CAMILLE
NASA kaniyang opisina si Camille ngunit wala sa mga paperworks na nasa ibabaw ng kaniyang mesa ang kaniyang buong atensiyon kundi sa nangyari sa park noong sabado.
Hindi maalis sa kaniyang isipan lahat ng sinabi ni Nathan pati ang ginawa nito sa kaniyang anak na si Astrid nang madapa ito. 'Yun 'yung Nathan noon na minahal niya. Sweet. Hindi 'yung Nathan na nagtaboy sa kaniya noon ang nakita niya sa Park kundi ang Nathan na minahal niya.
"Earth to Camille.. Hey!" Boses ni Lynette.
"Lyn? Sorry hindi kita napansin. May kailangan ka ba?" Tanong ni Camille.
"Paano nga naman ako mapapansin e mukhang napakalayo ng isip mo." Wika ni Lynette saka umupo sa visitor chair. "May problema ka ba, Camille?"
Umiling si Camille. "Wala naman, Lyn."
Ngumisi si Lynette. "Matagal na rin naman tayong magkaibigan, Camille. Nagsama din tayo sa iisang bubong nung nasa Farm niyo tayo, kaya kilalang kilala na kita. Alam ko kung may problema ka o wala. Alam ko kung nagsasabi ka ng totoo O hindi." Wika ng kaniyang kaibigan. "Now tell me.. Anong bumabagabag sa'yo?"
Bumuntong hininga muna si Camille bago tumitig kay Lynette. "Si Nathan." Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Lynette. "Dalawang beses na niyang nakita at nakausap ang mga bata. Sa tuwing pumupunta kami ng Park, Nandun din siya." Wika nito.
"Alam na ba niyang siya ang Ama ng kambal? Sinabi mo na ba sa kaniya?"
"Hindi pa. Gusto kong ipaalam sa kaniya. Gustung-gusto, Lyn, dahil alam kong kailangan ni Rhett at Ash si Nathan, pero sa tuwing tinatangka kong sabihin, pinapangunahan ako ng kaba at takot. Hindi ko pa rin alam ang tunay na dahilan ng kaniyang biglaang pagpapakita sa'kin, Lyn. Nung magkausap kami nung Sabado sa Park.. Humingi siya ng tawad pero kasi.. Hirap akong paniwalaan e."
"Camille.." Hinawakan ni Lynette ang kamay niya. "Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng takot mong 'yan dahil naroon ako nung panahong ginago ka ni Nathan. Naroon ako nung panahong down na down ka dahil sa pananakit niya sa'yo. Nakita ko kung gaano ka nasaktan, Cam." Nginitian siya ni Lynette. "Pero kailangan mong labanan ang takot na 'yan. Isipin mo nalang ang mga anak mo, at kung ano man ang maging kalabasan ng pagsasabi mo sa Ex mo.. mabuti man O masama, at least, naging matapang ka."
"Hindi ganun kadali 'yun, Lyn. Kailangan niya munang ipakita sa'kin na puwede ko ring ipagkatiwala ang mga anak ko sa kaniya. Alam kong magiging masaya ang mga anak ko kapag nakilala nila ang Daddy nila at ako ang unang-unang masisiyahan kapag nakita ko silang masaya.. pero kailangan ko pa rin namang siguruhing hindi sila masasaktan dahil Mahal na mahal ko sila, Lynette."
Tumango si Lynette. "May point ka. Sa Tingin ko nga kailangan mo talagang masigurong walang gagawing kalokohan ang Nathan na 'yon para hindi masaktan ang kambal. Ayaw ko rin namang masaktan ang mga inaanak ko dahil masiyado pa silang bata."
"Sasabihin ko rin naman sa kaniya ang totoo dahil deserve pa ring malaman ni Nathan na anak niya sina Rhett at Astrid. Hindi ko naman ipagkakait ang mga bata sa kaniya at mas lalong hindi ko ipagkakait sa mga bata ang kanilang ama. Gusto ko lang makasigurong hindi sila sasaktan ni Nathan."
"Susuportahan kita diyan, Camille. Hindi pa ako Mommy pero alam ko kung ano ang nararamdaman mo dahil nakita ko kung gaanong pag-iingat ang ginagawa mo huwag lamang masaktan ang kambal kaya Proud na proud ako sa'yo, Camille dahil naging mabuti kang ina sa kabila ng pinagdaanan mong sakit." Nakangiting wika ni Lynette. "Maiba nga tayo.. Sabi ni Kuya Calyx, nagkita na ulit kayo ng Mommy mo?"
Tumango si Camille. "Yeah. Sorry hindi na ako masiyadong nakakapag-kuwento sa'yo."
"I understand. So, ano ngang nangyari?"
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...