FIFTEEN

270 8 0
                                    

BASTE

"Hi" nakangising bati ko dito. Kung kanina naaasar ako sa pagdala nila saakin dito, ngayon, mukhang pasasalamatan ko pa sila. Kaninang umaga palang kasi pagkakita ko dun sa mukhang pwet na boyfriend ni Jaecee ay mainit na ang ulo ko. Mas lalo pang uminit ang ulo ko ng bigla akong dalhin dito. Pero ngayong nandito ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko ay natutuwa ako.

Wala akong sagot na nakuha dito kaya naman mas lalo akong napangisi.

"I know I'm beautiful. But please, talk to me" mayabang na sabi ko. Natauhan naman ito dahil dun saka napaismid.

"Yabang" bulong nito na umabot din naman sa pandinig ko kaya napatawa ako.

"Come here" yaya ko dito. Agad naman itong lumapit. Umupo kami sa sahig. Medyo nahirapan siya kasi nakadress siya.

"Anong gagawin natin dito? Bakit tayo lang ang natira?" Tanong nito.

"Mm? I don't know. Maybe this is what we called 'destiny'?" Natatawang sabi ko. Napatawa na din siya.

"Ang init" reklamo nito habang dahan dahang hinuhubad ang coat. Napalunok ako ng makita ang napakakinis niyang balikat.

"Oo nga, ang init" nasabi ko. Ipinatong nito ang coat sa binti niyang expose. Buti nalang. Kanina pa ko di makahinga sa suot niya eh.

"Kain po muna kayo" rinig kong may nagsalita sa unahan namin kaya tiningnan ko ito. Isa siguro ito sa nag oorganize sa mga activities ng school ngayon. Iniabot nito sa amin ang isang box ng pizza at isang 1.75 na coke pati baso.

"Sosyal pala 'tong kulungan niyo. May pafoods" natatawang turan ko.

"Actually po, wala po talaga dapat, si Mr. President po nagpapabigay niyan. Siya din po ang tumubos sa mga kasama niyo kanina" paliwanag niyo. Maybe, I should thank him.

"What? Bakit kami hindi kasama sa tinubos?" Naguguluhang tanong ng isa.

"Actually po, tinubos na po niya kayong dalawa. Pero yung order po saamin ay palabasin kayo kapag isang oras na ang lumipas. Wala din daw pong dapat tumubos sa inyong dalawa kundi kami daw po ang mananagot" dagdag paliwanag nito. Napangiti ako, mukhang plinano ito ng president na yun ah?

"That idiot" rinig kong bulong ni Jaecee. Nagpaalam na rin ang estudyante at iniwan na kami.

"Kain na tayo. Don't worry, 1 hour won't be too long, kulang pa nga yun eh" sabi ko at kumuha na ng pizza.

"Bakit parang wala kang pakealam na nakakulong tayo dito?" Tanong nito at kumuha na rin ng isang slice ng pizza.

"Una, para makapagpahinga sa trabaho. Pangalawa, libre foods. At pangatlo, kasi kasama kita" walang kakemekemeng sabi ko. Tiningnan ko 'to at namumula ang pisngi nito. Kaya napangiti nalang ako.

"You know what? Para may magawa tayo sa 1 oras natin dito. Let's do fast talk" dagdag ko. Napatawa naman ito sa sinabi ko.

"Ano ka? Si Tito Boy?" Natatawang tanong nito.

"Hindi, si Tita Girl" Biro ko. Biglang nag seryoso ang mukha nito na parang nakarinig ng nakakakilabot na joke.

"Ulitin mo pa yan bibigwasan kita" pagbabanta nito. Napatawa nalang tuloy ako.

"Nakakatawa naman ang jo--- sabi ko nga  hindi. Promise last na yun. Anyway let's move on to the funniest joke ever. So, ito yung mechanics. You'll be the first one to ask me a question then after I answer it's your turn to ask. Vice versa lang" paliwanag ko. Tumango tango naman ito.

"I can ask any question? As in, anything under the sun? Even the personal one?" Sunod sunod na tanong nito na sinagot ko naman ng tango.

"Okay. Let's start" sabi ko.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon