CHAPTER 50

3.2K 118 8
                                    

THE WEDDING DAY❤


CAMILLE

4PM. NASA dati niyang bahay si Camille at dito maghahanda para sa kasal nila ni Nathan mamaya.

"Camille, Wake up!"

"10 minutes more."

"Camille, Tumayo ka na diyan at maligo dahil kailangan ka ng ayusan. Faster!" Utos ni Lynette sa kaniya.

Nag-inat si Camille saka dali-daling bumangon. Hindi na pinansin pa ang kaibigan niya at Naging mabilis ang bawat kilos niya dahil baka ma-late na siya. Nang matapos maligo ay agad na nagsuot ng komportableng damit.

Paglabas niya ng kuwarto ay naroon na ang kanilang wedding organizer. "Ma'am, Halika na at sisimulan ka na naming ayusan." Wika nito saka siya iginiya sa isa pang kuwarto ng bahay niya dahil naroon ang Lahat ng gagamitin nila upang mas pagandahin pa siya.

Nasa Loob na ng silid ang kaniyang hair stylist at ang kaniyang Make up artist. Naroon na rin ang Camera Man para i-record ang Lahat ng nangyayari sa kaniya sa araw ng kaniyang kasal.

"Where's my Bride of honor and the Bridesmaids, Lenny?" Tanong nito sa kaniyang wedding organizer.

"Nasa kabilang room po sila, Ma'am. Kasalukuyan na rin silang inaayusan." tugon nito. "Pupuntahan ko po sila sandali, Ma'am. You just stay here, Relax and let my people do their job to make you the prettiest bride ever."

"Thank you, Len. You're the best." Nakangiting wika ni Camille.

"You're welcome, Ma'am." Nakangiting saad nito. "Do your job well and Make her the prettiest bride, okay?" Ma-awtoridad na wika nito sa kaniyang mga tauhan.

"Yes, Boss." Sabay-sabay na sagot ng mga ito kay Lenny. Lumabas naman ng kuwarto si Lenny.

AFTER THREE HOURS. Tapos na ang mga tao sa pagpapaganda sa kaniya. Maya-maya ay pumasok si Dianne, ang gumawa sa kaniyang Wedding gown at hawak na nito iyon. She laid it on the bed with her veil, shoes and her bouquet of flower.

"Come here, Miss. Tutulungan na kita para masuot mo na ang wedding gown mo." aniya ni Dianne.

Naglakad naman palapit sa kama si Camille at hinaplos ang kaniyang wedding gown. "Thank you for making this beautiful wedding gown for me, Dianne." wika nito.

"You're very much welcome, Miss." Kinuha nito ang wedding gown niya para ipasuot sa kaniya. Tinanggal naman ni Camille ang kaniyang Suot na damit saka sinuot iyon. Sinunod nito ang kaniyang sapatos at veil. Hindi na siya nagsuot pa ng Earrings at Necklace dahil hindi siya mahilig sa mga ganoong bagay.

"You're so beautiful, Miss." Nakangiting puri sa kaniya ni Dianne.

"Thank you." tugon ng dalaga.

Maya-maya ay pumasok si Lenny ng kuwarto. "Ma'am, we need to go. Are you ready?"

Tumango si Camille. "Yes, Len." nakangiting wika nito. "Let's go." saad nito saka nagsimulang maglakad palabas habang sina Dianne at Lenny ay nakahawak sa kaniyang bridal train.

PAGLABAS nila ay naroon na ang Mercedes Benz na pag-aari ng kaniyang Daddy at si Mang Isko na siyang magmamaneho. Agad na binuksan ng Lalaki ang pintuan ng backseat saka dahan-dahang pumasok roon ang dalaga.

30 minutes Later..

Ipinarada ni Mang Isko ang kotse sa harap ng simbahan kung saan naroon ang kaniyang Ama at Ina na naghihintay sa kaniya upang ihatid sa altar. Bumaba ng kotse ang dalaga na agad namang dinaluhan ni Lynette na naroon din para hawakan pansamantala ang kaniyang Bridal Train na hindi naman ganoon kabigat.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon