FOURTEEN

262 7 0
                                    

JAECEE

"Good morning!"

Muntik na akong mapasigaw sa pagkagulat. Panu ba naman, bigla nalang sumulpot sa harap ng pintuan ng condo ko itong si Baste. Grabe talaga 'tong babaeng 'to.

"What are you doing here? Nang ganito kaaga?" Nagtatakang tanong ko.

"Mm? Sinusundo ka?" Patanong na sagot nito. Napangiti ako ng palihim. Ke' aga aga eh pinapakilig ako.

"Sobra sobra na ata ang pagbawi mo?" Nang aasar na tanong ko. Saka ko na isinara ang pinto ng condo ko. Nagkibit balikat lang ito at nagsimula na rin kaming maglakad.

"Kumusta sugat mo?" Tanong ko dito ng makapasok sa kotse niya.

"Medyo masakit parin. Matatanggal lang ito kung ikikiss mo" sagot nito na nakapagpatigil saakin. Napatingin ako dito pero seryoso lang ito habang nag aayos ng seatbelt. Ilang sandali pa ay binuksan na nito ang makina.

"Bakit ganyan ka makatingin? Pinag iisipan mo ba ang sinabi ko?" Tanong nito. At base sa mukha nito ay seryoso ito sa mga sinasabi niya. Bigla tuloy akong pinamulahan. Mukhang sinusubukan ako nito ah? Alam ko nang aasar lang siya dahil akala niya hindi ko magagawa. Pero dun siya nagkakamali. Tinanggal ko ang seatbelt ko saka ako lumapit sa kanya. Nakita kong nagulat siya kaya napangisi ako. Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi ko sa gilid ng labi nito. Narinig kong napasinghap siya. Kaya mas lalo akong napangisi saka lumayo sa kanya at nagsimulang magseatbelt.

"Feeling better?" Nakangising tanong ko. Nakatulala parin kasi siya. Mukhang nagising naman siya sa pagdeday dream niya ng magsalita ako. Pinamulahan ito. Oy kinilig. Haha.

"Yeah" yun lang ang sinabi nito at nagsimula ng magdrive. Pareho kaming hindi nagsasalita hanggang sa nakarating kami sa University.

Ang ganda na sana ng araw ko kaya lang may biglang sumulpot na impakta.

"Oh my gosh. What happened to you?" Worried na tanong nung impakta at hinawakan pa ang pisngi ni Baste. Mukha na silang naghahalikan sa posisyon nilang yun. Kaya naman bigla na namang uminit ang ulo ko.

I cleared my throat to get their attention. Bigla namang napalayo si Baste dito.

"Okay lang ako Brianne, wag kang mag alala" rinig kong sabi ni Baste.

"Una na ako" masungit na sabi ko saka humakbang na paalis.

"Tek--"

"Babe!" Hindi na natuloy ni Baste ang sasabihin niya ng bigla nalang akong tinawag ni Luke. Kupal na 'to. Makikigulo na naman. Napaikot tuloy ako ng mga mata. Agad na lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Agad akong napalingon sa kinatatayuan ni Baste. Nakasalubong ang mga kilay nito. Umakbay pa saakin ang kupal. Mamaya ka saakin.

"Let's go Brianne. Baka nandyan na sila" yaya nito dun Kay Brianne. Walang lingon kami nitong iniwan. Sa sobrang inis ko ay siniko ko ang tagiliran ni Luke.

"Aray! Bakit ba?" Sabi nito habang hawak ang tagiliran. Hindi ko ito pinansin at naglakad na.

"Bab--"

"Wag mo nga ako matawag tawag na babe! Tandaan mo, may kasalanan ka pa sa akin!" Sigaw ko dito. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga estudyante. Bigla tuloy akong nahiya.

"Ee sorry na. Sarap mo kasing asarin. Pati na rin yung magandang chick. Mukhang may gusto kasi sayo" sabi nito. Natigilan naman ako. Si Baste? May gusto saakin? Imposible. May girlfriend nga diba? Biglang kumirot ang puso ko sa isiping yun.

"May girlfriend yun" mahinang sagot ko.

"Ha? Sino? Ah eh oo nga pala. Haha yung kapatid ko pala. Selos ka?" Pang aasar nito.

"Anong selos pinagsasabi mo diyan?" Tanggi ko.

"Sus. Saakin ka pa ba magsisinungaling? We've known each other for 10 years. Kahit utot mo alam ko na ang kahulugan. We're bestfriends, aren't we?" Sabi pa nito.

"No. We're not" asar ko dito. Napasimangot naman ito. Yes, we are best of friends, his not my boyfriend. Eww. Kaklase ko siya simula 1st year college. We've gone so far. And yes many people thought that we're together but no, he's like a brother to me.

"Grabe ka talaga saakin. Try mo din kaya maging sweet minsan" nagtatampong sabi nito. Napatawa nalang ako.

"Bakla ka ba?" Nakangising tanong ko. Nakita ko ang pamumula nito, marahil sa inis. Haha. Tama lang yan sayo. Ilang araw mo na akong binubwisit.

"Mr. Pres--"

Napalaki ang mata ko sa sunod na ginawa nito. Hinalikan niya lang naman ang bagong dating na si Amber. Miski ito ay nagulat at hindi na natuloy ang sasabihin sa inasal ng walang hiya kong bestfriend. Ilang sandali pa ay tumigil na ito. Pero kaming dalawa ni Amber nasa state of shock parin.

"Ano? Ngayon mo sabihing Bakla ako" sabi nito na ngayon ay nakalingon na saakin. Pero hindi pa man ako nakakasagot ay bigla nalang itong binatukan ni Amber, nilingon naman ito ni Luke para sana mag reklamo pero hindi pa man ito nakakapag salita ay nakatanggap ulit ito ng suntok sa kaliwang mata bago ito nito iniwan. Bigla naman ako napatawa ng malakas sa itsura ngayon ni Luke. Lumapit ako dito ng natatawa parin saka tinapik ang balikat nito.

"Bro, nextime piliin mo hahalikan mo okay? Layo layo din kay VP okay? Anyway, good for you. You really need that punch. And I advice you to wear your sunglasses tomorrow" pang aasar ko dito bago ko ito tuluyang iwan. Buti nga sayo.

_____________________________________________

"How are you?" Tanong ko Kay Gigi pagkaupo ko. Nandito kami sa Canteen ngayon at maglalunch.

"Okay naman na. Nga pala, nakita ko kotse mo pagdating ko. Akala ko nandito kana" sabi nito.

"Ah naiwan ko kasi kahapon" sagot ko dito. Medyo maluwag parin kami ngayon dahil hindi pa tapos ang founders week.

"Ha? Eh kanino ka naman sumabay?" Nagtatakang tanong nito.

"Kay Baste" natutop ko ang bibig ko. Hindi ko naman balak sabihin yun eh. Alam ko ang iisipin ng bruhang 'to.

"Ah. Kaya pala mag kasama kayo kagabi siguro ngayon, magka--" pero Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng may pumasok na mga estudyante. Nagtatakbuhan ang mga ito at may mga kinukuhang tao. Ilang sandali pa ay may lumapit sa akin na 2 estudyante. Babae at lalaki.

"Ms. Saavedra, pwede po ba kayong sumama sa amin. Part po ito ng activity, at lahat po ng nasa Campus kasali" sabi nito.

"Pero, kumakain pa ako" sagot ko naman.

"Don't worry po, bibigyan namin kayo ng makakain" saad pa nito saka na ako iginiya sa pupuntahan namin. Iginala ko ang aking mata sa paligid at nagtaka ako kung bakit lahat ng hawak ng estudyante ay naka itim. Huli na ng marealize ko na kung anong laro ito. May nag instruct na dakpin lahat ng nakaitim at ikulong, kailangang tubusin kami para makalaya. I knew it. Pero huli na, nakakulong na kami. Dapat pala sa faculty nalang ako kumain.

Ang dami naming nadakip, siguro nasa bente siguro. Kaya naman ang init na. Haay. Bakit ko ba kasi naisipang mag itim? Tanong ko sa sarili ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng sleeveless black dress at pinatungan ko ng coat.

"Okay guys, may nagbayad na para sa inyo. So, makakalabas na kayo" sabi ng nagsasalita. May speaker lang dito at doon galing ang boses ng nagsasalita. Naghiyawan ang lahat pagkarinig ng balita. Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman. Sobra na akong naiinitan eh. Ayoko naman hubarin ang coat ko dahil may mga estudyante dito.

"But, aside from Ms. Jaecee Saavedra and Ms. Baste Contes" napaawang ang bibig ko. What? Seryoso ba sila? At.. Si Baste? Nandito din? Parang biglang nag slow motion ang paligid ng lumingon ako sa babaeng nakasandal sa pader at nakangising nakatingin sa akin. Napalunok ako. Why so sexy Baste?

"Hi"

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon