CAMILLE
NASA Mansiyon nila Nathan ang dalaga at ang mga anak nila. Dahil pinasyal ng mga magulang ni Nathan ang kambal ay nagkulong nalang ito sa Silid nila ni Nathan.
Bagot na Bagot na ang dalaga kaya naman naisipan niyang mag online sa Facebook para kahit papaano ay malibang naman ito habang hinihintay ang pag-uwi ni Nathan galing ng Kompanya nito.
Natigil ito ng Makita sa Newsfeed niya ang isang picture na naka-tag kay Nathan. Picture iyon ng binata habang may babaeng nakalingkis sa kaniyang braso.
‘Buwiset ka talagang Lalaki ka. Humanda ka sa’kin mamaya.’
Swinitch off nito ang kaniyang cellphone at nakabusangot na humiga sa kama habang iniisip ang nakitang picture. Maya-maya Lang ay bumukas naman ang pintuan ng silid.
“Hi, Lo—”
Mabilis na bumangon sa pagkakahiga ang dalaga saka tumayo. “Don’t you dare come near me, Nathan!” Galit na wika nito.
Kumunot naman ang noo ng binata. “Why? What happened?” Tanong nito saka humakbang palapit sa kaniya.
“I said don’t come near me! Get Out!” Sigaw ng dalaga.
“Love.. Bakit ba? Ano na namang ginawa ko?” Naguguluhang tanong ni Nathan.
“What’s the meaning of this?!” Galit na sigaw nito na nangingilid na ang luha saka Ibinato ni Camille ang cellphone niya sa binata na buti nalang at nasalo rin niya.
Binuksan ni Nathan ang Cellphone ng dalaga at tiningnan ang sinasabi nito. “Are you Jealous?” Tanong nito.
Nagdilim naman ang paningin ni Camille kaya ibinato nito ang mga unan kay Nathan. “Go to hell!!” Bulyaw niya sa binata saka nagsimulang nag-unahang pumatak ang kaniyang Luha.
Hindi nagpatinag sa galit niya si Nathan. Lakas-Loob itong Lumapit sa kaniya at niyakap. “Ssshhh.. Stop crying, Love.”
“I hate you! I hate you, Nathan!” Humihikbing wika nito saka pinagpapalo ang dibdib ng binata na nanatiling nakayakap Lang sa kaniya.
“Love, Stop crying and Let me explain, please?” Tumigil sa pagpalo si Camille sa binata ngunit nanatili pa rin ito sa paghikbi. “Yung babaeng kasama ko sa picture na ‘yon, Nakababatang kapatid ‘yon ni Mark. ” wika nito.
Tumigil sa paghikbi si Camille saka tumitig sa binata. “Totoo? Hindi mo siya babae?”
Umiling si Nathan saka dinampian ng marahang halik ang noo ng dalaga. “Hinding hindi ako maghahanap ng ibang babae, Love. You’re more than enough. Nagkataon Lang na nagkasalubong kami kanina at nakipag selfie sa’kin. I’m sorry if i made you jealous.” Puno ng sinseridad na saad ng binata.
Yumakap si Camille sa binata. “I’m sorry. Masiyadong praning ang Girlfriend mo. I just Love you so much.” wika nito.
“You know how much i Love you, Love, kaya hinding hindi kita Lolokohin. Just trust me, Okay?” Nakangiting wika ni Nathan saka pinunasan ang Luha sa pisngi ni Camille. “I Love you.” sambit nito.
Tumango si Camille na sa wakas ay ngumiti na. “I love you too, Love.” Tugon nito saka dinampian ng halik sa Labi ang binata.
Ngumiti si Nathan. “Wanna go on a date with me, Love?”
Namilog ang mata ng dalaga sa narinig, and she can’t help but feel giddy and happy. Pagkatapos niyang magdrama kanina dahil sa kaniyang pagseselos ay heto naman ngayon si Nathan, inaaya siya ng date.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...