BASTE
Her boyfriend..
Her boyfriend..
Her boyfriend..
Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang sinabi ng tukmol na 'to at Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakanganga. Hindi parin nagsisink in sa utak ko. Boyfriend niya? Bakit parang bigla nalang may tumarak na matalim na bagay sa puso ko? Bakit masakit?
"Baste it--"
"Baste!" Magsasalita sana si Jaecee ng biglang bumungad si Brianne.
"Sis" sabi nung tukmol.
"Hey brother" bati naman ni Brianne. Wait. Magkapatid sila? Para na akong tanga dito. Bigla akong nawalaan ng gana. Pareho kaming walang imik ni Jaecee. Ano namang sasabihin ko diba? Ngayong kasama niya ang boyfriend niya.
"Why don't you join us? I mean, kayong dalawa, tutal maglalunch din kami" sabi nung Luke ata pangalan nun.
"Sounds great. Ano? Baby? Game?" Baling saakin ni Brianne. Nakita kong napaismid naman si Jaecee. Anong problema niya?
"Sorry guys but I also have lunch with Amber" cold na sabi ko. Sa totoo lang wala naman talaga. Dahilan ko lang yun para makaiwas. Ano? Sasama ako tapos sasaktan ko sarili ko? Hell no.
"Mm. Amber? The great VP? Haha. I think umalis siya kanina pa" singit nung mukhang unggoy na si Luke.
"O ganun naman pala eh.. So let's go" si Brianne. Wala na akong nagawa ng hilahin na ako nito.
_____________________________________________
We're here in a Chinese restaurant. Dito kami dinala nung unggoy. Magkatabi kami ni Brianne at kaharap ko si Jaecee.
"What do you want to eat babe?" Umiwas ako ng tingin ng tinanong ni Luke si Jaecee. Nakakainis. Ang sakit sa tenga marinig ang tawag nito Kay Jaecee. Tsk. Bakit ba ko nagkakaganito? Dahil ba gusto ko siya? Dapat pala bago ko siya nagustuhan inalam ko muna kung may sabit. Tsk.
"Hey, are you okay? Is there something bothering you?" Concern na tanong ni Brianne. Ngumiti lang ako ng konti saka umiling.
"Okay. Anyway what do you want to eat?" Nakangiting tanong niya.
"Ikaw na ang bahala" sagot ko. Saka kinuha nalang ang phone ko para magcheck kung may update sa wattpad. Napangiti ako ng meron nga. Sa wakas naman. Magmemessage na sana ulit ako. Nagsimula na akong basahin ito. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa unang linya palang ng binabasa ko. Panu ba naman, yung scenario nasa cr at nagmimake out. Biglang uminit ang pakiramdam ko.
"Are you okay?" Pukaw ni Brianne.
"A-h m-mm oo. Okay lang ako" sagot ko. Grabe, pinagpawisan ako ah?
"Restroom lang ako" paalam ko. Hindi ko na tiningnan si Jaecee at Hindi ko na din hinintay ang sagot ni Brianne at dumiretso na sa restroom. Pagdating sa restroom ay agad akong napahilamos. Grabe talagang writer yun. San niya ba nakukuha ang mga ganun? Siguro madami na siyang karanasan sa sex.
"Ayos ka lang?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Jaecee. Naramdaman kong tumabi ito saakin pero hindi ko ito tiningnan at hindi ko din ito sinagot.
Nagsimula akong magretouch. Habang nagreretouch ay pakiramdam ko may nakatingin sa akin kaya hindi ko napigilang mapatingin dito.
"Staring is rude" cold na sabi ko. Ewan ko ba, pero aminin ko man sa hindi, nagseselos ako. Sobra. Pero hindi ito nagpatinag at tinitigan lang ako. Kaya naman di na ko umiwas at tinitigan na din siya. Humakbang ako papalapit sa kanya, nagulat naman siya kaya napaatras. Humakbang pa ako ng ilang beses hanggang sa wala na itong maatrasan. Lumapit pa ko saka hinawakan ang dalawang kamay niya at itinaas ito sa ulunan niya.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.