CAMILLE
Nasa Library siya sa mansiyon at may binabasa patungkol sa distillery bussiness ng may kumatok sa pintuan.
“Come in.” malakas na wika ni Camille.
Bumukas iyon at pumasok ang anak nitong si Rhett. “Mommy, where’s Tito Calyx?” Tanong sa kaniya nito.
Nilapag ni Camille ang hawak nitong Libro at kinarga ang anak at pinaupo sa kaniyang Lap. “Umuwi siya sa Condo niya, Baby. Bakit? May kailangan ka kay Tito?” Tanong nito.
“I want to play with him, Mom.” Malungkot na saad ni Rhett.
“You and Tito will play some other time, okay? Nakita mo na ‘yung susuotin mo sa Party mamaya?” Nakangiting tanong ni Camille.
“Yes, mom. I love it po.” Nakangiti ng wika ni Rhett.
“Si Ninong Daniel nagbigay sa'yo nun, baby. So you should thank him when you see him, okay?”
Nagningning ang mga mata ng bata sa sinabi ni Camille. “Pupunta po siya dito, Mommy? Sila ni Tita Ninang?” Tukoy nito kay Lynette.
Umiling si Camille. “Hindi kasama si Tita Ninang kasi si Tito Calyx na ang susundo sa kaniya sa house niya. So, Si Ninong nalang ang pupunta dito mamayang gabi para sunduin tayo.” Paliwanag ni Camille.
“Okay, Mom.”
“Nasaan ‘yung kambal mo?” Tanong ni Camille.
“She's with Nanay Maria. Nagtatanim po sila ng flowers sa garden.”
“Why don't you join them, hmm?” Nakangiting tanong ni Camille habang hinahaplos ang pisngi ng bata.
“Mom, babae lang po ang gumagawa ng ganun. Hindi rin ako bakla.” Nakabusangot na wika ni Rhett.
Natawa naman si Camille at bahagya pang pinisil ang pisngi ng anak. “Anak, hindi lang naman girls ang maaring gumawa nun.”
“Mom?”
“Yes, Baby?”
“I heard you Last night.. umiiyak ka po. why po?”
Nagulat si Camille sa sinabi ng anak. “No, Baby. Hindi umiyak si Mommy. Guni-guni mo lang siguro ‘yon.” wika nito. Pero ang totoo ay umiyak nga siya.
“Are you sure, Mom? You know i can fight bad guys too. I'm strong na, Mommy, Remember? Just tell me if someone hurt you, okay po?”
Hinalikan ni Camille si Rhett sa sentido nito habang pinipigilan ang kaniyang luha. “Thank you, Baby. Pero hindi mo dapat iniitindi ‘yung mga ganung bagay, okay? Mommy can take care of herself, Baby. You and your sister is my strength, Rhett.”
Tumango ang Bata at yumakap sa ina. “We love you so much, Mom.”
“Mahal na mahal din kayo ni Mommy.” Nakangiting wika ni Camille.
“e ‘yung Daddy namin.. mahal din po ba niya kami ni Ash?” inosenteng tanong ng bata.
Tumango nalang si Camille. “Of course, Baby. Daddy loves you and Ash.”
“Kailan po ba siya uuwi, Mommy?”
“Hindi ko alam, Anak. Pero huwag kang mag-alala kasi uuwi din siya.. soon.” Wika ni Camille na hindi naman sigurado sa mga sinasabi sa bata.
Tumango si Rhett. “Babalik na po ako sa room ko, Mommy. Read ka na po ulit.” wika ni Rhett. Bumaba siya mula sa kandungan ng ina saka mabilis na tinakbo ang pintuan at lumabas ng Library.
Pagkalabas ng anak ay dun na rin pinakawalan ni Camille ang luhang kanina pa pinipigilan.
‘ Kung hindi mo lang ako pinagtabuyan at pinagpalit noon.. hindi sana ako nahihirapan sa pagsisinungaling sa mga bata, Nathan. Sana ikaw ‘yung kasama ko ngayon sa pagpapalaki sa kanila kung hindi ka lang sana gago. ’
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...