FORTY

178 6 0
                                    

BASTE

"Ang daldal mo" I sweetly said.

Ilang segundo siyang natigilan sa ginawa ko. Hanggang sa..

*paaakk!*

Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko sa sakit ng pagkakasampal niya.

"How dare you?!" Mahina pero madiing turan niya.

Ibinalik ko ang tingin sa kanya pero hindi ko alam kung dapat ba akong magsisi. Dahil sa galit na nakikita ko ngayon sa kanyang mga mata.

"I-I'm sorry" sambit ko ng nauutal.

"Sorry?! What the f*ck?! Tell me, what game is this now? Ha? Are you going to play with my feelings again? Because if that so, I'm sorry but I won't let you. Not again" puno ng galit na sabi nito sabay umupo sa gilid ng kama.

"I won't do tha--"

"Then what?! What do you want?! Pwede ba, tigilan mo na ako. Ayoko ng nalalapit pa sayo. Because every time I get near you I feel not safe!" I feel the very familiar stain of pain in my chest.

Ang tigas tigas na niya. At naaasar ako sa kakasigaw niya.

"Ba't ba sigaw ka ng sigaw?" Asar na tanong ko.

"Ano bang pakialam mo?!" And yeah. She shouted. Again.

"Pag di ka tumahimik hahalikan kita!" Pagbabanta ko na ikinatigil naman nito.

"Subukan mo lang ulit. Papaputukin ko yang nguso mo!" Balik pagbabanta nito ng makabawe sa pagkabigla.

Aww. Ang harsh talaga ni Baby. Napanguso tuloy ako saka napahawak dito.

"Ang Harsh mo talaga baby minsan" nakangusong sabi ko. And for the nth time, she frozed.

Hanggang sa nagbabagang tingin na naman ang ipinukol nito sa akin.

"Don't. Don't you ever dare call me that way again." She warned. Pero dahil makulit ako, hindi ko siya susundin.

"Ang alin? BABY?" Pang aasar ko saka diniinan pa ang huling salita.

Nagulat nalang ako ng sinugod ako nito saka pinaghahampas. Pilit ko naman itong sinangga.

"Hey! Hey! Baby stop! Ouch! Baby nasasaktan ak-- aray baby tama na!" Sabi ko sa pagitan ng paghampas niya. Tumatama na kasi ang iba sa mukha ko. Hindi pa nga magaling labi ko dahil sa suntok ni Juris tapos eto na naman.

"I said stop calling me damn Baby!" Sigaw na naman niya habang patuloy parin akong pinaghahampas.

Aish. Pilit Kong hinuli ang mga kamay niya at sa wakas, nahuli ko rin.

"Gusto mo ba talagang mahalikan kita?" Nang aakit na tanong ko. Nakita ko ang paglunok nito kasabay ng pagbaba ng tingin nito sa mga labi ko. Aww. My baby is so cute.

"If you want to kiss me. It's fine. I won't mind." Nang aasar na turan ko.

Mukhang natauhan naman siya saka mabilis akong sinuntok sa mata.

"Awww. F*ck." I curse holding my left eye.

"You deserved it" sabi nito na mukhang natatawa sa itsura ko. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay ang saya na nararamdaman ng puso ko. Nakita kong medyo kuminang ang mga mata niya. At sa itsura niya ngayon na mukhang natatawa, yung totoo at hindi peke.

If hurting me physically would make her laughed, I willingly surrender myself.

Pero agad din iyong nawala. Kaya naman ay tumayo ako ng ayos bago nagsalita.

"Nakakailan ka na ha?" Reklamo ko habang hawak parin ang kaliwang mata. Gosh. Sana naman hindi 'to magpasa. Kundi sangkatutak na katatawanan ang aabutin ko sa barkada.

"Ginusto mo yan di ba?" Mataray na sabi nito saka naghanap ng damit at towel saka pumunta ng CR.

Nang makapasok siya sa CR ay agad kong tiningnan ang mata ko sa salamin. Sh*t. Napalakas ata talaga ang pagkakasuntok niya saakin. Ngayon palang may marka na itong pulang pula. Pero agad din akong napangiti ng maalala kung paano siya natatawa kanina.

"I miss that" I whispered.

Ilang sandali pa ay nakita ko na itong nakahilata sa kama. Ganun ba ko katagal nakatulala at hindi ko manlang napansing bumalik na siya? At take note, sinakop niya lang naman ang buong kama.

"Hey! Saan ako matutulog?" Reklamo ko dito. Alam ko gising pa siya.

"Edi diyan sa baba, asa ka namang gusto kong makatabi ka" pagsusungit na naman nito. Hay naku, ano pa nga bang magagawa ko? Kumuha na din ako ng damit at towel saka ako naghalf bath. Pagkatapos ay bumalik na ako sa bedroom.

Mukhang tulog na siya. Kumuha nalang ako ng unan saka naglatag ng kumot na sapin. Napakasweet niya talaga. Wala akong masabi.

Humiga na ako saka napangiti. Mukhang mahaba habang suyuan nga ito.

Napangiti ako. Pero kahit na ganun, masaya ako ngayong gabi, ako parin ang huling kasama mo.

"Good night. Jaecee. Baby" sabi ko sa nakatalikod na si Jaecee saka ako pumikit.

_____________________________________________

Nagising ako ng wala na sa kama si Jaecee. At hindi tulad ng nakikita sa TV na kahit na gaano kagalit ang bida sa taong mahal niya ay magigising parin itong may kumot na nakabalot sa kanya pero ako? Eto, nagising na yakap ang sarili dahil sa lamig. Di niya talaga ako kinumutan? Napakasweet naman talaga. At panu naman kaya siya nakalabas? Napatingin ako sa wall clock. Alas nueve na pala. Bumangon na ako saka nagpasyang bumaba. Nagugutom na ako. Hindi na ako nag abalang maghilamos. Kahit na bagong gising ako, alam kong maganda parin ako.

Hinanap ko sila at nakita sa cottage na kinainan namin kahapon.

"Good morning! What do we have for breakfast?" Masayang bati ko sa kanila. Ako nalang pala ang wala. Grabe, di man lang talaga ako ginising ng mahal ko.

"I think someone's had a fight last night" si Juris na mukhang natatawa pero pinipigilan lang.

"Yeah. A literal fight" si Amber naman.

Ano bang problema nila? Bakit parang gusto na nilang matawa? May nakakatawa ba?

"Guys, what's funny?" Tanong ko saka sila isa isang tiningnan. Hanggang sa nagawi ang tingin ko sa isa at walang pakialam na kumakain lang.

"Have you ever look at yourself in the mirror dude?" Si Ejay, na konting konti nalang ay bubunghalit na.

Ibinalik ko ang tingin sa isa, na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. Then reality hit me.

"Oh f*ck!" I cursed sabay hawak sa kaliwang mata ko.

Kasabay nun ay ang malulutong na tawa nila.

Sh*t. Habang ang isa naman ay sinusubukang pigilan ang tawa.

"'Wag mo ng pigilan, baka mautot ka" naiinis na sabi ko sa kanya. Buhat doon ay bigla nalang itong bumunghalit ng tawa. Totoong tawa.

"Hahaha you haha you look mess hahaha ang pangit mo" tumatawang sabi nito.

Then my whole world stops. Hearing those laughters are music to my ears. A kind of music na ngayon ko na lang ulit napakinggan. How can I not love this woman? If in just a split of seconds she can make my whole world stop? If she can make my heart beats fast? If she can turn my world upside down? If she can make my day complete just by seeing her beautiful face? Paano ko nga ba siya hindi mamahalin?

Hindi ko magagawang hindi siya mahalin. Hinding hindi.

"I miss you. I miss that laughter of yours" I sincerely said.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon