TWENTY SIX

189 8 0
                                    

JAECEE

Nagising ako sa mahihinang tapik sa balikat ko. Nagmulat ako ng mata saka tiningnan ang taong tumapik sa akin.

"We're here" sabi nito. Napalinga ako ng paningin at nakitang nandito na kami sa tapat ng building ng unit ko.

Inalis ko na ang seatbelt ko. Inalalayan naman ako ni Juris lumabas. I can still feel the effect of alcohol.

"Salamat" Turan ko. Ngumiti naman ito ng tipid.

"Hatid na kita sa unit mo" Alok nito na ikinailing ko.

"No. I can manage. Masyado ng gabi. Umuwi kana" I insist. Nagpumilit pa sana ito pero hindi na ako pumayag. Masyado ng abala sa kanya. Kaya wala na itong nagawa at sumunod nalang. Pagewang gewang akong sumakay ng elevator.

Pagkarating sa unit ko ay pumunta ako agad sa kusina at kumuha ng canned beer sa ref. saka walang pakundangang ininom ito. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagdaloy ng napakasakit na nakaraan.
_____________________________________________

"What do you want? You disturb us" bored niyang sabi. Hindi man lang nag abalang mag ayos. Si Brianne naman ay nakayuko lang at tinakpan ang sarili.

Kung masakit ang nakita ko. Parang mas masakit ang itrato niya ako ng ganito. Yung parang wala lang. Parang hindi niya ako girlfriend.

"W-what happened to us? Bakit mo ako niloko?" May hinanakit na tanong ko.

"A-ah.. Baste. Uuwi na ako" paalam nung isa habang dahan dahang nagbibihis. Pagkabihis nito ay dalidali itong naglakad papunta dito sa kinatatayuan ko. Nakatayo parin kasi ako sa may pintuan.

Bago pa man siya makalabas ay pinihit ko na siya saka malakas na sinampal. Napatayo naman ang isa sa ginawa ko at agad na nilapitan si Brianne. So, kakampihan pa niya ang kabit niya?

"What the hell?!" Sigaw saakin ni Baste. Kaya naman ay hindi na ako nakapagpigil ay sinampal ko na din siya.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon