FORTY THREE

173 5 0
                                    

BASTE

"Can I kiss you?"

Huli na para bawiin pa ang nabitawan kong salita. Natigilan naman ito sa tanong ko. Pero ilang sandali pa ay lumayo ito sa akin saka may kinuhang band aid. Nilagyan nito ang sugat ko saka tumayo. Walang imik na ibinalik nito ang first aid kit sa pinaglalagyan nito.

"Ano? Tutunganga ka lang diyan? Late na tayo" Pag iinarte nito. Ni hindi manlang pinansin ang sinabi ko.

Pilit na ngumiti nalang ako saka tumayo na. Wala pa ring imik na bumaba kami at sumakay sa kotse ko. Napabuntong hininga ako. Mas okay saakin na inaaway niya ako, kesa ganito siya katahimik.

"Jaecee" Agaw ko sa atensyon niya. Lumingon ito pero hindi nagsalita. Wari'y naghihintay lang ito kung anong sasabihin ko.

"A-about earlier. I'm s--"

"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to?" Putol nito sa anumang sasabihin ko. Nararamdaman ko kung gaano siya kaseryoso sa tanong niya. Ramdam ko rin ang bigat ng tingin niya kahit na hindi ko direktang nakikita dahil nagdadrive ako.

And for the nth time, I heaved a sigh. Bakit ba natotorpe ako? Bakit ba nag aalinlangan akong sabihing mahal ko siya?

Takot. Oo takot ako sa kung ano man ang sasabihin niya. Takot ako sa magiging reaksiyon niya.

"Di ba sabi ko liligawan kita?" Tanging nasabi ko. Palipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa daan.

"That's not the answer to my damn question" Madiing turan niya. Tsk. Galit na naman siya.

Siguro oras na. Oras na para harapin ko ang takot ko. Kahit anong sabihin at gawin niya. Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakukuha ulit.

Itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng daan. Nag ipon ako ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko bago ako humarap sa kanya at tumitig sa mga mata niya.

"H-hindi ko alam kung paano magsisimula. Alam ko walang kapatawaran ang ginawa ko. Kinain ako ng galit ko, at hindi nakapag isip ng tama. Sinaktan kita. And I'm really stupid from doing that. I hurt the only person whose making me happy. The only person who saved me from my past. The person I love." Madamdaming pahayag ko. Hindi ko na din napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Kumunot ang noo nito sa huli kong sinabi. Magsasalita sana siya pero pinigilan ko.

"Please, let me finish. Saka ka nalang magtanong o magalit pag tapos ko" nakangiting turan ko habang patuloy paring umiiyak.

"Hindi ko plinanong lokohin ka mula sa simula. When we've met, hindi ko pa alam na kapatid mo siya. Kaya lahat ng ipinakita ko sayo noon, totoo lahat ng yun. Yung pagmamahal na meron ako para sayo. Hindi yun peke. Until you introduced me to your brother. Doon nagsimula ang lahat. Nilamon ako ng galit. At lalong nadagdagan iyon ng malaman kong patay na siya dahil hindi ko na makakamit ang hustisya. That's why I came up to an idea, I talked to Brianne to help me. Wala akong ibang pinagsabihan bukod sa kanya, kasi alam kong hindi ako hahayaan nila Amber na gawin ang binabalak ko. At first, she did not agree. But I begged, hanggang sa pumayag siya. Pinalabas kong plinano ko ang lahat, mula sa pagkikita natin, na lahat ng ginawa ko ay ginawa ko para mahulog ka. Pinalabas kong may relasyon kami ni Brianne. Plinano kong makita mo kami na nasa ganoong scenario. Para saktan ka. Sinabihan kita ng mga masasakit na salita para mas lalo kang masaktan." Humihikbing kwento ko. Pero pinagpatuloy ko parin.

"And that was the most stupid thing I ever did in my entire life. If I can only bring back ti--"

"But you can't. Hindi mo na mababalik ang lahat. Alam mo ba kung anong ginawa mo noon sakin? Ha? Para mo na rin akong pinatay! Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan kung sakaling alam ko na nangyari sayo ang lahat ng yun? At yung isa sa mga taong mahal ko pa ang may kagagawan? Galit na galit ako Kay Kuya! Galit na galit ako sa ginawa niya! At ang sakit sakit! Ang sakit sakit kasi yung dalawang taong pinakamamahal ko, nagawa akong saktan!" She burst out.

Napahagulhol siya.

"A-alam ko. Alam kong sobra kang nasaktan. And please, please forgive me. Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo ako." Hindi ko alam pero parang nagmamakaawa na ako ngayon.

"So, kaya mo ginagawa ang lahat ng ito kasi inuusig kana ng konsensya mo?" Sarkastikong tanong nito habang nagpupunas ng mga luha.

"No. Hindi mo ba talaga alam? Hindi mo ba talaga nararamdaman? Jaecee iloveyou. I still love you. And I never stop loving you, from the day you came into my life, up until now. I keep loving you. Pagkatapos ng lahat, sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko. Itinuon ko sa galit ang nararamdaman ko para sayo, but I failed. Because the more I tried to avoid my feelings for you, the more it goes deeper. At hindi ko na kaya pang iwasan 'to. Sana hayaan mo Kong mapakita ang totoong nararamdaman ko na hindi ko nagawa noon." I sincerely said.

"You're late for more than a year . Tama na Baste. Hayaan mo nalang ako. Ayoko na." Sabi nito habang nakatingin lang sa labas ng bintana.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka binuhay ang makina. Lumingon ako muli sa kanya.

"I'm sorry. I can't" yun lang at nagsimula na akong magdrive.

Naramdaman ko pa ang masama niyang tingin pero hindi ko na pinansin. Hindi ko na siya susukuan. Unless, sabihin niyang hindi na niya ako mahal.

___________________

Late kami ng dumating sa set.

"Ano na namang nangyari diyan sa noo mo?" Bungad ni Brianne habang nilalagay ko ang mga gamit ko.

"Wala yan. Nauntog lang" sagot ko habang nireready ang mga cameras.

"Hindi na ba talaga mawawalan ng kolorete yang mukha mo?" Alam ko concern lang siya.

"Be ready in 5! I'm fine Bria. Don't worry"  I assured her.

Nagsimula na nga kaming magtrabaho. Medyo nakakapagod dahil mabilis na kaming matapos kaya kailangan magfocus. Ang goal ko ay matapos na 'to ngayong araw.

Kaya kung kailangan mag overtime ay mag oovertime. We are down to our last scene, so, kaya naman na siguro.

I inform them of our overtime at wala namang umangal.

Inabot kami ng madaling araw para matapos at maplantsa ang huling scenario.

"Okay guys! May I have your attention please!" I yelled to catch their attentions. Tumingin naman lahat sakin.

"You did a great job guys! Let's claim the success of this movie! Congratulations to all of us!" Bati ko sa kanila.

"We can't make it if it wasn't because of you too Direk. You did a great job as well. Let's call it a night." Sabi naman ni Jericho.

Nag ayos na kami ng mga gamit. Pagkatapos ay nagmamadali kong hinanap si Jaecee. At nakita ko itong kalalabas lang ng tent.

"Jaecee, hatid na kita" nakangiting yaya ko.

Pero nagulat ako ng kasunod nito si Danielle.

"Ako na maghahatid sa kanya Direk" Singit nito.

Bigla na naman tuloy uminit ang ulo ko pero hindi ako nagpadala. Itinuon ko nalang ulit ang atensyon ko kay Jaecee.

"Ano? Tara na?" Nakangiting tanong ko. Magsasalita na sana ulit si Danielle pero pinigilan siya ni Jaecee.

"Ihahatid na ako ni Dani, umuwi kana" malamig na sabi nito bago nagsimulang maglakad. Agad ko naman itong sinundan.

"Hindi. Okay lang. Ako na maghahatid sayo" pilit ko.

"Hindi ka ba talaga nakakaintindi? Ako nga ang maghahatid diba?" Pikang sabi ni Danielle.

"Ang sabi ko, ako ang maghahat--"

"Stop it Baste. Umuwi kana. Please lang" Nauubos ang pasensyang  saad ni Jaecee.

Laglag balikat akong tumango. Bago pa sila tuluyang makalayo ay tinawag ko ulit siya.

"Jaecee!" Tawag ko. Masamang tingin naman ang ipinukol nito sa akin.

"What?!" Singhal niya.

Tipid akong ngumiti.

"Ingat ka. Iloveyou."

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon