FORTY FIVE

210 8 0
                                    

JAECEE

Kanina pa ako nakatanga dito sa laptop ko. Sa totoo lang lumilipad ang isip ko ngayon. Pagkatapos ng mga nangyari hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

Una, nung sinabi niyang nililigawan niya ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nun dahil hindi malinaw lahat. At yung nangyari sa kotse. Nasaktan ako sa mga nalaman ko pero hindi ko alam kung bakit may konting saya akong naramdaman ng malamang totoong minahal niya ako. Pero dahil sa ginawa niya, hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa lahat ng sasabihin niya.

At yung nangyari kagabi at ngayon. Kung paano niya ako niyakap kagabi na parang sinasabi niya sa pamamagitan ng yakap kung gaano niya ako ka miss. Ramdam na ramdam ko yun, yung salitang binitawan niya bago siya makatulog. I heared so much sincerity in it. At yung nangyari kanina. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit na pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng pekeng ngiti niya.

Hindi ko ginusto ang halik na yun. Kahit ako nagulat ng ginawa ni Dani yun. Oo dati natural sa amin yun, pero nung sinabi niyang gusto niya ako ay hindi ko na hinayaang mangyari ulit yun. Yung nakita ni Baste noon sa isla, ay natumba lang kami ng sabay non kaya nasa ibabaw ko siya at yung kanina, hindi agad ako nakakilos dahil sa pagkagulat.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, nung makita ko yung reaksiyon ni Baste, I feel the need to explain kaya ko siya hinabol.

And when she says those words, my heart beats so fast. That certain words she kept on telling me. Dapat na ba akong maniwala?

Bigla akong bumalik sa realidad ng may biglang kumatok sa labas. Walang ganang tumayo ako saka binuksan ang pinto. Pero nagulat ako sa nabungaran ko.

"Oh my God! What happened to you?! Sh*t." Natatarantang reaksiyon ko.

Agad ko itong inalalayang makaupo sa couch. Natataranta talaga ako sa itsura niya ngayon. Para siyang binugbog ng ilang tao. Puro dugo ang mukha.

"J-Just w-wait here. K-kukunin ko--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na naman ako nitong niyakap. This heartbeats again.

"Calm down. I'm fine" Mahinang turan nito. Dahil dun naramdaman kong medyo kumalma ako. Pero hindi ko mapigilang magalit. Kaya itinulak ko ito, medyo napalakas ata kasi napa'aww' pa ito.

"How can I f*cking calm down?! Look at you! Ano bang pinaggagawa mo sa buhay mo?!" Bulyaw ko dito.

At ang gaga, ngumiti lang ng nakakaloko.

"Concern ang baby ko" pang aasar nito na mas lalong ikinainis ko.

"Tumigil ka nga Baste! Kundi dadagdagan ko pa yang mga sugat mo!" Sigaw ko ulit.

"Nagkatuwaan lang naman kaming magboxing ni Juris eh" nakangusong sagot nito. Napabuga ako ng hangin.

Mas lalo nitong pinapainit ang ulo ko eh. Hinga Jaecee, hinga.

"Nagkatuwaan?! Are you f*cking kidding me?! Ganyan ba kayo magkatuwaan?! My God Baste, you're stressing the hell out of me!" Singhal ko na naman. Kung wala lang talaga akong awa, pepektusan ko pa talaga 'to ng matauhan.

"I'm sorry. Masyado kasing seneryoso ni Juris ang laban. Akala ko birubiruan lang" She said.

Hindi ko na siya sinagot sa sobrang pagkaasar saka kinuha ang first aid kit at bumalik sa couch.

Sinimulan kong linisan ang mga sugat niya. Mukhang seneryoso talaga ng mga kumag ang laro nila. Ito kasing isang 'to, putok ang labi, putok ang gilid ng kilay, may pasa sa mukha at yung ilong namamaga.

"Ngiti ka naman" pangungulit nito na tiningnan ko lang ng masama.

"Sorry na." Sabi ulit nito.

"Wag ka ngang malikot" Inis na turan ko.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon