JAECEE
"Hey, Jaecee, kanina ka pa tulala may problema ba?" Pukaw sa akin ni Gigi. Kasalukuyan kaming nasa faculty room ngayon dahil kakatapos lang ng last class namin.
"Ah wala, I just remember, Death anniversary pala ni Kuya ngayon" sagot ko. Tumayo na ako at nag ayos. Siguro pupuntahan ko nalang siya.
"Ah. Kaya pala. Yayayain sana kitang mag mall eh, kaso parang may lakad kana kaya ako nalang" sabi nito ng nakangiti. Ginantihan ko nalang ito ng ngiti saka ako nagpatuloy sa pag aayos. Pagkatapos kong maayos ng mga gamit ko ay agad naman na akong pumunta ng parking area at agad na pinaharurot ang kotse ko papuntang sementeryo. Limang taon na rin simula ng mawala si kuya. He's my best friend, best buddy, best kuya. At pati sa pagsagip sa buhay ko best siya. Yes, namatay si Kuya dahil sinagip niya ako ng muntikan na akong mabangga ng kotse. Ang tagal kong sinisi ang sarili ko sa nangyari. Buti nalang at nandyan ang pamilya ko at pinaramdam nila saakin na wala akong kasalanan. Pagkarating ko sa sementeryo ay agad akong pumunta sa puntod ni kuya. Napangiti ako ng mabasa ang pangalan nya. Jaevee Saavedra. Hindi nalalayo sa pangalan ko diba?
"Kumusta ka diyan buddy? Siguradong buto nalang tira sayo. Ikaw kasi eh, nagpakain ka agad sa uod. But I know, everything happens for a reason. Alam ko rin na masaya kana kung nasan ka man ngayon. Don't you worry Bro. You'll be my forever buddy. I love you. And I miss you so much" nakangiting mensahe ko dito. Saka na ako nagpaalam.
Nakakailang hakbang palang ako ng may makita akong pamilyar na pigura, nakaupo ito sa damuhan di kalayuan sa kinatatayuan ko. At base sa galaw ng balikat niya ay umiiyak siya. I don't know that she's this fragile. Kahit na dalawang beses palang kaming nagkikita ay makikitaan mo siya ng strong personality. But here she is now, crying like a baby. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko sa di ko alam na dahilan. Maybe it hurts seeing people, suffering from pain. Nakita Kong humiga siya ng patagilid habang unan ang kaliwang kamay niya. I don't know but right now I just want to ease the pain she's feeling. Kahit ngayon lang. Kahit dito lang. Kusang gumalaw ang mga paa ko papuntang kotse at kinuha ko ang blanket ko. Mabuti at lagi ko itong dala. Naglakad ako patungo sa babaeng nakahiga sa damuhan. Nakapikit ito. Kaya malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Maganda siya. She really is. Napansin ko ang band aid sa gilid ng kilay niya. Mukhang napalakas ata talaga ang pagtuhod ko dun ah? Napangiwi ako. Alam ko naman na aksidente lang yun pero kasi, nakakahiya. Pero infairness, hindi man lang nakabawas yun sa ganda niya. She looks more cool with that band aid. Parang kanina ko pa siya kinocompliment ah? Baka humaba pa lalo ang buhok nito at matapakan ko. I just brush the thought. Kinumutan ko nalang siya. Nakatulog siguro sa kakaiyak.
"Infairness sayong manyak ka, mukha kang dalagang pilipina pag tulog" sabi ko saka umupo sa tabi nito. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. 5:45 pm. Kaya naman pala pagabi na. Tiningnan ko ulit si manyak at himbing pa rin ito. Naririnig ko pa ang mahinang hilik nito. Napatawa tuloy ako ng mahina. Wait. Did I just laugh? Sige na nga, pagbibigyan ko nalang muna ang sarili kong wag maging masungit kahit na ngayon lang.
"Baka matunaw ako" nagulat naman ako ng bigla itong nagsalita. Natauhan naman ako saka tiningnan ang oras. 6pm. What?! 15 mins. na ang lumipas? Nagawa ko siyang titigan ng ganun katagal?? Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. She caught me.
"G-gising kana pala" tanging nasabi ko. Bumangon ito sa pagkakahiga saka naupo sa tabi ko. Namumugto ang mga mata nito. Umiwas agad ako baka mahuli na naman ako.
"Yeah. Actually, kanina pa" sagot naman nito habang nakatingin lang sa unahan. What? Kanina pa siya gising? No way. "Hindi lang ako nagsasalita kasi mukhang nageenjoy ka sa pagtitig sa maganda Kong mukha eh" dagdag pa nito kaya naman ay inis na napalingon ako dito.
"You're kidding right?" Sabi ko. Kasi naman ang kapal ng mukha. Hambog. Hmp.
"Oh c'mon, I just caught you. Don't deny it. Tayo lang naman ang nandito eh ay hindi pala kasama pala sila" sagot nito. Natakot naman ako bigla sa sinabi niya at napalingon lingon ako sa paligid. Wala naman kaming ibang kasama dito ah?
"A-ano b-bang pinagsasasabi mo? T-tayo lang n-nandito ah?" Nahihintakutang turan ko. Kasi naman. Gabi na kaya. Baka may mumu.
"Ayan kaya sil---"
"Subukan mong ituloy yan sasapukin talaga kita" pagbabanta ko dito. Saka lumingon ulit sa paligid. Nang biglang..
"Boooooooo!!!!!!"
"Ahhhhh!!!!" Malakas na sigaw ko. Saka napapikit ako ng mariin.
Isang napakalutong na tawa ang umalingawngaw pagkatapos nun. Gagong to, pinagtitripan ako. Gulatin ba naman ako?! Napamulat tuloy ako pero pinagsisisihan ko yun dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakayakap na pala ako sa kanya at ganun din siya. Napatigil naman ito sa pagtawa ng marealize din siguro nito kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Wrong move. Konti nalang mahahalikan ko na siya. Kaya bago pa ako mawala sa sarili ay agad na akong tumayo.
"Kahit kelan talaga wala kang ginawang Tama manyak!" Sigaw ko dito. Narinig ko nalang ulit ang pagtawa nito pero mahina lang.
Maglalakad na sana ako palayo ng bigla siyang humarang saakin saka ipinulupot ang blanket sa katawan ko na nagdulot sa saakin ng kakaibang kuryente. Kaya wala sa sariling napangiti ako. Ngumiti din ito saakin. Ang totoong ngiti, dahil umabot yun sa mga mata niyang namumugto parin hanggang ngayon.
"Salamat" sabi nito na puno ng sinseridad. Saka naglakad na palayo. Kaya ako eto naiwang nakatanga lang sa kanya.
"Anong hindi mo maintindihan sa salitang daydream? Kaya bukas na yan. At saka baka may sumama sayong alam mo na" natatawang sabi nito. Kaya naman agad akong natauhan at dali daling pumanta sa kotse ko. Kahit kailan talaga.
"Kapal!!" Sigaw ko pa ng makalapit ako sa kotse ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at sumakay na sa kotse. Hindi ko mapigilang mapangiti. I really can't help it why?
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.