NATHAN
MAG-ISANG Nakaupo sa isang sulok sa THE ROCKS si Nathan, naglalasing. Hindi niya makalimutan ang itsura ng kaniyang Ex-girlfriend na si Camille nang pinuntahan siya nito sa kaniyang opisina at abutan sila ni Janine while making out. May kung anong kumurot sa puso niya nang makita ang unti-unting pagpatak ng Luha nito, Lalo na ang galit sa kaniya ng kaibigan ni Lynette.
FUCK! FUCK! FUCK! Why life be this cruel? minsan lang magmahal, gagaguhin pa?! minahal ko naman siya 'di ba? God! is this what they call karma? Fuck!
"Nathan? are you crying, bro?" Boses ni Mark kaya nag-angat siya ng tingin rito.
"Of course not. Bakit naman ako iiyak?" pagsisinungaling nito.
"Anong tawag mo dyan?" turo ni Mark sa kaniyang pisngi.
"Tears of joy."
Mark chuckled. "You know you can't Lie to me." wika ni Mark at umupo sa kaniyang harapan at nag order ng iinumin.
"Camille fooled me." ipinakita nito sa kaibigan ang Litrato ni Camille na may kayakap sa isang Romantic restaurant.
"Nag-usap na ba kayo ng maayos? Inalam mo ba kung anong totoo?" seryosong tanong ni Mark sa kaniya.
"What's the use? Halata naman sa picture na 'yan na nagmamahalan sila. That man is her Ex-boyfriend for fuck sake! May nakaraan silang dalawa."
"Exactly, bro. Nakaraan. Ibig sabihin puwedeng wala naman talagang namamagitan sa kanilang dalawa."
Ngumisi si Nathan. "puwede ring meron."
"See? Hindi ka sigurado, hindi ba? Fuck you, Nathan! You are a businessman, ang mga katulad mo mahilig magpa-imbistiga. Ginawa mo ba? malamang hindi dahil nandito ka, nilulunod ang sarili sa punyetang alak, mas pinaniwalaan ang picture na 'yan, kaysa ang kausapin si Camille." inis na wika ni Mark.
Napatitig naman si Nathan sa kaibigan na pilit ipinapasok sa kaniyang isipan lahat ng sinabi.
Nagkamali ba ako? Masiyado bang naging sarado ang isip ko para pakinggan ang paliwanag ni Camille? Ako ba ang nasaktan at biktima, O ako ang Nanakit sa babaeng mahal ko? No. Siyempre ako ang biktima. Ako ang sinaktan.
"Hindi ko siya kailangan, Mark. Hindi ko kailangang kausapin siya at pakinggan ang lahat ng mga kasinungalingan niya. Hindi mo ba nakikita ang tunay na pakay niya sa'kin? May pera ako, Mark at yun Lang ang habol niya sa'kin."
"Well, pinagsabihan na kita at desisyon mo na 'yun kung makikinig ka sa'kin o paiiralin mo 'yang kagaguhan mo."
"Utak ang pinapairal ko, Mark hindi ang kagaguhan ko lang. Alam mong ito ang kauna-unahang beses na nagmahal ako ng isang babae kaya sana intindihin mo rin kung gaano kasakit para sa'kin na ganoon nalang ang nangyari sa'min ni Camille. Maraming nagbago sa'kin simula nang makilala ko siya. Natuto akong magtiwala, Mark, pero anong nangyari? Heto oh. heto ako ngayon, Mark. Nasasaktan." Walang emosiyong aniya.
Tinapik ni Mark ang kaniyang balikat. "I understand you. Gusto ko lang imulat mo ang mga mata mo sa maaring posibilidad. Come on, That's enough. Ihahatid na kita, Bro."
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...