CHAPTER 15

3.9K 164 3
                                    


NATHAN

NANG matanggap nito kahapon ang mensahe ni Camille na nagsasabing hindi ito uuwi ng kaniyang bahay ay agad nakaramdam ng Kirot sa kaniyang Puso si Nathan. Alam niya sa sarili niya na wala siyang masamang ginawa at malinis ang kaniyang Konsensiya ngunit alam rin niyang masakit para sa kasintahan nito ang kaniyang nasaksihan, kahit pa sabihin na si Janine ang humalik sa kaniya.

Nang magising siya kanina ay agad naligo at nagbihis ng casual na T-shirt at Maong na Pantalon, pagkatapos ay kinuha ang susi ng kaniyang kotse at lumabas ng kaniyang penthouse. Bumili muna ito ng Red Tulips sa Chen’s Flower shop, bago siya tumuloy sa bahay ni Camille.

Nang makarating siya roon ay wala pa ang kasintahan kaya naupo nalang muna siya sa Loob ng kaniyang kotse habang hinihintay ang pagdating ni Camille.

God! i miss her so much. Bakit ba kasi wala pa siya rito?

Hindi alam ni Nathan kung gaano na siya katagal naghihintay sa pagdating ng kasintahan hanggang sa may kumatok sa kaniyang kotse. Si Camille.

Agad itong Lumabas at mahigpit na niyakap si Camille. “I miss you so so much, My Love. Saan ka ba nanggaling? Are you okay?” nag-aalang tanong ni Nathan.

Tumango si Camille. “Ayos lang ako, Nathan. Bakit ba nandito ka ng ganito kaaga?”

Nalukot naman ang mukha ni Nathan sa tanong ni Camille. “Namiss nga kita. Nandito rin ako para pag-usapan ang nangyari kahapon at nang maayos na natin ang hindi natin pagkakaintindihan dahil sa totoo lang, mababaliw na ako sa kakaisip sa’yo.” Mahabang Litanya ni Nathan.

“Fine. Doon tayo sa loob ng bahay ko.” Pagtataray ni Camille.

“Wait.” Kinuha ni Nathan ang bulaklak sa kaniyang kotse. “For you, Love.” Nakita ni Nathan ang munting ngiti na sumilay sa Labi ng kasintahan pero agad rin itong nawala.

“Thank you.” Tugon sa kaniya ni Camille saka siya iniwan na nakatunganga.

Wow! Bakit ba napaka-taray ng babaeng ‘yon?

Sinundan ni Nathan ang dalaga sa kaniyang bahay. “Sit.” wika nito sa kanya.

“Ginagawa mo na akong aso, Love.” Reklamo niya kay Camille.

“Heh! Manahimik ka dyan, Nathan.” Singhal nito sa kaniya.

“Tabihan mo kaya ako rito para makapag-usap tayo ng maayos?”

“Ayaw kitang katabi. Dyan ka at Dito ako.” Wika ni Camille pero dahil makulit si Nathan ay siya na ang Lumapit at umupo sa tabi ni Camille.

Akmang aalis ang dalaga ng pigilin niya ito. “Subukan mong umalis sa tabi ko ngayon babae, igagapos na talaga kita.” Banta nito.

“Buwesit ka!”

“Guwapo ako? Oo alam ko ‘yon, Love.”

“Gago!”

“I love you, too.”

“Napipikon na ako sa’yo, Nathan.”

“Nababaliw na ako sa’yo, Camille.” Nakangising wika ni Nathan.

“Alam mo ikaw? kung wala kang sasabihing importante, Lumayas ka nalang sa pamamahay ko bago pa kita mapatay.”

“Love naman. Alam mo namang patay na patay na ako sa’yo e.”

“ISA!”

“Okay. Magseseryoso na.” wika ni Nathan na bahagya pang itinaas ang dalawang kamay sa ere tanda na titigil na ito. “Listen to me, Love. ‘Yung nadatnan mo kahapon sa opisina ko, hindi ko ‘yun gusto, okay? Nagulat din ako ng biglang umupo sa kandungan ko si Janine at halikan ako sa Labi.”

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon