JAECEE
"Jaecee, this is your big break. Tanggapin mo na. We'll still keep your identity in private. Tanging mga producer and director lang naman ang makakakilala sayo. You don't have to worry" pagpupumilit parin ni Tommy.
Kanina niya pa ako pinipilit dahil may management na bumibili ng isa sa libro ko dahil gagawing pelikula. Handa raw silang magbayad kahit magkano for the book. But aside from that, the author will also be part of the production. Which is me. Meron din daw kasing mga part na babaguhin so they need me kasi gamay ko daw ang kwento.
Kapag kasi binenta mo na ang librong yun o kwentong yun ay pag mamay ari na nila yun. Wala na akong magagawa kahit pa baguhin nilang lahat ang scenes. Pero ang sabi naman ni Tommy, wala naman daw masyadong babaguhin sa kwento ko kundi yung ending at ang ibang bitter na part. Masyado daw kasing malungkot. Actually I feel overwhelmed by the thought that they chose my story than any other stories. Knowing that I am an LGBTQ writer. Pero, hindi ko parin alam kung tatanggapin ko. Not that I don't want to, pero kasi ayoko namang sumama sa production. I don't want attentions.
"Pag iisipan ko Tommy" tanging sagot ko nalang.
"Oh c'mon Jaecee, they offer more than a million just for your book. Papalagpasin mo ba yun? And I thought it was your dream to make your stories a movie? At ngayong matutupad na, saka ka naman aayaw?" Pangungumbinsi pa nito. I sigh. He's right. This is my dream.
"Fine. I'll go with it" sang ayon ko. Sayang naman.
"Yes! I'll set you a meeting with the director and producer okay?" Yun lang at ibinaba na nito ang tawag.
Matutupad na ang pangarap ko. I should be happy right? Pero bakit parang may kulang?
_____________________________________________
Kanina pa ako dito naghihintay sa coffeeshop. Pero hindi parin sila dumarating. Ngayon kasi ang araw para sa meet up namin ng Direktor at Producer ng Management na gagawa ng pelikula. Mag iisang oras na ko rito pero wala parin. Ilang sandali pa ay may lumapit sa aking isang lalaki.
"Are you Ms. Anonymous?" Tanong nito sa akin.
"Ahm. Yes." Sagot ko dito. Siguro ito na ang kameet ko.
"Oh good. I'm Jericho Lopez I'm the Head Producer of Lopez Films and Production Inc. I'm sorry for keeping you wait" paghingi nito ng paumahin.
Kita ko ang paghanga sa paraan ng pagtitig nito saakin pero binalewala ko nalang. Pilit akong ngumiti.
"Nah it's fine. By the way, I'm Jaecee Saavedra. Just call me Jaecee. O kahit anong gusto mong itawag saakin. Take a sit" mahabang litanya ko. Nag kamay muna kami bago siya naupo sa tapat ko.
Nag order din ito ng coffee bago ako binalingan.
"Jaecee, can we wait for a while before we start? Our Director is on her way. Nagkaroon kasi siya ng emergency meeting kaya medyo mahuhuli siya" Sabi ulit nito na nakapagpataas ng dugo sa ulo ko. Pero pinigilan ko ang pagkainis ko. Kanina pa ako naghihintay, at ngayon maghihintay na naman?
I let myself calm and forced a smile. Uminom nalang ako ng frappe ko para naman mabawasan ang pagkainis ko. I just put my attention in my laptop. Bahala si Jericho dyan tumunganga. I'm typing my new update. Malapit ko ng matapos ang chapter na ito.
"Ow. She's here. Direk! Here!" Sigaw nito. Hindi muna ako lumingon konti nalang kasi matatapos ko na ang chapter. Tatapusin ko muna, sayang naman ang naglalarong scenario sa isip ko. Tipa lang ako ng tipa sa laptop ko.
"Sorry I'm late."
Bumilis ang tibok ng puso ko, kilalang kilala ko ang boses na yun. Pamilyar na pamilyar din kung ano ang tibok na ito. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. I should act normal. Wag kang magpaapekto Jaecee. Masasaktan kalang ulit.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.