CHAPTER 28

3.3K 139 6
                                    

NATHAN

NASA kotse ngayon si Nathan kasama ang kaibigang si Jake. Pupunta sila ng San Vicente na kung hindi lang dahil sa kaniyang Ama ay nasa Buenavista's Building sana ito.

“Suwerte ni Tito Nathaniel. Nakapag-set agad-agad ng Appointment sa Distileriyang iyon. Kilalang-kilala sa Asya iyon kaya masiyadong maraming bussinessman ang gustong mag-invest sa kanila.”

“Lintik nga. Si Daddy dapat ang nandito para makipag meeting at hindi ako e.”

“Bro, magpasalamat ka nalang dahil tinutulungan ka ng Daddy mo para mag-Expand ang company mo. E kung ikaw lang naman, Nako. Babagsak ka kaagad. Tingnan mo nga ‘yang sarili mo.” Wika ni Jake.

“Shut up!”

“Mukha mo! Kala mo naman masisindak mo ako.” Wika ni Jake. “Pero nasaan na nga kaya si Camille ngayon 'no?”

“Kung alam ko, Jake, sana magkasama na kami.”

“Sa tingin mo naman gugustuhin ka pa niyang makasama?” Tanong ni Jake.

“Hindi ko alam. Wala akong ideya, Jake.”

“Bro, eto ha.” Humarap sa kaniya si Jake. “What if one of this days, magkita kayo ni Camille? Anong gagawin mo?”

Ngumiti si Nathan. “Susuyuin. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa’kin, Jake.”

“Oh, Man! Sana nga mangyari ‘yan ng umayos-ayos na rin ‘yang buhay mo.” Wika ni Jake. “Wait. Hindi ba may kuya siya? Anong pangalan nun?”

“Calyx Andrada.”

“Sounds familiar. Parang kapangalan ‘yan nung ka-meeting ni Daddy noon.”

“Sa Mayamang Bussinessman nagtatrabaho ‘yon kaya pamilyar ang pangalan niya. Hindi ko lang alam kung sinong boss niya.” Wika ni Nathan.

“Sinubukan mo na bang kumuha ng reports tungkol kay Calyx?”

“Yeah. I did. pero katulad ni Camille, walang napala. Siguro kagagawan ng boss ni Calyx.” Wika ni Nathan. “we're here.” Saad ni Nathan ng nasa tapat na sila ng Building.

Lumabas silang magkaibigan sa kotse. “Wow! ang ganda ng building na ‘to ah. Mahusay ‘yung may-ari sa pagpili ng disenyo.”

Ang pangalan ng Building ang nakakuha ng atensiyon ni Nathan. “ASHRHETT DISTILLERY.” sambit nito. “Cool name.”

Tumawa si Jake. “Walang‘ya! Disenyo ang sinasabi ko, sa company name ka pala nakatingin.”

“Halika na nga.” Aya ni Nathan sa kaibigan.

Nagtungo sila sa Receptionist Desk. “Miss, i have an appointment with Miss Ventura.” wika nito sa babae.

“Your name, Sir?”

“Nathan Buenavista.” Pagkasabi nun ay pinindot nito ang intercom. Maya-maya ay nagsalita ulit ang babae.

“Sir, Sa secretary’s office na ho kayo. 30th Floor. There's only two room there. The CEO's office and the Secretary. So, Turn at the left side.”

Kumunot ang noo ni Nathan. “Secretary?”

“Yes. Siya ho ang kakausap sa inyo.”

“Okay. Thank you.” Tinungo nila ni Jake ang Elevator.

NANG nasa floor na sila na sinabi ng Receptionist ay agad tinungo ang Office ng Secretary, at kinatok.

“Come in.”

Pumasok silang dalawa ni Jake at naglakad palapit sa table ng babae. Maya-maya ay nag-angat ng tingin ang babae.

“Ly-Lynette??!”

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon