CAMILLE
MAAGANG pumasok ng distileriya si Camille ngayon dahil marami siyang aasikasuhin kaya si Nathan ang mag-aalaga ngayon sa mga Anak nila.
“Good morning, Boss.” Bati sa kaniya ni Lynette na kakapasok Lang ng kaniyang opisina. “Blooming ka yata ngayon? Anong meron?”
Tumawa si Camille. “Well, Good morning to you, too.” Bati ni Camille. “Lagi naman akong blooming kaya wala ng bago roon, Lyn. Kung anu-ano nalang ang napapansin mo diyan e.”
Umiling si Camille. “No! Kakaiba ka ngayon, Camille. Anong meron? hmm?” Pang-uusisa ni Lynette.
“Masaya Lang ako kasi sa wakas naipakilala ko na ang mga bata sa mga Buenavista.” wika ni Camille.
“Nakakatuwa nga naman, pero hindi e. Alam kong may iba pang dahilan. Oh, wait..” Tumitig sa kaniya si Lynette. “Don’t tell me na ginapang mo na naman si Nathan? Na— ”
“Ang halay mo talagang mag-isip, Lyn. Para kang hindi virgin.”
“Hmp! Akala mo naman siya hindi. Nagkaroon ka nga ng kambal dahil may kahalayan ka ring nalalaman. Arte arte ka pa diyan.”
Natawa si Camille. “Ewan ko sa’yo, Lyn.”
“So ano ngang balita sa inyo ni Nathan?”
“Balita sa’min? Nasa Mansiyon siya. Kinausap siya ng pamilya ko kahapon pero wala akong alam sa pinag-usapan nila dahil hindi naman nagsabi sa’kin si Nathan.”
“Naks! Bahay-bahayan ang gano’n? Nako, Camille. Kailangan mong maging matalino dahil kung hindi, Magiging apat na ang anak mo.”
“Lyn!”
“What? Nagsasabi lang ako ng puwedeng mangyari. Malay ko ba kung gapangin ka ni Nathan O kaya ikaw ang manggapang sa kaniya. Alam kong hindi mo lang sinasabi pero marupok ka rin pagdating sa Abs niya.” Natatawang sabi ni Lynette.
“Good God! Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin, bumalik ka nalang sa opisina mo. Iniisturbo mo lang ako dito e.” Pagtataboy ni Camille sa kaibigan.
“Pagkatapos ng lahat-lahat ng pinagsamahan natin, basta mo nalang ako itataboy mo? Ang sama mo namang kaibigan, Cam.” pagdadrama ni Lynette.
“You’re crazy, Lynette.”
Lyn giggled. “Pero seryoso, Cam. Anong gagawin mo kung gustong makipagbalikan ni Nathan sa’yo Lalo na ngayong maayos na sila ng pamilya mo at napatawad mo na rin siya. Tatanggapin mo pa ba siya?” Seryosong tanong ni Lynette.
“I don’t know, Lynette. I need to think wisely or else, I’ll end up being hurt again. Kailangan kong pag-isipan lahat ng gagawin kong desisyon ngayon dahil may mga anak na akong maapektuhan kung sakaling pumalpak na naman ako.” wika ni Camille.
“Base on what you said, There’s still a chance between the two of you. At kung ano man nga ang maging desisyon mo if ever, susuportahan kita.”
“Lyn, wala ng chance. May Priority ko na ngayon ang mga bata kaysa sa amin ni Nathan. At isa pa, ‘yung puso ko nasa mga anak ko na kaya wala na akong ibibigay kay Nathan kung sakali.”
Ngumisi si Lynette. “Huwag ka ng magkaila, Camille. Alam kong may konting nararamdaman ka pa para kay Nathan. Huwag mong pigilan, Okay? Subukan mo uli. Subukan niyo uli. Malay mo ito na talaga ang tamang panahon para sa inyong dalawa.” saad ng kaibigan.
She shook her head. “Tamang panahon para sa closure, Lyn.” pagwawasto ng dalaga. “Sige na. iwanan mo na ako dito para matapos ko na ‘to.”
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
Художественная прозаWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...