SIX

407 9 0
                                        

BASTE

"Oh? T-tsong? Bakit ka nandito? A-akala ko ba may vvlog ka?" Nagkunwari pang nagulat ito nang makita ako. Pero kilalang kilala ko na siya at ngayon alam kong nagpapanggap langvsiyang nagulat.

Psh. Tiningnan ko siya nang masama bago nagsalita.

"Cut the crap, Amber. You planned this, aren't you?" tanong ko. Umiwas naman siya ng tingin.

"W-what?! No. Of course not. Alam mo naman sigurong lalabas kami, diba? S-so dito namin naisipan. Malay ko bang dito ka rin pupunta," paliwanag niya. Pero hindi ako naniniwala. Imposibleng nagkataon lang ’to. I know she's lying.

"Tss." Yun lang ang nasabi ko bago ko siya tinalikuran. At binuhat ko isa isa ang mga gamit ko.

This is the reason why she's acting strange. She has a plan all along.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sabay harang sa unahan ko.

"Uuwi," sagot ko at naglakad ulit sa tabing-dagat. Dala dala ang mga gamit ko.

"Kung makakauwi ka! Wala nang papuntang bangka dito. Pero kung gusto mo talagang umuwi, pwede mong languyin," natatawang sigaw niya mula sa likod ko dahil nilagpasan ko lang ito.

Nagsalubong ang kilay ko at inis na binalingan siya ng tingin.

"What?! D*mn it! Ano bang mahirap intindihin sa ayokong i-celebrate yang lintik na birthday na ’yan at gusto kong mapag-isa!" sigaw ko.

Yes, I'm mad. I hate the idea of celebrating it. It's not worth celebrating.

"Because I want you to be happy! I want you to forget everything!" Sabi nito. Halata sa boses nito ang sinsiredad at pag aalala.

"How can you be so sure that after this, I’ll f*cking forget everything? What good would it even do? Do you really think celebrating will make it hurt any less? No, Amber. If I celebrate, I’ll only be reminded of that painful past—the one that shattered me into pieces." sagot ko at hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kusang kuwala dahil sa pagbuhos ng mabigat na emosyon.

"Sobrang tagal na nun, Baste!" She exclaimed.

"Pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Bakit takot na takot pa rin ako? Amber, lagi ko namang sinusubukang maging masaya, eh. Pero sana kahit  ngayong araw lang na na to, ibigay niyo sa akin." Pakiusap ko. Pero umili lang ito bago lumapit sa akin.

"Limang taon na kitang hinayaan. And sorry, but this time I'm not gonna let you. This is your room key." Yun lang at iniwan na niya ako. Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko saka ako napaupo sa buhangin habang sapo sapo ang mukha.

Doon inilabas ko lahat ng emosyong nararamdaman ko.

____________________________________________________

"No! Wag! Please, wag!"

"Hey, hey, wake up! Wake up!" Naramdaman ko na may tumatapik sa mukha ko kaya agad akong napamulat. Agad akong niyakap ni Amber.

Habol ang hininga ko at hilam sa luha. My past is hunting me. It's another knightmare again.

"Shhh. I'm here. I'm here," sabi pa ni Amber habang hinihimas ang likod ko. Patuloy lang akong umiyak.

"What happened? May narinig kaming sumigaw," base sa boses ay alam kong si Ria yun.

Hindi ko sila tiningnan at patuloy lang na umiyak. Ilang sandali ring naging tahimik ang kwarto. Pagkatapos kong umiyak sa dalampasigan kanina ay wala na akong nagawa kundi puntahan yung kwartong sinabi ni Amber. I don't have a choice dahil nga hindi na din naman ako makakauwi. Kaya ang ginawa ko nalang pagdating sa kwarto ay magkulong at matulog.

THIS IS USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon