FIFTY FIVE

245 5 0
                                    

JAECEE

Kanina pa ako nandito sa loob ng kotse. Kanina pa din ako humihinga ng malalim. Nandito ako ngayon sa bar nila Ejay ang sabi kasi ni Gigi ay nandito sila. Pagkatapos kasi ng fiesta sa amin ay agad akong bumalik dito at hinanap si Baste. Ilang sandali pa ay napagpasyahan ko ng lumabas. Pagkapasok ko sa loob ay iginala ko ang paningin ko. At biglang nag init ang ulo ko sa nakita ko. Kanina lang gusto ko siyang suyuin kahit na hindi naman ako marunong. Pero ngayon? Sa nakikita ko? Mukhang magkakapilitan kami. Mukhang santong paspasan ang gagamitin ko.

Nagpupuyos ang damdamin ko habang nakatingin sa dalawang magkayakap, di kalayuan sa kinatatayuan ko.

Aba'y ilang araw palang kaming naghiwalay, nakikipagladian na siya? Kaya naman ay wala na akong sinayang na oras at agad na tinungo ang direksyon nila.

Agad kong hinablot ang babae saka ito sinampal. Napaupo naman ang babae habang hawak ang pisngi. Nakasumbrero din ito kaya Hindi ko makita ang mukha. Dahil na din sa medyo madilim.

"Hoy! Babaeng hipon. Kilala mo ba kung sino ako? Ako lang naman ang GIRLFRIEND ng babaeng nilalandi mo! Kaya pwede ba?! Lumayo layo ka? Because I don't share!" Bulyaw ko dito. Hindi ko na kasi napigilan.

Shock is written all over their faces. May nakaawang ang labi. At may parang natatawa. Pero wala akong pakialam. Bumaling ako ng tingin Kay Baste na ngayon ay nasa state of shock pa din.

"At ikaw! Ilang araw palang may kalandian ka na?! Hanep ka rin eh no? Eh kung ingudngod ko kaya yang nguso mo sa semento ng hindi ka makapanghalik? O baka gusto mong putulin ko yang ano mo-- ahm.. Ano. Basta!" Nautal ako bigla. Haay. Ano ba yan.

Nakita ko naman na nasindak ito saka itinakip ang dalawa niyang kamay sa pagmamay ari niya. Parang gusto ko tuloy matawa.

"A-ayoko. P-pero teka, bakit ka ba nandito?" utal na turan nito.

"At bakit naman hindi? Para hindi ko makita ang kalandian mo?" Asar na tanong ko.

"Hindi ako nakikipaglandian. Try mo kayang tingnan kung sino ang sinampal mo" pahayag nito.

Kaya naman lumingon ako doon. At nagulat ng makitang si Brianne pala yun.  Para na akong mamamatay sa sama ng tingin niya.

Napangiti ako ng inosente saka itinaas ang daliri na nakapeace sign.

"Hehe. Peace. Actually that slap is a year late. Haha Hindi ko kasi nagawa nung oras na yun eh" pagpapalusot ko.

Kaya naman ang mga unggoy ay natawa na.

"Hoy! Baste! Pagbabayaran mo ang ginawa ng jowa mo sa jowa ko!" Banta ni Amber Kay Baste.

"Ha? Bakit ako? Eh hindi naman ako ang nanampal ah? At saka, sa pagkakaalam ko wala naman akong jowa" dipensa nito.

"Ouch!" Sabay sabay na turan nila habang nakatingin sa akin.

"Anong sabi mo?!" Baling ko Kay Baste.

"Bakit? Diba hindi naman kita Jowa? May Miguel kana eh. Yun nalang pagbayarin sa ginawa mo" sabi pa nito.

Lintek ka Baste, pahihirapan mo pa talaga ako?

"Sino ba may sabing gusto ko si Miguel?" Pagtataray ko.

"Eh nagpahalik ka nga diba?" Giit pa nito.

Haay. Ang hirap naman.

"Hinalikan niya ako, hindi ako nagpahalik! Magkaiba yun!" Naiinis na singhal ko sa kanya.

"Eh bakit hindi mo tinulak? Bakit hindi ka umiwas? Hinayaan mo lang?" Naiinis na rin na turan nito.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon