EIGHT

333 12 1
                                    

JAECEE

"I-I'm sorry about earlier" basag nito sa katahimikan. Akala ko hindi na siya magsasalita. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay tahimik na ito. Hanggang ngayon ay gulat parin ako. Pagkatapos niya kasi akong sigawan ay nagmukha siyang balisa at makikita ko ang takot sa mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung pagsisisihan ko ang ginawa Kong pagharang ng kamay ko. Grabe kasi ang naging epekto sa kanya nun kahit na di nya sabihin ay kitang kita ko sa mata niya.

"No. I should be the one saying that. I'm sorry for what happened. Hindi ko sinasadya mahawakan yung ano m--"

"N-no. It's not that. N-nabigla l-lang ako" putol niya sa sasabihin ko. I know there's something wrong pero hindi na ako nag tanong pa.

"Let's just forget what happened and let's eat, gutom na ako eh" sabi ko nalang para mapagaan ang paligid. Pilit naman itong ngumiti at nagsimula na nga kaming kumain. Ang sasarap ng mga inorder niya. Seafoods. May fish, shirmp, crabs, and pusit. Ang dami at meron pang dessert na ice cream at yung drinks naman namin ay yung buko na binili niya kanina. Hindi ko nga alam panu 'to uubusin.

"Ang dami naman ata nitong inorder mo?" tanong ko habang nagsisimula ng kumain.

"Sabi mo kasi gutom kana" sagot niya habang nilalantakan ang alimango.

"Hindi naman ibig sabihin non patay gutom na ako" natatawang sabi ko. Natawa nalang din siya. Mabuti naman at okay na ulit kami. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain. Nakakamay lang kami. Dito kasi kami kumakain sa ilalim ng puno malapit sa dagat. Naglatag siya ng tela at doon nilagay ang mga pagkain namin. Parang picnic lang. Pero ang sarap sa pakiramdam, ang peaceful kasi ng lugar. Hindi pa masyadong maraming tao. At ang sarap ng hangin. Bigla akong natawa ng makita na hirap na hirap mag kamay si Baste. Napansin niya sigurong pinagtatawanan ko siya.

"Hindi kasi ako sanay sa kaliwang kamay di ko tuloy makain ng mabuti itong alimango" paliwanag nito habang nakanguso. Oo nga pala, nakaposas nga pala kami. Mabuti nalang at kanang kamay ko malaya, kung hindi, baka ako ang hirap. Kinuha ko nalang ang alimango at saka kinuha ang laman nito.

"Oh. Ahh." Sabi ko sabay subo sa kanya. Hindi naman nakaligtas saakin ang pamumula ng pisngi niya. Haha cute. Nagpatuloy lang kami sa masayang kainan. Paminsan minsan ay sinusubuan ko siya. Don't get me wrong, naawa lang talaga ako sa kanya kasi hirap siya gamitin ang kaliwang kamay niya.

"Ay langgam na nagsusubuan!" Nagulat kami pareho ng biglang may nagsalita sa likod. Nakita kong napapoker face ang kasama ko. Nahiya naman ako bigla. Nakita niya sigurong sinubuan ko si Baste.

"Ria, Jen anong ginagawa niyo dito?" Asar na tanong ng kasama ko.

"Bakit? Nakakaistorbo b-- ay este naglakad lakad lang di namin alam nandito pala kayo. Kumakain" halatang nang aasar itong si Ria. Kinurot naman ito ni Jen sa tagiliran.

"Araay! Baby naman eh" nakangusong reklamo nito.

"Pasensya na guys una na kami" paalam ni Jen saka nagmamadaling hinatak si Ria. Natawa nalang ako. Halatang mahal nila ang isa't isa.

"Nawalan na ako ng gana" sabi ni Baste saka kinuha ang buko at uminom.

"Talagang mawawalan ka ng gana kasi wala naman ng pagkain loko loko" natatawang turan ko. Grabe ang dami pala naming nakain? Uminom nalang din ako ng buko saka tumingin sa dagat.

"You know what? You have great friends. Kahit ngayon ko lang sila nakilala I can see how they value your friendship" bukas ko sa usapan. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pag ngiti niya.

"Yeah. I'm lucky, for having them. Sila nalang ang meron ako" seryosong sabi niya saka uminom ulit ng buko. Tiningnan ko siya halata ang lungkot sa boses niya.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon