JAECEE
"Jaecee, this is Stephanie, Gabriela, and Jenny" pakilala ni Dani saakin sa mga kasamahan niya. Isa isa naman itong tumayo saka nakipagkamay sa akin.
"Sit down" sabi nung Gabriella. Pero sabi niya Gabby nalang daw.
Umupo naman ako. Inabutan nila ako ng maiinom na agad ko namang nilagok.
"Hey, easy, mahaba pa ang gabi" paalala saakin ni Dani na nginisian ko lang.
"So, Jaecee, anong pinagkakaabalahan mo ngayon? Work?" Usisa ni Steph.
"I'm a writer" maikling sagot ko.
"Mahilig akong magbasa, maybe I already read one of your works" sabi naman ni Jenny.
"Promise me one thing" sabi ko dito saka tumungga ulit ng alak.
"What is it?" Kunot noong tanong nito.
"You won't tell anyone" turan ko. Itinaas naman nito ang kanang kamay niya.
"I promise" sabi nito na nakapagpangiti sa akin.
"I wrote, Sea of clouds, Scape, Book of love at marami pang iba" sagot ko.
Nanlaki naman ang mata nalang apat sa sinabi ko. Para bang nakakita ng multo.
"What the hell?! Are serious?" Exaggerated na sabi ni Dani. Tinanguan ko lang ito.
"So, you're The Great Anonymous?"
Natawa naman ako sa tinuran ni Stephanie. Pero tinanguan ko nalang din.
"You're one of my favorite writer" impit na tili ni Jenny.
"Pero bakit parang ang lungkot ng mga ending mo? I mean, yung body masaya. Pero pagdating sa dulo biglang basag. Alam mo bang ilang libro mo na ang iniyakan ko?" Sabi naman ni Gabby.
Akala ko ba si Jenny lang ang mahilig magbasa?
"Well, because that is the reality. There is no such thing as happy ending" seryosong sagot ko saka tumungga ulit ng alak. Nararamdaman ko na rin ang epekto nito sa akin.
"Ang lalim nun ah?" Puna ni Dani. Umiling lang ako saka uminom ulit.
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. At hindi namin namamalayan naparami na rin pala ang naiinom namin hanggang sa nag ayaw na si Dani na sumayaw. Hindi sana ako sasama kaya lang pinilit nila ako kaya naman wala na akong nagawa kundi ang makipagsabayan.
"You look so hot. Did you know that?" Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa bewang ko at bumulong sa tenga ko. Nilingon ko ito at napag alamang si Dani pala. Ngumisi ako saka siya nilingon. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg nito habang ito naman ay pinulupot ang kamay niya sa bewang ko.
"I know" Mapang akit na sagot ko. Ngumisi ito saka mas nilapit pa ang katawan sa akin. I can already smell her breath. Kaya parang nalalasing lalo ako.
"I really want to kiss you right now" gigil na turan nito na ikinangisi ko.
"Bakit hindi mo gawin?" Hamon ko sa kanya kasabay ng paghimas ko sa batok niya.
Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ngunit bago pa man makalapat ang labi niya sa labi ko ay may nakatulak na sa akin dahilan ng muntikan Kong pagkatumba. But I nalang at naalalayan ako ni Dani.
"Ow. I'm sorry miss" hinging paumanhin nito. Teka, bakit parang pamilyar ang boses nito?
"A-Amber?" Gulat na turan ko. Lumingon naman ito sa akin. Nang makilala ako ay agad ako nitong niyakap.
"Jaecee, it's been a while" sabi nito sa pagitan ng pagyakap. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka ngumiti.
"Y-yeah" yun lang ang nasabi ko.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.