CHAPTER 32

3.2K 137 11
                                    

CAMILLE

MAAGANG nagising ang dalaga kaya naisipan nitong tumambay muna sa Balkonahe ng kaniyang kuwarto sa Mansiyon habang may hawak na tasa ng kape. Dito ay matatanaw niya ang mga iba't-ibang uri ng Bulaklak sa kanilang hardin at pati na rin ang pagsikat ng haring araw na nagpapahiwatig sa kaniya ng panibagong araw at pag-asa.

Nanumbalik uli sa kaniyang Ala-ala ang nangyari kagabi kung saan nagpang-abot si Daniel at Nathan.

"Kahit kailan talaga mahilig ka pa ring mambintang. Hindi mo man lang inalam ang totoo bago ka gumawa ng aksiyon." Sambit ni Camille na naiiling pa.

Inubos nito ang Laman ng tasang hawak. Maya-maya ay tumunog ang telepono nito sa kaniyang silid kaya pumasok siya roon upang sagutin ito.

"Camille Andrada speaking."

"Good morning." Boses ng kaniyang Kuya Calyx. "Ngayong araw tayo makikipagkita kay Mommy." imporma nito.

"Madami akong gagawin ngayon, Kuya."

"Camille, hindi naman tayo magtatagal at isa pa, nandun naman sa ASHRHETT si Lynette e."

"Anong oras ba, Kuya?"

"8am. Sa CANEIA CAFE." wika ni Calyx.

"Sigurado ka bang sisipot si Mommy? Baka pigilan siya ng pamilya niya."

"Camille, siya nga ang may gustong makita tayo, 'di ba?"

"Fine, Kuya. Magkita nalang tayo doon."

"Listen to me, Camille. Alam kong marami kang gustong isumbat kay Mommy at ganun din ako sa kaniya pero dapat mo ring tandaan na Nanay pa rin natin siya kahit ano pa ang naging pagkukulang niya sa atin."

"Yeah. I already know that, Kuya. Just please, hold my hand later."

"I will, Cam. Hindi kita papabayaan."

"Thanks, Kuya."

"Camille?" tawag sa kaniya ng kapatid. "Yung nangyari kagabi sa ASHRHETT, I think kailangan mong kausapin 'yung ex mo ng masinsinan para hindi siya mamerwisyo. Tingnan mo nga ang ginawa niya. Kung hindi lang ako nakapagpigil kagabi, Hindi ko alam kung saan siya pupulutin."

"Kakausapin ko siya kapag kaya ko ng makita 'yung pagmumukha niya ng medyo matagal, Kuya."

"Okay. How's the kids?"

"They are fine, Kuya. Mabuti nalang at hindi nila nakita ang nangyari kagabi."

"Yeah. So, sige na. See you later." Binaba na ni Nathan ang Awditibo.

7:30. NASA kotse na si Camille at tinatahak ang sinabi ng kaniyang kuya na meeting place nila kasama ang kanilang inang si Criselda. Medyo nakakaramdam ang dalaga ng kaba dahil sa hinaba-haba ng panahong lumipas ay makikita na niya ulit ang kaniyang ina.

Nang makarating siya sa Lugar ay ipinarada nito sa Parking Lot ang kotse saka bumaba. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid para alamin kung nakarating na ang kaniyang kuya ngunit hindi pa rin nito mahagilap ang kotse ng kapatid.

Maya-maya lang ay dumating din ang binata na ipinarada pa ang kotse nito sa tabi ng kaniyang kotse bago ito lumabas roon at agad siyang nilapitan at niyakap.

"Are you okay?" Tanong nito sa kaniya.

Tumango si Camille. "Yes, Kuya. Is she here?"

Umiling si Nathan. "She's still not here yet. Halika na. Sa Loob nalang natin siya hintayin."

Pumasok sila sa Loob ng CAFE at tinungo ang medyo tahimik na parte nito kung saan makakausap nila ng maayos ang ina. Nag-order na rin si Calyx ng dalawang Latte Macchiato, Cinnamon bread with pineapple at Vanilla muffin with caramel glaze, para sa kanilang magkapatid.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon