BASTE
"I know you'll decline this offer, but still I'll try. We'll be having a seminar next week. It's for our school publication writers since they'll be joining a competition with another school. I was hoping if you could talk for the photojournalists. Don't worry, bay-"
"Okay," nakangiting sabi ko.
Kitang-kita ko ang biglang paglaki ng mga mata niya. Halatang hindi siya makapaniwala. Bigla niyang sinalat ang noo at leeg ko.
"Hey, monkey, what are you doing?" sabi ko habang iniiwasan ang kamay nito.
"May sakit ka ba? Akalain mo 'yon, hindi ka tumanggi sa offer ko. That's very unusual," sagot nito. Base sa mukha niya, hindi pa rin talaga siya makapaniwala.
Natawa na lang ako.
"Hindi ba pwedeng magbago? Well, I just realized that I should share my knowledge with others," sabi ko, na mas lalong ikinalaki ng mga mata niya.
"Wow, Tsong. Babae ba ang dahilan niyan? Are you f*cking in love?!" bulalas nito-na ikinaubo ko.
"W-what?! Of course not! Tsong, you don't need someone to change you. You yourself are the only one capable of changing," mahaba kong litanya.
I just don't believe in the saying 'you changed me'. You know why? Kasi ikaw lang naman ang may kontrol sa sarili mo. Love can be an inspiration-your reason-but the change still comes from you.
"Naku, tigilan mo ako, Baste. If I know, nabasa mo lang 'yan doon sa binabasa o binasa mong story nung writer na 'yon, noh?" natatawang sabi nito.
Napanguso naman ako. Mabuti nga at nasaulo ko eh.
"Akalain mo 'yon, may magandang naidudulot din pala sa'yo 'yung writer na 'yon. Hindi puro kabulastusan lang. Sige, dahil diyan, magluluto ako ng dinner. Babush!" sabi niya bago mabilis na lumabas sa kwarto ko.
Nandito siya ngayon sa apartment ko. Actually, halos lagi naman. Wala kasing boyfriend kaya ako ang palaging iniistorbo.
Humiga na lang ako sa kama at binuksan ang Wattpad. Sana naman nag-update na ang bruha.
At sa wakas-meron na.
"This is dedicated to @BContes. I did not update because you said so or because I'm scared. I just pity you-maybe you're sexually frustrated right now and no one's there to pleasure you but yourself. So here it is. Enjoy ^.~"
Biglang uminit ang ulo ko.
I hate her. Swear.
Kahit na inis na inis ako, binasa ko pa rin ang update. And guess what? Bitin na naman.
"Argh!" Mas lalo akong nainis nang makita ko ang dami ng comments sa note niya-pinagtatawanan ako.
Naibalibag ko na naman ang phone ko.
"Swear, if we meet, I'm gonna punch you to death," bulong ko, sabay pulot ng phone.
Buti na lang talaga matibay 'to.
____________________________________________________
"Hey, you piece of sh*t! Where the hell are you?! The seminar is about to start!"
Nailayo ko ang phone sa tenga ko sa lakas ng sigaw ng kaibigan kong unggoy.
"C'mon, monkey. My talk's at 10 a.m. Alas otso pa lang. Please let me sleep more. I'm still tired," reklamo ko. Gabing-gabi na kasi ako nakauwi kagabi. After ng photoshoot, nagkayayaan pang mag-bar. Hangover is real.
"Oh, don't give me that fcking reason! I know you were fcking drunk last night! EJay told me!" sigaw niya.
Tsk. That boy. Lagot siya sa'kin.
"Fine. I'm sorry. Just give me at least ten-"
"If you don't get your ass here within an hour, I swear I'll punch you left and right! Move now!" pagbabanta nito bago ibinaba ang tawag.
Argh.
Mabilis akong nag-ayos at dumiretso sa University. And guess what? Traffic.
9:50 na.
Halos paliparin ko na ang kotse ko. Pagdating ko roon, sinalubong agad ako ng galit niyang aura.
"You're late." Anito na halata ang inis sa mukha.
"I know. I'm sorry. Five minutes lang naman," nagmamakaawang sabi ko.
"Late is late. Kahit isang minuto pa 'yan. And what the hell are you wearing? I told you to wear something formal."
Suot ko lang naman ang ripped jeans, black shirt, at denim jacket. Anong masama doon?
"What?! What's wro-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tawagin na ako ng emcee.
Huminga ako nang malalim.
"Good morning, guys. I'm Baste Contes, and I'll be your speaker for photography. Honestly, I'm not prepared, and I'm pretty sure my best friend out there will kill me after this. So let's enjoy the remaining moments of my life together. Please bear with me."
Surprisingly, naging maayos ang discussion. Well, I just shared my knowledge about photography. What I know about it that may help them.
Nagbigay pa ako ng activity kung saan ay kailangan nilang maghanap ng kanilang subject at gumawa ng caption.
Pero may isang litrato ang kumuha ng buong atensyon ko.
A stolen shot.
She looked gorgeous.
The sunlight touched her face perfectly.
Napangiti ako.
Natigil lang ako nang may biglang tumapak sa paa ko.
"What the f*ck?" bulong ko.
"Tapos na magsalita ang estudyante, tanga! Kanina ka pa nakatanga diyan," bulong ni Amber.
"A-ah... nice presentation, Miss. You may take your seat," sabi ko.
Sa totoo lang, wala akong naintindihan.
___________________________________________________
"CR lang ako, Tsong. Sakit ng tiyan ko," paalam ko.
Natapos na kasi ang seminar. Pauwi na dapat kami ng bigla akong nakaramdam ng pananakit ng tiyan.
Patakbo akong pumasok sa cubicle at nagfocus lang ako sa paglabas ng sama ng loob nang may marinig akong boses.
"Wala na bang ilalakas 'yan?"
Bigla siyang kumatok sa cubicle kung saan ako naroon. Is he talking to me? Biglang uminit ang mukha ko sa hiya.
"Baka mabasag 'yung inidoro."
Is she making fun of me?
Hindi na ako sumagot dahil hiyang hiya na talaga ako. Sinabayan pa ng tao sa labas ng pang aasar. Sa lahat ba naman kasi ng pagkakataon bakit ngayon pa kumulo tiyan ko? Dahil ba sa dami ng ininom ko kagabi? Argh.
Nang maramdaman kong naubos na lahat. Pati ata bituka ko nailabas ko na. Ay akmang maghuhugas na ako pero walang lumalabas na tubig sa videt. Mukhang sira pa nga. Napabuntong hininga ako saka iginiya ang tingin ko sa tissue holder. At sa kinamalas malas ba naman ng araw na ito ay wala ding tissue. Fck.
Huminga ako ng malalim. I don't have a choice.
"May tao po ba diyan? Pwede po bang makahingi ng tissue?" Lakas ng loob kong tawag sa labas.
Wala akong narinig na nagsalita pero maya maya pa ay biglang may nag abot ng tissue mula sa taas ng cubicle.
"Thank you po," nahihiyang turan ko.
Paglabas ko ay iniready ko na ang sarili ko para magpasalamat sa may mabuting pusong tumulong sa akin.
"Thank y---" halos sabay kaming nagsalita saka parehas na nagulat sa presensya ng isa't isa.
"You're welc-IKAW?!!"
Nanlaki ang mata niya. Maging ako.
Sa lahat ng taong puwedeng makasaksi ng kahihiyang 'to... siya pa talaga.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomansaWould you choose love, even if it means facing the pain of your past? This story dives into the shadows of painful memories, healing, and the courage it takes to trust again. As the past resurfaces, wounds are reopened-and love is put to the ultimat...
