SIXTEEN

281 6 0
                                    

JAECEE

Hindi ako makagalaw sa ginawa niyang paghalik saakin. Hanggang ngayon parang nasa alapaap parin ako.

"Jaecee, Let's date" natauhan lang ako sa sinabi niya. Hindi po yun tanong. Kaya naman ay sinuntok ko ang balikat nito.

"Ganyan ka ba magyaya? Pautos? Panu kung ayoko?" Naasar na tanong ko dito na ikinakunot naman nito ng noo.

"So, you are declining my offer?" Naguguluhang tanong nito. Offer? What the-- ano to? Business? Napailing iling nalang ako.

"And what is this to you? Business? At isa pa, you steal a kiss from me, eh Hindi pa nga tayo" naghihimutok na turan ko. Not that I'm complaining about her kissing me, actually I like it. No, I love it. But it's not right. Wala kaming relasyon para magkaroon ng ganung eksena.

"Ha? I don't get it. Hindi ba halata? Gusto kita. What's the matter?" Derideritsong sabi nito na ikinatigil ko. She admit it. She likes me. Para akong maiihi sa kilig. Pero tinago ko. Saka siya hinampas ulit sa braso.

"Kasi naman! Hindi ka marunong mag aya! Tapos hinalikan mo pa ako, wala pang tayo. Ano ako? Easy to get?" Sabi ko. Nakita ko naman ang pagngisi nito.

"Ah. Oo nga pala, dalagang pilipina ka. Fine, we'll take it slow. For now, I'll ask you in a right way. Ms. Jaecee Saavedra, can you be my date for tonight?" natatawang sabi nito. Hindi na ako nagpakeme pa at tumango na ako. Agad naman ako nitong niyakap sabay sigaw ng yes. Ano to? Sinagot lang? Haha.

"I'll see you tonight. Susunduin kita" nakangiting turan nito bago tuluyang umalis.

Yeah. I'll see you tonight. Napangiti ako at umalis na rin.

_____________________________________________

Kanina pa ako papalit palit ng mga dresses dahil wala akong mapiling maganda. Nakakalat na nga ang mga ito sa ibabaw ng kama eh.

"What the hell is wrong with you?!" Asar na turan ni Luke habang nakahiga sa couch dito sa loob ng kwarto ko.

"Hindi ako makapili ng isusuot! Tapos wala ka rin naitutulong!" Inis na turan ko.

"Hey, dude, excuse me, kanina pa po ako nagsasabi ng opinion ko sa suot mo. Ikaw lang itong Hindi makuntento" sabi nito at bumalik sa paglalaro ng cellphone.

"Kasi naman wala namang kwenta mga opinion mo. Kundi okay lang, pwede na. Ano yun? Para tuloy akong may suot na basahan" nagrereklamong sabi ko.

"Kasi yun naman talaga. Tsaka, maganda ka naman kahit ano bagay sayo" sabi pa nito ng Hindi man lang tumingin saakin.

"Tulungan mo na kasi ako. Alam ko lalaki ka, pero alam ko marunong ka ring tumingin kung maganda na ba talaga ang suot ko" pagmamakaawa ko dito.

"Kaya mo na yan"

"Ah ganun? Gusto mo ba dagdagan ko yang black eye mo?!" Naiiritang saad ko. Kasi naman po, nakasunglasses siya ngayon haha. Remember? Sinuntok siya ni Amber kahapon haha. Kaya naman tawang tawa talaga ako sa itsura nya ngayon. Agad naman itong napatingin sa akin. Saka dali daling pumili damit.

"Yan. Maganda" sabi nito saka ibinigay saakin ang isang color peach na dress. Mm. Sabi na, may taste to eh.

"Bakla ka ba?" Wala sa sariling tanong ko. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay nito.

"Gusto mo ikaw na ngayon ang halikan ko?" Nagbabantang turan nito.

"Eeewww. Magbibihis na nga ako!" Sagot ko saka dali daling pumasok ng CR.

Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. Mukhang maayos naman na ang itsura ko. Naglagay lang ako ng light make up na babagay sa suot Kong dress. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng doorbell. Napangiti ako. She's here. Dali dali akong bumaba at pinagbuksan siya.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon