THIRTY THREE

183 6 2
                                    

BASTE

Gaano kabilis nagsimula
Ganon katulin nawala
Maari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nag iisa

Sa bawat katagang binibitawan niya ganun din kadalas ang pamilyar na sakit na nararamdaman ko. Lahat ng kanta, parang isang alaala. Parang lahat patungkol sa nakaraan namin. I can't help myself to think of that question. Of that certain question.

Did I really hurt her that much?

Hindi ko dapat nararamdaman 'to. Pero bakit nakakaramdam ako ng pagsisisi? Hindi dapat ako nagsisisi. It is for my justice. Kaya dapat wala akong pagsisihan. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko maling mali ang ginawa ko?

Muli ko siyang tinitigan. Ngayon naman nakapikit na siya at pilit dinadama ang bawat linya.

Pasensya kana
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo

Pagkatapos ng chorus na yun ay muli niyang iminulat ang mga mata niya at sinalubong ang tingin ko na wari'y saakin niya sinasabi ang lahat ng yun.

Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana
Minsan siya'y para sayo
Pero minsan siya'y paasa
Tatakbo papalayo
Kakalimutan ang lahat
Pero kahit saan man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko sinta

Kaya't pasensya kana
Sa mga kathang isip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa ito
Ako'y gigising na sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo saiyo

Di ba nga ito ang 'yong gusto?
O, ito'y lilisan na ako.

Bakit nasaktan ako sa huling katagang binitawan niya. O, ito'y lilisan na ako.

Hindi ko maialis alis ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa ang boses ni Brianne ang punukaw sa akin.

"Bakit hindi mo siya balikan?" Natigilan ako sa tanong niya. Matagal bago ako nakaisip ng sasabihin.

"Bakit ko siya babalikan?" Balik tanong ko. Uminom ako ng beer.

"Kasi kitang kita sa mga mata mo na mahal mo parin siya. Bakit pinapahirapan mo parin ang sarili mo?" Seryosong tanong nito.

Napailing ako. At mapait na ngumiti.

"Hindi ko na siya mahal" pangungumbinsi ko. Hindi ko alam kung para sa sarili ko ang pangungumbinsing yun o para Kay Brianne.

"Hanggang kailan mo balak lokohin ang sarili mo? Hanggang kailan mo paniniwalain ang sarili mo sa kasinungalingang yan?" Madiin na tanong nito kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin at sa unahan lang nakapokus ang mga mata niya habang umiinom.

"Hindi ko niloloko ang sarili ko. Yun ang totoong nararamdaman ko" giit ko.

Ngumisi siya saka umiling iling.

"Sabagay tama nga naman. Kung hindi mo pa kayang magpatawad, hindi mo siya makakayanang mahalin ng buong buo. Alam ko hindi madaling magpatawad, pero sana sa oras na magawa mo ng piliin ang pagmamahal mo sa kanya kesa sa galit, at magawang patawarin ang Kuya niya. Sana lang hindi pa huli ang lahat kapag dumating ang araw na yun" mahabang pahayag niya.

Hindi ako nakaimik. Tama siya. Hangga't hindi ko nagagawang magpatawad ay hindi ko magagawang mahalin siya ng buong buo.

Pero kaya ko na ba? Hindi ko pa kayang magpatawad. Hindi ko pa kayang kalimutan ang galit.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon