Mabilis lumipas ang mga araw, araw na naging linggo, linggo na naging buwan. Pagkatapos ng gabing yun ay hindi na kami nag uusap, kung mag usap man kami ay tungkol lang ito sa trabaho. Nakakapagtakang hindi na siya nagsasalita. Marahil naisip na nito ang mali niya. Ako naman, eto mas lalong naging bihasa sa pagpapakita ng pekeng emosyon. Ayoko ng maulit yung gabing yun. Yung gabing naging mahina na naman ako. Sinabi ko sa sarili kong huli na yun.
"Lalim ng iniisip ah?" Bumalik ako sa realidad ng biglang nagsalita si Dani at tumabi sa akin.
Pilit akong ngumiti. Nakabreak kami ngayon.
"I'm just thinking about the scenes that we can add to make it more romantic" I lied.
Halatang hindi ito naniwala pero hindi na nag usisa pa. That's one thing I like about her. She never ask. Naghihintay lang siya na ikaw ang mag open up. After that night, kahit na alam na niyang ex girlfriend ko si Baste ay hindi siya nag usisa. She just ask me if I'm fine.
Napukaw ako sa malalim na buntong hininga niya.
"Is there something bothering you?" I asked. Of course I'm concern. She became a friend to me.
"Yes. But it's not something, because it is someone" she answered looking directly into my eyes.
"Oww" yun lang ang nasabi ko.
Parang biglang nawalan ako ng sasabihin. Ayokong mag assume pero, ayokong ako ang tinutukoy niya. Yes we're making out but that's all. I thought we're just enjoying each others company. I don't want her to give meaning into it.
"I-I like you Jaecee. I like you a lot. Simula palang" she confessed.
Ito na nga bang sinasabi ko. Umiwas ako ng tingin at naghahanap ng pwedeng sabihin.
"Look, Jaecee, I'm not asking you to like me too. I just want to prove it to you. Please, let me court you" Nagsusumamong sabi nito.
Sinalubong ko ang tingin niya. She's hoping. Umaasa siyang papayag ako.
"Dani, I don't want you to give false hope. I don't to hurt you. You already a friend to me, yes we made out several times but, that's it. That's all I can give" I honestly said.
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya pero agad din naman 'yong nawala.
"Hindi naman ako umaasang sasagutin mo ako eh. I just want to show you how much I like you. Please Jaecee. Kahit yun nalang. Let me take care of you" She's begging. Oh God.
"O-okay bu--"
"Oh God thank you" putol nito sa sasabihin ko kasabay ng mahigpit na yakap nito.
"You don't know how happy I am" dugtong niya.
Gumanti nalang ako ng yakap saka matipid na ngumiti kahit hindi naman niya nakikita.
Naputol lang ang moment namin ng biglang sumigaw si Direk. Sino pa nga ba?
"Be ready in 5!" Sigaw nito.
Kumalas kami sa pagkakayakap saka napatingin sa gawi niya. Nakatayo siya malapit sa amin kaya pala rinig na rinig namin ang sigaw niya. Masama ang tingin nito sa amin.
"Oras ng trabaho naglalandian" bulong niya pero umabot naman sa pandinig ko.
"Eh di makipaglandian ka rin" rinig ko namang sagot ni Dani.
Mas lalo namang dumilim ang mukha nito saka umalis.
"Bitter ng ex mo. Halika na nga" Hindi ko alam kung natatawa ba siya o naiinis ng sabihin niya yun.
Nagkibit balikat nalang ako saka pumwesto na.
_____________________________________________
"Beautiful flowers for a gorgeous lady" nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Dani.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomansaChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.