FIFTY THREE

218 6 2
                                    

BASTE

Ilang araw ang lumipas ng mangyari ang lahat ng yun. Ilang araw na ring laging wala si Jaecee. Laging kasama si Miguel. Kaya ako, eto. Sina Lolo at Lola lang ang kabonding. Minsan din binibisita ko si Erica.

"Ano na yan apo. Tulala ka na naman" pukaw ni Lolo sa akin na ikinagulat ko. Tsk. Madalas na akong ganito sa daming iniisip.

At ngayon nga nagchechess kami ni Lolo.

"Ay sorry po lolo. Ako na po ba?" Tanong ko dito.

"Aba'y kanina pa. Ikaw nga Apo, umamin ka nga saakin. Kayo ba ni Jaejae ay may problema?" Usisa nito. Napangiti naman ako. Sa maikling oras na nag stay ako dito ay napamahal na sila saakin. Parang nagkaroon ako ng pagkakataong maranasan ang magkaroon ng Lolo at Lola. Kaya naman sobrang pasasalamat ko.

"Matagal naman na po kaming may problema lolo. Kaya nga po nandito ako, para ayusin ang problemang yun" nakangiting sagot ko. Sana nga maayos pa.

"Eh bakit ganyan ang mukha mo? Para bang ikaw ay sumusuko na" Pansin nito.

Napabuntong hininga naman ako.

"Aaminin ko po Lo, minsan po naiisip ko ng sumuko. Sa tuwing nakikita ko po yung mga ngiti niya, yung tawa niya, yung saya niya, na hindi naman ako ang may gawa nasasaktan ako. Napanghihinaan ako. Gustong gusto ko ng sumuko pero sa tuwing naiisip ko na kapag sumuko ako tuluyan na siyang mawawala sa akin, parang hindi ko kaya. That's why, I'm trying to ignore this pain I'm feeling inside. Wala eh, I really love her. Sobra ko siyang mahal. To the point that I can endure all the pain" seryosong sagot ko. I feel that he tapped my shoulder.

"Gusto Kong sabihin na 'wag mong susukuan ang apo namin, pero apo na rin ang turing namin sa iyo at ayoko ring nasasaktan ka kaya Hindi ko yun sasabihin. Bagkus ay, hahayaan kitang magdesisyon sa kung ano at saan ka sasaya. Isa lang ang maipapayo ko sayo. It's okay to rest when you're exhausted. And it is also okay to give up, when you already can't take the pain. Because if you really are meant for each other. Love will always find a way" He said.

Ngumiti ako ng pilit saka tumango.

"Salamat lolo. I'll bare that in mind po" I said.

Naglaro nalang kami ulit pagkatapos ng madrama naming usapan. Ilang sandali pa ay may bigla namang tumawag saakin.

"Oh? Erica? Anong ginagawa mo dito?" Nagmano ito kay Lolo bago tumingin saakin.

"Yayayain sana kita. May palaro banda doon sa palayan. Gusto mo sumama?" Nakangiting yaya nito.

Napaisip naman ako. Wala naman akong gagawin.

"Sige. Magbibihis lang ako." Paalam ko dito.

"Wag ka ng mag suot ng sapatos ha? Maputik dun" Pahabol nito. Tumango lang ako saka umakyat na sa taas.

Pagkabihis ko ay dali dali naman akong bumaba. Nilakad lang namin ang sinasabi niya.

"Ano bang laro yan?" Usisa ko. Nandito na kasi kami at medyo madami ngang tao.

"Dadakipin niyo yung baboy tapos sa inyo na kapag nahuli niyo" paliwanag nito. Napangiti naman ako. Mukhang exciting ito.

"Sali tayo!" Sabi ko sabay hila sa kanya sa unahan.

"Hoy! Sabi ko manonood lang tayo! Saka nakaputi ka pa o. Alam mo bang sa putikan yan?" Protests nito.

"Gusto ko nga maexperience eh. Tara na kasi" wala naman itong nagawa kaya tumango nalang.

Iginala ko ang paningin ko. Napakasaya ng mga tao at mukhang excited. Bigla namang napako ang tingin ko sa dalawang taong nagtatawanan sa unahan. Mukhang sobrang saya nila sa pinagkukwentuhan nila. Napaiwas ako ng tingin.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon