CAMILLE
TWO MONTHS LATER ....
NAGLALAKAD si Camille palabas ng Buenavista Real Estate at patungo sa kaniyang kotse. Oras na kasi ng Out nito sa trabaho at dahil Out of the country ang kaniyang boyfriend ay ipinagamit na muna ni Nathan ang kaniyang McLaren sa kaniya.
"Aaayyyy!" Sigaw nito ng mabangga siya ng isang Lalaki. "Puwede ba? Tingnan mo naman ang daraanan mo." inis na wika ng dalaga.
"I'm sorry-"
"Mike?"
"Camille."
"What the hell are you doing here, Mike?"
"Nagmakaawa ako kay Calyx na ibigay ang address mo dahil gusto kitang makausap pero ang lugar kung saan ka nagtatrabaho ang binigay niya."
"Ayaw na kitang makausap, Mike."
"Please, Camille. Huli na 'to, pangako hinding hindi na kita guguluhin."
"Fine." wika ni Camille.
"Tara. May malapit na Restaurant dito." Wika ni Mike.
"Convoy nalang tayo. Lead the way, Mike."
"Sige."
NAGSIPASOK ang dalawa sa kani-kanilang mga sasakyan at magkasunod na nagtungo sa pinakamalapit na Restaurant. Nang makarating ay ipinarada ni Camille sa parking Lot ng Restaurant ang kotse nito at bumaba ng sasakyan.
"Bakit parang napaka romantic naman yata ng pinuntahan natin, Mike?" Tanong ng dalaga ng Makapasok sila sa isang Restaurant na parang puro couples naman ang siyang tanging naroon.
"Hayaan mo na, Camille."
"Good evening, Sir, Ma'am." Bati ng babae
"Good evening, Table for two, please." wika ni Mike.
"Okay. This way, Sir, Ma'am."
Iginiya sila ng babae sa pinakasulok ng Restaurant kung saan mas romantic dahil sa mga scented candles. Umupo sila doon at hinayaan nalang si Mike na bahalang mag order na kakainin nila.
"Anong gusto mong pag-usapan, Mike?" Untag niya sa Lalaki.
"About us."
"I'll go home now." Tatayo na sana si Camille nang magsalita ang Lalaki.
"Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo, Camille. Nandito ako para makipag-usap sa'yo ng maayos." Hinawakan ng Lalaki ang kamay ni Camille na nakapatong sa ibabaw ng Lamesa. "Gusto kong humingi ng tawad.. sa Lahat-lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko. Gusto kong humingi ng tawad sa panlolokong ginawa namin sa'yo ni Bea."
"Mike." sambit ni Camille sa pangalan ng binata.
"Camille, please. Pakinggan mo muna ako. Kung hindi mo pa ako kayang patawarin, ayos Lang basta ang importante masabi ko sayo ang nararamdaman ko. Minahal kita, totoo 'yon pero sadyang gago lang ako para matukso sa iba." Huminga ng malalim ang binata. "Buntis si Bea. Ako ang ama."
Ngumiti si Camille. "I'm happy for the both of you, Mike. Kahit papano ay naging parte kayo ni Bea ng buhay ko. Oo, nasaktan niyo ako ng sobra sobra sa ginawa ninyong pagtataksil pero gusto ko ng makalaya sa nakaraan, Mike. I have Nathan now. Masaya ako sa kaniya kaya pinapatawad ko na kayo ni Bea." Puno ng sinseridad na wika ni Camille.
"Ma'am, Sir, here's your order. Enjoy your meal." Singit ng babae kanina. Nag Thank you lang sina Camille at Mike dito saka nagpatuloy sa pag-uusap habang kumakain.
"Thank you so much, Cam. Masaya din ako para sa'yo at sana magtuloy-tuloy na ang kaligayahan mo." wika ni Mike at may kinuha ito sa kaniyang dalang bag. "Here. Sana makapunta ka." Inabot nito kay Camille ang isang wedding invitation.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...