CAMILLE
NANG magising siya kinagabihan ay wala na sa tabi niya ang kaniyang asawa kaya bumangon nalang siya pero nakita niya ang isang papel sa ibabaw ng night stand.
Hey, Love. I have something for you, It is in a white box. Nasa walk-in closet. Wear it then meet me at the shore. I Love you.
-Hubby
Ngumiti si Camille saka inilapag uli ang hawak na papel sa ibabaw ng Night stand saka naglakad palapit sa walk in closet nilang mag-asawa. Nakita niya roon ang isang White box kaya kinuha niya iyon saka bumalik sa kama. Binuksan niya ito at bumulaga sa kaniya ang isang Itim na Bikini.
'Where in the hell did he get this? hays!'
Tanong ni Camille sa sarili habang hawak ang Bikini at iiling-iling na pumasok sa banyo. Naglinis ng katawan, then she wore her black bikini and covered herself with her white robe.
Lumabas siya ng bahay at naglakad patungo sa dalampasigan hanggang sa matanaw na nito ang kaniyang asawa na nakatayo sa tabi ng isang mesa sa dalampasigan.
"Hi." Bati niya kay Nathan nang tuluyan na siyang makalapit dito.
"Hey!" Lumapit sa kaniya si Nathan saka siya niyakap at hinalikan sa Labi. "You're just in time. Our dinner is ready, My love." wika nito.
"You know what? You should see a doctor when we're back in the city." Natatawang saad ni Camille saka umupo sa upuang hinugot ni Nathan para sa kaniya.
"At bakit naman?" Kunot noong tanong ni Nathan.
"Baka kasi diabetic ka na dahil sa mga pakulo mong sobrang tatamis."
Nathan chuckled. "Well, kung totoo naman 'yan.. then it is worth it. Napakilig kita e." wika ni Nathan saka nilagyan ng pagkain ang pinggan ni Camille.
Napailing si Camille. "Sino naman ang nagsabi sa'yong kinilig ako dito?" Tanong nito.
Nathan Look at her then smirked. "Love naman. Hindi ko na kailangang marinig 'yon sa ibang tao. It's shown on your beautiful eyes and also the way you smile." saad nito saka umupo sa upuang katapat ni Camille.
"Oo na. Kinikilig na po ako." Nakangiting wika ni Camille.
"Want me to punish you again, My dear wife?" Tanong ni Nathan na ikinakunot ng kaniyang noo.
"Ano na namang ginawa ko, Aber?"
"I heard you saying "PO" again."
Natawa si Camille saka tumayo at naglakad palapit sa asawa niya. "Punish me then." Wika nito na kinagat pa ang pang-ibabang Labi.
She saw his eyes darkened. "A-are you seducing me, Woman?" Tanong nito na napalunok pa.
Camille giggled. Umupo ito sa kandungan ng kaniyang asawa. "No, Sir." Nakangising sagot nito saka humiwa sa steak at dinala iyon sa bibig ni Nathan. "Say, Ah!" Nakangiting wika nito.
Ibinuka ni Nathan ang kaniyang bibig saka sinubo ang steak. Sumubo din si Camille. "Can we stay Like this forever?" tanong ni Nathan.
"We can't." simpleng sagot ni Camille.
"At bakit?"
"Ayaw kong tumanda na nakaupo Lang sa kandungan mo habang nasa dalampasigan." Pamimilosopo ni Camille sa asawa.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...