JAECEE
Kanina pa ako naiinis sa kakasunod ng kumag na ito sa akin. Pangalawang araw na niya rito at wala siyang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko.
Feeling close din siya kina lolo at Lola na mas ikinainis ko dahil madalas na siya ang kinakampihan.
"Hindi ka ba talaga titigil?!" Inis na baling ko sa kanya.
Nagjojogging kasi ako at heto siya sinasabayan ako. Pero yung takbo niya patalikod. Parang timang. Madapa sana siya.
"Eh mas gusto ko yung jogging na patalikod ang takbo, para hindi ako mapagod" Rason nito na ikinakunot naman ng noo ko.
Tanga talaga. Tsk.
"Anong hindi nakakapagod? Mas na kakapagod yang ginagawa mo. Para kang timang." Asar na sagot ko habang patuloy parin ang pagtakbo.
"Hindi rin, kasi nakikita ko mahal ko eh, nakakawala ng pagod." Pinamulahan naman ako dahil sa sinabi niya at pilit kong itinago yun.
Aaminin ko, nung makita ko siya nung araw na yun, masaya ako. Sa totoo lang, hindi ko iniexpect na hanggang dito susundan niya ako. Ang layo ng byinahe niya para lang makita ako. And I appreciate it. Pero pilit ko paring iwinawaksi ang nararamdaman ko. Pareho lang din kaming masasaktan kapag ipinagpatuloy namin to.
"Psh. Madapa ka sana!" Pagsusungit ko para maitago ang nararamdaman.
And guess what? Nadapa nga talaga siya. Panu, may kahoy palang nakabalandra sa daanan niya kaya ayon. Panu niya naman kasi makikita diba? Eh nakatalikod nga siya sa daan.
I tried not to burst out in laughter. But I failed. Lalo na ng makita ko siyang hinawakan ang pwet niya ng nakangiwi.
"Hahaha buti nga sayong kumag ka hahaha may papick up pick up line ka pa hahaha ngayon bahala ka diyang tumayo mag isa. Babush!" Yun lang at nagsimula na ulit akong magjogging. Pero hindi paman ako tuluyang nakakalayo ng bigla akong may marinig.
"Oh my gosh Miss. What happened? Come here, let me help you" rinig kong turan ng isang baritonong boses. Bigla tuloy akong napatigil sa pagtakbo saka napalingon sa gawi nila.
Inaalalayan nito si Baste tumayo. Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa bewang ni Baste saka ang isa ay sa kamay. Parang biglang nag init ang ulo ko. Para silang magjowa.
"Can you walk? Do you want me to drive you home?" He worriedly asked.
Nakakotse kasi ito at mukhang huminto lang para tulungan si kumag. Hindi ko na napigilan at sumingit na ako.
"No. She's with me." Sabi ko saka lumapit Kay Baste at hinawakan ito sa braso saka hinila sa tabi ko. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Pero hindi ko nalang muna pinansin.
"Ow. I see. Hatid ko na kayo. Your friend seems really hurt." He offered. Pero ewan ko ba, parang mabigat ang dugo ko sa kanya.
"No. We're fine. Ako ng bahala sa kanya. But anyway, thank you" singaw sa ilong Kong sabi.
"Thank you ah" rinig kong sabi ni Baste.
"Kristoff, and you are?" Sagot naman nito.
Mga walangyang to talagang nagpakilala pa sa isa't isa?
"Baste. Thank you Kristoff" nakangiting sabi ni kumag.
Halatang halata ang paghanga sa mata nitong Kristoff na 'to kay Baste.
Sabagay, sino ba namang ang hindi hahanga sa ganda nitong si Baste, para na nga itong dyosa sa paningin ko. Lalo na ngayon na nakasuot lang ito ng sports bra at leggings and rubber shoes with her sweat slowly running down in her face to her neck. Napalunok ako. F*cking hot.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.