CHAPTER 10

4.2K 168 2
                                    

CAMILLE

NAGISING si Camille sa isang malakas na higing. Ang kanyang Alarm Clock. Kinapa niya ang kama kung saan banda nahiga si Nathan kagabi pero wala na ito roon. Marahil ay nasa kusina.

Pumasok siya sa kaniyang banyo upang maligo. Habang nagsasabon ng katawan ay hindi nito napigilan ang ngiting gustong kumawala sa kaniyang Labi habang inaalala ang lahat ng nangyari kagabi simula nang kalampagin ng kaniyang boss ang pintuan nito.

IS HE REALLY MY BOYFRIEND NOW?

Tanong nito sa kaniyang sarili kasi parang ang bilis-bilis ng pangyayari. Parang kailan lang nang una silang magkita sa hindi inaasahang pangyayari. Parang kailan lang nang pangalawa silang magkita kung saan nag-apply ito ng trabaho at dahil sa matalino ang tadhana, naging boss nito ang Lalaking nakilala sa gitna ng kalsada nang gabing malasing siya.

Dalawang Linggo palang na nagkakasama kami bilang EMPLOYEE at EMPLOYER, pero ngayon, mag BOYFRIEND/GIRLFRIEND na kami? Is it even possible? No. Maybe i'm just dreaming.

Kinurot ni Camille ang sarili sa pag-aakalang nananaginip Lang ito ngunit nakaramdam naman siya ng sakit kaya malamang gising na gising ito.

Mabilis nitong tinapos ang pagligo at agad naghanap ng damit na isusuot saka lumabas ng silid. Dumiretso ito nang kusina ngunit sobrang nadismaya ito ng walang Nathan na makita.

Sabi na e. Pinaglalaruan lang talaga ako ng gagong 'yon e.

Sobrang pagka-inis ang nararamdaman nito ngayon para sa binata. Babalik na sana ito sa kaniyang silid nang mapansin nitong may isang bagay na natatakpan sa ibabaw nang lamesa, dala ng pagtataka, nilapitan niya ito.

Inalis nito ang bagay na tumatakip dito, At bahagyang napaawang ang labi nito, at nanlalaki ang mga matang tinitigan ang nasa lamesa.

Tatlong pancake ang naroon. Sa bawat ibabaw ng mga iyon ay may word na nakalagay gamit ang Maple Syrup.

" I LOVE YOU "

Napangiti ng pagkalapad-lapad si Camille. Binalingan din nito ang katabi ng pancakes, isang basong gatas, pero mas nakaagaaw ng kanyang pansin ang NOTE na nakadikit rito, kaya kinuha niya ito at binasa ..

" Hi, Love. Good morning. I'm sorry, kailangan kong umalis d'yan ng maaga, may emergency kasi sa office. Ginawan nga pala kita ng pancakes, Ubusin mo 'yan dahil kung hindi, parurusahan kita. Don't forget to drink your milk, okay? I Love you so much, Girlfriend. I'll see you later.

-N.A. Buenavista"

Napalitan ang inis at pagdududa niya ng isang pagkalapad-lapad na ngiti, At dala ng sobrang kilig, mabilis nitong inubos ang pancakes na gawa ng kaniyang nobyo at diri-diretsong tinungga ang gatas nito, saka mabilis na bumalik sa kaniyang silid upang magbihis sa kaniyang office attire.

Nang makarating sa Buenavista Real Estate ang dalaga ay mabilis na tinungo ang Elevator. Nang nasa sarili na nitong opisina ay mas nanlaki pa ang mga mata nito nang makitang may isang bungkos ng kulay pula at puting rosas sa kaniyang table.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon