CHAPTER 22

3.3K 133 9
                                    

CAMILLE

KAKAGISING Lang ni Camille ngunit bigla itong nakaramdam ng gutom kaya bumaba na agad ito nang hindi man Lang inaayos ang sarili. Nadatnan niya sa kusina si Lynette.

"Lyn, nagluto ka ba?" Nakangiting tanong nito sa kaibigan.

"Good morning to you too. Gumawa lang ako ng pancakes. Paborito mo 'di ba? Here." Nilapag ni Lynette sa harapan niya ang platong may dalawang pancake at nilagyan pa nito ng Honey syrup ngunit nang matikman iyon ni Camille ay biglang nakaramdam ng pagkiwal sa kaniyang tiyan kaya dali-daling tumakbo papunta sa banyo na pinakamalapit at duon nagsuka.

Nang matapos ay bumalik ito sa kaibigan na nanghihina. "are you okay, Camille?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ayaw ko sa Lasa." reklamo nito na nakasimangot.

"Pero ganiyan naman 'yung lasa ng mga kinakain mo." tugon ni Lynette. "Camille, kailan ka huling dinatnan?" seryosong tanong ni Lyn.

"Dinatnan ako Last month. pero ngayon delayed ako. Bakit?"

"I think you're pregnant."

Naibuga ni Camille ang gatas na nasa bibig. "Lynette! Magtigil ka nga. Delayed lang buntis na?"

"May morning sickness ka, Camille. Lagi kang nagki-crave ng mga maasim. Laging mainit 'yang ulo mo. At tapos ngayon sabi mo delayed ka." Saad ni Lynette.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Camille sa sinabi ni Lynette at wala sa sariling napahawak sa kaniyang tiyan. "Nagkakamali ka lang siguro, Lyn." wika nito kahit na pati siya'y napapaisip na rin.

"Take a bath. Magpapatingin ka sa doctor ngayon. Sasamahan kita." Ma-autoridad na wika ng kaibigan.

"Fine! pero sinasabi ko sa'yo, Lynette. Hindi ako buntis." Tumayo ito at naglakad pabalik sa kaniyang silid para maligo.

Nang matapos ay nagbihis agad at humarap sa salamin at hinimas ang kaniyang tiyan bago lumabas ng silid.

"Let's go." wika niya kay Lynette.

Sumakay sila sa McLaren ni Camille. She turned on the engine and drive at the nearest hospital. Nang makarating sila ay agad naman siyang kinunan ng Blood and urine samples para sa gagawing basic tests ng doctor.

"Relax, Camille. Malalaman na natin maya-maya ang resulta. Kung buntis ka e di maging masaya ka dahil kahit na naging masaklap ang buhay pag-ibig mo ay bibiyayaan ka naman nito ng munting anghel." wika ni Lynette na hinawakan pa ang kaniyang kamay pero nanatiling tahimik lang si Camille hanggang sa dumating ang doctor.

"Miss Andrada, Follow me, please." wika nito na nauna ng naglakad sa kaniyang opisina.

"Maiwan nalang ako dito." wika naman ni Lynette kaya wala ng nagawa si Camille kundi ang mag-isang sumunod sa doctor.

"Have a sit." giya sa kaniya ng doctor sa visitor's chair.

"So, what's the result, doc?" kinakabahang tanong ni Camille.

Ngumiti ang kaharap. "You're one month pregnant, Miss Andrada. Congratulations!" Masiglang bati sa kaniya nito.

"A-are you sure, Doc?"

"Yes. Of course. Magkaka-baby ka na. Congratulations to you and your husband." Nakangiting wika ng doctor. "I'm doctora Liv. Makakasama mo hanggang sa manganak ka. I will give you some Not to do and to do List para maalagaan mo ang sarili mo at ang baby na nasa tiyan mo." Wika nito at may inabot itong papel sa kaniya. "You also need to take some Prenatal Vitamins, okay?" Tumango si Camille. "Here's the date list of your prenatal appointments with me. I'll see you soon, Miss Andrada. Please, Take good care of you and the baby."

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon