BASTE
Okay na sana ang araw ko eh. Kaso, biglang may dumating na asungot.
Nakakaasar lang, parang ang excited niya ata masyado nung makita yung asungot. Niyakap pa niya ng mahigpit. Tsk. Napaiwas ako ng tingin. Ayokong makita kung panu niya yakapin yung lalaki, kasi yun yung bagay na hindi niya magawa sa akin. Sa lahat ng yakap na ginawa ko sa kanya, simula ng nagsimula akong manligaw. Wala man lang akong natanggap na ganti ng yakap mula sa kanya.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Hanggang sa naramdaman kong lumapit sila samin.
"Miguel. Aba'y ang laki ng pinagbago mo ah?" Si Lola yun.
Miguel? Siya kaya yung kababata ni Jaecee? Nakita kong nagmano ito Kay Lola at Lolo.
"Hindi naman po." Sabi naman nito. Sus pahumble pa ang kumag.
"Maupo kana, at saluhan kami sa almusal." Yaya naman ni Lolo. Naupo ito sa tabi ni Jaecee kaya ang ang nangyari ay nasa gitna namin si Jaecee, ako sa kaliwa at siya sa kanan.
"Kumusta man ang pagbabarko noy?" Tanong ni lolo dito.
"Ayos man Lo, mapagal pero kaya man" sagot nito.
"Badi payt lang sun ang tambay didto Lo" si Jaecee. Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita gamit ang salita dito.
Tsk. Dapat matutunan ko rin ang salita dito para nakakasali din ako sa usapan nila. At para naiintindihan ko din sila.
"Tambay? Diri kaya. Of course, I'm doing my best at work for the future" sabi naman ng tukmol at kumindat pa Kay Jaecee. Ang isa naman ay tumawa lang. Biglang kumulo ang dugo ko saka ako napaiwas ng tingin.
Tusukin ko kaya ang mga mata nito?
"Baste, apo. Mukhang iginiling muna ata yang kinakain mo" Puna ni Lolo. Kaya naman ay napadako ang tingin ko sa kimakain ko. Oo nga. Tsk. Dahil siguro sa asar ko dito sa lalaking 'to kaya hindi ko namalayang minamurder ko na pala ang pagkain ko.
"Ay sorry po Lo. Ganito po talaga ako kumain. Mas masarap" pagsisinungaling ko.
Napangiwi naman ang katabi ko.
"Gross" rinig Kong bulong nito. Haay. Kanina lang ang bait niya sakin. Punasan niya pa ako. Tapos ngayon dumating lang ang asungot hindi na niya ako pinapansin at sinusungitan na naman.
Nakakaasar. Kaya naman pagkatapos kung kumain ay tumayo na ako. Kanina pa kasi naglalandian itong dalawa sa tabi ko. Di ko na kaya manatili pa dito.
"Lolo, Lola, akyat po muna ako sa taas. Maliligo lang po ako saka magpapahinga din po." Paalam ko.
"Kaya mo bang umakyat apo?" Tanong ni Lola. Tumango lang ako saka ngumiti.
Ika ika akong umakyat. Hindi ko na tiningnan pa ang dalawa. Tutal busy pa na naman sila sa 'catching-up' moment nila.
Dumiretso ako sa banyo saka naligo. Pagkatapos ay nagpatuyo ako ng buhok. Nang dumungaw ako sa baba ay wala na sila. Buti naman. Nagpasya muna akong umidlip. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko.
Nagising ako bandang alas 3 ng hapon. Grabe ang tulog ko dahil siguro sa sakit ng katawan. Nagpasya akong bumaba at nabungaran si Aling Bebang na naglilinis.
"Oh gising kana pala" sabi nito. Ngumiti lang ako sa kanya bago nagsalita.
"Asan po sina Lolo?" Tanong ko dito.
"Ay nasa Bayan, naghanap ng baboy na bibilhin para katayin sa fiesta." Sagot nito na bisaya accent.
"Ganun po ba? Eh si Jaecee po?" Usisa ko.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.