THIRTEEN

263 9 0
                                    

JAECEE

"Baste?! Baste are you crazy?! You could've killed me!" Sigaw ko dito. Asar naman kasi, takpan ba naman ilong at bibig ko?

"Haha if you can only just see your face" sabi nito sa pagitan ng pag tawa. Pinalo ko ang balikat nito sa sobrang kaasaran. Saka ito nilagpasan. Nagsisimula na akong maglakad ng biglang hinigit na naman ako nito. Nagulat nalang ako ng maramdaman na yakap na pala niya ako.

"I'm sorry kung tinakot kita" mahinang sabi nito. Napangiti ako pero hindi ako nagpahalata at sinubukan paring magtaray.

"You scared the hell out of me! If that was a joke, it's not funny" mataray na sabi ko. Inilayo naman ako nito ng konti sa kanya saka ako tiningnan sa mata.

"I'm sorry na okay? Hindi ko na uulitin. Alam ko na, babawe nalang ako" malambing na sabi nito. Kaya hindi ko na naitago ang mga ngiti ko.

"Panu ka naman babawe aber?" Tanong ko.

"Mm. How about, I'll cook for you?" Nakangiting tanong nito. Mas lalo naman akong napangiti.

"Sounds great. Saan naman?" Balik tanong ko dito.

"At your place!" Masiglang sabi nito. Napanganga naman ako. At my place?! Hell no! Masyadong magulo dun.

"What?! Bakit sa place ko? Sa place mo nalang kaya" puno ng pagtutol na turan ko. Ang kalat kasi dun.

"Ayoko. Baka, nandoon na naman ang mga unggoy. Sa place mo nalang para walang istorbo"

"Bakit? Magluluto ka lang naman ah? Tsaka ano, diba? The more, the merrier" giit ko parin. Please pumayag kana.

"Okay! Halika na" sabi nito saka hinatak na ako palapit sa sasakyan niya. Salamat naman at pumayag. Ngiting tagumpay akong sumakay ng kotse. Sabi ko na nga ba eh, hindi ako matitiis nito.

_____________________________________________

Kanina pa ako parang timang na nakatanga dito sa harap ng condo unit ko. Kumurap kurap pa ako pero hindi talaga ako nananaginip eh. Opo, nandito kami sa Condo Unit ko. Bakit hindi ko man lang napansin na nandito pala kami sa building ng condo unit ko? Kaasar.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Pukaw nito saakin. Saka lang ako natauhan.

"Akala ko ba, sa place mo tayo? Bakit nandito tayo sa condo ko? Tsaka, panu mo nalaman na dito ako nakatira?" Sunod sunod na tanong ko.

"I have my ways. Now, let me in" saad nito pero agad ko naman itong pinigilan.

"No! I mean, wait lang, give me 5 mins." Sabi ko. Magsasalita pa sana ito pero sinarhan ko na agad ito ng pinto. Dali dali kong dinampot ang mga damit kong nakakalat sa couch pati na rin ang mga underwears ko. Haay. Ngayon dapat ako maglilinis eh.

"Anong ginagawa mo?" Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likuran ko, agad agad ko itong nilingon at sa gulat ko ay naitapon ko ang mga damit ko sa mukha nito. At alam niyo kung anong nakakahiya? Napunta lang naman po ang panty ko sa mukha niya. Hindi ako makagalaw. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa ngayon mismo. Parang bigla atang nagslow motion dahil sa tindi ng kaba ko, habang unti unti nitong inaalis ang panty ko sa mukha niya. Saka lumitaw ang mapang asar na ngiti nito.

"Alam mo? Naturingan kang teacher pero hindi ka organize" pang aasar nito saka hinagis ang panty sa akin. Sa pagitan ng pagkapahiya ay sinubukan ko paring magsalita.

"Wag kang mag reklamo! Ginusto mo 'to. Sinabi ko naman kasi sayo na sa bahay mo nalang eh. Tsaka, naglilinis naman ako, Hindi nga lang madalas dahil sa busy life of being a teacher. Alam mo ba kung gano kahirap maging teacher? Parang wala kaming pahinga kasi kahit na nasa bahay na, trabaho parin, lesson plan dito, lesson plan doon. Kaya wala na kaming time s---" may sasabihin pa sana ako eh kaya lang pinutol na niya.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon