EPILOGUE

5.4K 189 72
                                    

•••••••••

10 years Later..

C A M I L L E

"Mommy! Daddy!" Humihikbing Tawag sa kanilang mag-asawa ng 10 years old nilang bunsong si Camia Amara.

"Yes, Sweetie?" Tanong ni Nathan saka inilapag sa mesa ang hawak na Diyaryo.

"Daddy, Si Kuya Rhett sabi niya ampon niyo lang daw ako." Sumbong nito sa kaniyang ama.

"Totoo naman e." Sabad ng kanilang 14 years old na si Ethan Rhett.

"Stop it, Rhett. Ikaw ang Kuya sa inyo tapos ikaw pa ang pinaka-bully." Saway ni Camille kay Rhett.

"Uh-oh!" Nakangising sambit ng kakambal ni Rhett na si Astrid Rose.

"Is it true that i am just your adopted child, Mom?" Baling sa kaniya ni Amara.

"Of course not, Baby. Kamukha mo nga si Mommy, 'di ba?" wika nito sa anak. "Huwag mong intindihin 'yang kuya mong saltik."

"Mom!" saway ng anak sa kaniya.

"Oh, well.. I am your twin sister but i agree with mom, Kuya." Tatawa-tawang saad ni Astrid. "May saltik ka talaga."

"Ash!" Tiningnan ni Rhett si Ash ng may nagbabantang titig.

"Dad, Help!!" sigaw ni Ash ng magsimulang humakbang palapit sa kaniya ang kakambal niyang si Rhett.

"Tumigil na kayo, Rhett, Ash. Pupunta na tayo ng isla mamaya, nakahanda na ba ang mga gamit ninyo?"

Summer na kasi at wala ng pasok sa school ang mga Bata kaya naisipan nilang mag-asawang sa Isla De Camille nalang muna magbakasyon.

"Yes, Mom. Nakahanda na po." Wika ni Ash.

"How about you, Rhett?" Tanong ni Camille sa anak.

"Done packing, Mom."

"Yes, Mom. Tapos na si Kuya. In fact, Tatlong malalaking maleta 'yung dadalhin niya." natatawang wika ni Astrid.

"E bakit ang dami mo namang dala, Rhett?" Sabad ni Nathan.

"Dad, sa isla tayo pupunta kaya kailangan marami akong dalang pamalit. Ayaw ko ng paulit-ulit." dahilan ni Rhett.

Astrid flipped her hair. "Hey! Let me remind you, Twin Brother of mine, Kami ni Amara ang babae kaya 'wag ka ngang maarte. Para kang- uhmmp!"

"Sabihan mo pa akong bakla ng mailunod kita sa isla." Banta ni Rhett sa kakambal habang nakatakip ang palad sa bibig ng kapatid.

"Mom, Dad, Look at them. They're fighting again." saad ni Amara.

"Hayaan mo sila, Anak. Nagbibiruan Lang 'yang ate at kuya mo. Halika na, Mag-iimpake na tayo ng mga gamit mo." Aya ni Camille sa anak na si Amara. "Kayong dalawa, Tama na 'yan." Aniya sa anak na kambal.

"Love, Pupunta nga pala muna ako sa Kompanya. Saglit Lang naman, babalik din ako kaagad saka tayo aalis." Paalam ni Nathan ng akmang tatayo si Camille.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon