong nagawa. I Miss you, Nathan panget.

Napangiti si Nathan sa text message ni Camille sa kaniya.

To: My Queen

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon