NATHAN
SATURDAY AFTERNOON. Nakabusangot ang mukha na Nakaupo si Nathan sa kaniyang opisina pero wala na naman sa tambak na papeles sa ibabaw ng mesa nito ang isip. Naglakbay na naman kay Camille.
'yung babaeng 'yon.. maghapon ng hindi nagpaparamdam sa'kin ah. Kahit kailan talaga wala man lang 'yong asukal sa katawan.
Wika nito sa kaniyang isipan, dahil magmula kaninang umaga ay wala na itong natanggap na text o tawag sa kaniyang kasintahan. Alam naman ni Nathan na may pupuntahan nga ngayon si Camille pero naiinis na ito dahil masiyado naman yatang busy sa kaibigan si Camille.
"Hey! Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" nagulat si Nathan ng marinig ang boses ng dating sekretaryang si Ella, kaya tumingin ito sa kaniyang pintuan. Naroon ang dalaga na may malapad na ngiti ngunit kunot ang noo.
"Hey! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nathan at nilapitan ang dalaga at nakipagbeso.
"Hmp! bawal na bang dalawin ang dati kong boss ngayon?" Maktol ni Ella at umupo sa visitor's chair.
"Nagulat lang ako kasi ang alam ko nasa Italy ka at tambak ang trabaho kagaya ko." wika ni Nathan.
"Masipag akong magtrabaho, Nathan, kaya hindi ako matutulad sa'yong matatambakan ng trabaho. Ikaw kasi puro babae ang inaatupag."
Nathan chuckled. "Masipag? parang hindi naman?" Tudyo ni Nathan kay Ella. "saka iisang babae lang ang kinababaliwan ko ngayon, Ella." Wika nito na bakas ang ningning sa mata.
Pumalakpak si Nathan. "Tita Sam will throw you a party if she knows about you, being crazy with a girl." Tuwang saad ni Ella. "So sino namang babaeng dapat naming pasalamatan sa pambabaliw kay Nathan, The great womanizer in town?"
"Itago natin sa pangalang Camille Rose Andrada." Natatawang wika ni Nathan.
"Really?" Napatayo si Ella at matamang tinitigan si Nathan. "Like Camille Rose Andrada, your new secretary?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"The one and only, Ella." Nakangising saad ni Nathan.
Bigla namang tumalim ang mga mata ni Ella. "Hoy! ipapaalala ko lang sa'yo, Nathan ha? Kaibigan ko 'yong babaeng 'yun, at hindi na rin kita boss ngayon, kaya sa oras na saktan mo siya, Humanda ka sa'kin dahil hindi kita sasantuhin." Banta ni Ella.
"God! alam mo? Hindi naman kayo mag-ina ni Mommy pero 'yang ugali mong 'yan? namana mo sa kaniya e. Pinagbabantaan niyo ako 'pag si Camille ang pinag-uusapan."
"Camille is a treasure, Nathan. Nakita namin ni Tita Sam sa kaniya ang napakagandang bagay na hindi mo dapat sisirain o sasayangin." seryosong saad ni Ella.
"I love her, Ella. Kaya hindi ko siya sasaktan. I know, Love is kind of a new thing for me because I don't do Love, I just Fuck. But these unfamiliar feelings I feel towards Camille are very strong. I love her so much, and I will treasure her for the rest of my life."
Napangiti si Ella sa kaniyang sinabi. "Ang baduy mo pa lang umibig." natatawang wika nito. "Pero sige na nga, support na kita d'yan. Boto naman ako sa inyo para sa isa't-isa."
"Thanks, Ella. How's Italy and your family, by the way?"
"Italy is nice. I like that country, But the Philippines is an amazing place for me. I love being here, and my family? They're all doing great. Thanks, Nathan."
"Bumalik ka nalang kasi dito." wika ni Nathan.
"I love to. Kaso kailangan ako ng pamilya ko dun kaya hindi ako puwedeng magpaka-selfish."
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...