CAMILLE
"Love?" Tawag nito kay Nathan ng Makarating sila sa Penthouse ng binata.
"Yes, my Love?" Wika nito habang nagtatanggal ng suot na damit.
"Pahiram ng T-shirt, please?"
"Sure, Love." Pumunta ang binata sa kaniyang Walk-in Closet at kumuha ng isa niyang T-shirt. "Here. Need undies?" Nakangising tanong ni Nathan sa kaniya.
"May dala ako." wika ni Camille na mas Lalong ikinangisi ni Nathan.
"Mabuti naman at marunong kang magdala ng reserba para kapag pinunit ko ang suot mo-"
"Manyak!" singhal niya sa binata saka ito naglakad sa bathroom nito.
Habang naliligo ay hindi nito maiwasan ang usapan nila kanina sa Mansiyon ng mga Buenavista, Lalo na 'yung tungkol sa kaniyang magulang. Ayaw man nitong magsinungaling sa mga magulang ni Nathan pero hindi pa kasi nito magawang sabihin sa kanila ang katotohanang isa isang anak mayaman. Na kaya lang siya napadpad sa lugar na ito at mag-apply na sekretarya ni Nathan ay dahil sa may mga tao siyang kailangang iwasan.
Nang matapos itong maligo ay agad na inabot ang Towel na nakasabit sa Hook at ipinamunas sa buong katawan, saka ipinulupot sa kanyang basang buhok at saka isinuot ang Roba na nakita niya na alam niyang pag-aari ni Nathan.
Lumabas siya ng banyo at nadatnan niya ang binata na nakasandal sa Headboard ng kama, Naka-krus ang braso nito sa dibdib at nakapikit ang Mata.
"Staring is rude, Love." Nakangising wika ng binata na hindi man lang namalayan ni Camille na nagmulat na pala ng Mata.
"Hmp!" Umupo ang dalaga sa kama at kinuha ang suklay nito sa Bag, at sinuklay ang kaniyang buhok.
"Let me comb your hair, Love." Malambing na saad ni Nathan at kinuha ang suklay sa kamay ni Camille.
Inamoy ni Nathan ang buhok nito. "Hmmm.. You smell Like Nathan Angelo Buenavista." Bulong nito sa kaniya na nagpatayo ng balahibo nito sa batok.
"Nathan, Nananansing ka na e."
Nathan chuckled. "No. Wala akong ginagawa, Love. Sinusuklay ko lang 'tong buhok mo oh." Wika nito habang marahang pinapalandas ang suklay sa buhok nito.
"Nathan?"
"Hmmm?"
Humarap ang dalaga kay Nathan. "Paano kung may mga bagay akong tinatago sa'yo?" Out of the blue ay tanong ni Camille.
"What do you mean? Are you hiding something from me, Love?"
"Uhm.. Let's just say na meron."
"Then tell me, Love."
"Sasabihin ko sa'yo kapag handa na ako. Don't worry, It's not that bad naman, Love."
"Hmm? okay. I trust you, Love." wika nito. "There. Tapos na." Tukoy ni Nathan sa buhok ni Camille.
Kinuha ni Camille ang Suklay sa kamay ni Nathan at ibinalik sa bag. "Thank you." wika nito.
"Anything for my Love." Tugon ni Nathan saka marahas na hinapit ang dalaga na ikinasinghap nito saka siya pinupog ng halik sa Mukha.
"Nathan! Stop! Kapag nakalas ang tali ng roba ko, mapapatay talaga kita."
"Ano naman kung-"
"Wala akong ibang suot maliban sa robe na 'to! buwesit ka!" Singhal nito na ikinamula ng sariling pisngi.
Nathan smirk. "Hmm? Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may binabalak ka pala, Love?"
"Shut up! Tumalikod ka nalang at magbibihis ako." Utos ni Camille.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...