CHAPTER 40

3.5K 128 0
                                    

CAMILLE

NAGISING si Camille sa ingay ng kaniyang cellphone na katabi nito sa kama. Kinapa nito iyon saka dinala sa kaniyang tainga na hindi man lang tinapunan ng tingin ang caller.

"Hello?" inaantok na sagot nito.

"Totoo bang nasa Mansiyon kayo ng magaling mong Ex-Boyfriend?" Boses ng kaniyang kuya.

"Y-yes, Kuya." kinakabahang sagot ni Camille.

"Without even informing me and Dad?! What now, Camille? Hindi mo na naman kailangan ang opinyon namin ni Daddy?" Galit na saad ni Calyx. "Alam mong mahal namin kayo ng mga anak mo, Camille at kung saan masaya ang mga bata, doon na rin kami. Gusto nilang makilala si Nathan? fine. Pero ganoon na ba talaga kahirap sa'yo ang ipaalam sa'min ni Dad ang desisyon mo?"

"I'm sorry, Ku-" naputol ang sasabihin ni Camille ng babaan siya ng tawag ng kaniyang kapatid.

'He's really mad now. Stupid! Stupid! Stupid, Camille!'

Hinanap ni Camille sa kaniyang Contacts ang numero ng kaniyang Ama saka iyon tinawagan. Naka-tatlong dial pa ito bago sinagot ng Don.

"Yes, Camille? Good morning." Bungad nito sa kaniya.

"Good morning, Dad." Ganting bati ng dalaga sa kaniyang Ama. "Dad, I'm sorry. Dinala ko 'yung kambal dito without even telling it to you and Kuya Calyx."

"Nasaktan ako, Hija. Pero huwag mo ng isipin 'yon. Mas mahalaga sa akin ang kaligayahan ng mga apo ko." Mahinahong wika ng Don.

"Galit sa'kin si Kuya, Dad." Malungkot sa saad ni Camille.

"Hayaan mo na muna ang kuya mo. Nag-aalala Lang sa inyo ng mga anak mo kaya ganon. Hindi naman nagagalit ang kuya mo sa'yo, right?"

"Yeah. I think, kailangan kong bumawi sa kaniya, Daddy."

"Sshhh.. Huwag mong isipin ang kuya mo." wika nito. "So, how are you and the kids?"

"Okay Lang kami, Daddy. Sobrang saya ng mga bata na nakilala nila si Nathan at ang mga magulang niya."

"How about you? Masaya ka naman ba sa naging desisyon mo, Anak?"

"Yes, Dad. Unti-unti ko ng napapalaya ang sakit at galit sa Puso ko." Nakangiting wika ni Camille. "Nagkausap kami ni Nathan ng Maayos kahapon at pinatawad ko na siya, Dad."

"Well, mabuti naman kung ganon. Mahirap mabuhay ng may dinadala kang sama ng Loob sa puso mo dahil hinding hindi mo mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung gano'n, Hija." Wika ng kaniyang Ama. "Proud ako sa'yo, Anak. You are really matured now."

"Dahil 'yon sa inyo ni Kuya Calyx, Dad. Kayo ang gumabay sa akin kaya ako ganito ngayon. Hindi niyo ako pinabayaan at hindi ninyo tiningnan ang pagkakamali ko noon. Instead, You lead me in the right path, Dad. Hindi niyo hinayaang masira ang buhay ko ng tuluyan." Emosyonal na wika ni Camille.

"It's because Kuya and I, Loves you so much, Anak. Hinding hindi ka namin hahayaang malugmok without even fighting." wika nito. "Just do me a favor, Hija."

"Sure, Daddy. What is it?"

"Dalhin mo dito sa Mansiyon ang magaling na ama ng mga bata. I want to talk to him personally."

"Sige, Dad. Isasama ko siya pagbalik namin diyan."

"Kailan ba kayo uuwi?"

"Bibyahe kami mamayang hapon, Dad. May kailangan din akong asikasuhin sa Distileriya kaya hindi kami puwedeng magtagal dito ng mga anak ko."

"Okay. Mag-ingat kayo sa pag-uwi. Ibababa ko na 'to, Hija."

"Thanks, Dad. I love you. Bye."

"I love you too, Hija. Bye." Pinatay na ng kaniyang Ama ang tawag.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon