CAMILLE
MAAGA siyang gumising dahil gusto niyang ipagluto ang kaniyang asawa. Dahan-dahan nitong inalis ang braso ni Nathan na nakapatong sa kaniyang tiyan saka ito nagdahan-dahan na bumangon at umalis sa kanilang kama. Pumasok siya sa bathroom at ginawa ang kaniyang Morning routine.
Nang matapos ay agad itong Lumabas ng banyo at nagbihis sa Malaking T-shirt ni Nathan dahil dun siya kumportable saka Lumabas ng kuwarto at tinungo ang kusina. Binuksan nito ang Reff saka kumuha roon ng kaniyang iluluto.
She’s humming and swaying her hips while frying hotdogs.
“Good morning, Beautiful.”
“Ayyy! Pusang Gala!” Tili nito sa gulat saka Lumingon sa nagsalita. “Nathan.” Pinandilatan nito ng mata ang kaniyang asawa.
Natawa si Nathan. A genuine kind of Laugh. “Sorry kung nagulat kita. Masiyado ka Lang kasing busy.”
“Hmp!”
“Where’s my morning kiss, Wife?” Nakangiting tanong ni Nathan.
Lumapit si Camille sa asawa saka mabilis na dinampian sa kaniyang Labi. “There. Enough na ‘yan.” Tinulak niya si Nathan paupo sa isang stool. “D’yan ka Lang.” wika niya saka agad ring tinalikuran at hinarap ang kaniyang niluluto. “Malapit na akong matapos dito.”
“You’re so damn sexy, My love.” dinig niyang saad ni Nathan na nagpatayo ng balahibo niya sa katawan.
“Shut up, Hubby.”
Nathan chuckled. “Bakit ba ang aga mong nagising? Aren’t you tired with your sexy performance in the shore Last night, Love?” Tanong ng asawa niya na nasisiguro niyang may ngisi na naman sa mga Labi nito.
Humarap siya kay Nathan na nagbabanta ang tingin. “I said shut up, didn’t I?”
“Concern Lang naman ako, Love e.” Palusot ni Nathan na ikinatirik ng mata niya. “By the way, you’re more even hotter when you’re blushing.” natatawang wika ng kaniyang asawa.
Camille groaned in annoyance. “Ewan ko sa’yo.” Tinalikuran niya ito saka kumuha ng pinggan at nilagay ang kaniyang mga niluto saka naglakad at inilapag iyon sa Lamesa. “Kain na. Huwag puro kahalayan ang alam.” wika nito kay Nathan.
“Thank you.” Puno ng sinseridad na wika ni Nathan.
Tumango si Camille. “Gusto mo ng kape, Love? Ipagtitimpla kita.” saad niya kay Nathan.
“Yes, please.”
Tumayo si Camille at nagtimpla ng kape nilang mag-asawa at agad ring bumalik nang matapos.
“Here.” Nilapag nito ang tasa ng kape sa harap ni Nathan saka siya bumalik sa kaniyang upuan.
“Thanks, Love.” wika ni Nathan saka humigop sa kaniyang kape. “Namiss ko ‘yung ganito. Nung Girlfriend slash Secretary kita, Lagi tayong sabay na kumain ng almusal at isa ‘yun sa mga hinahanap-hanap ko dati bawat paggising ko sa umaga nung hiwalay tayo.” Wika ni Nathan habang nakatitig sa kaniya.
Ngumiti si Camille. “Namiss ko rin ‘yung ganitong umaga kung saan kasama kita sa hapag-kainan, Love, at sabay na kakain ng almusal.” tugon ni Camille.
“Hindi ako nawalan ng pag-asang mangyayari uli ang ganitong moment natin kahit nang mga panahong gustung gusto ko ng mag give up dahil hindi na kita mahanap-hanap, Love.” Nakangiting wika ni Nathan. “Gano’n pala ‘yun ‘no? Saka mo nalang malalaman ang halaga ng isang bagay o Tao kapag nawala na siya sa’yo kasi ganun ang nangyari sa’kin e. I just realized how much I love you and how much i care for you the moment i lose you in my Life pero inisip ko nalang na siguro paraan din ‘yun ng Diyos para turuan ako ng Leksiyon.”
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...