JAECEE
We've been here for two weeks and that weeks have been my hardest times. Para kasing nag time travel ako at napunta ako sa past. Ngayon parang pinagsisisihan ko na ang pag include ng mga nangyari sa nakaraan sa libro ko. Himala ding hindi ako binubuntunan ng galit ni Baste. Kaya naman hindi ko din siya pinapansin. Pagdating sa trabaho, casual lang din kami. Hindi na rin ako umimik sa mga scenario. Ayokong mag mukhang apektado. Naging busy talaga kami this past days dahil kahit na magkakasama kami ay bihira kaming makapag usap pwera nalang kung about sa trabaho. Kaya naman ay nagyaya ang iba na magjam tutal this will be our last night here.
Gumawa sila ng bonfire at meron ding mga drinks. Umupo na kami paikot sa bonfire. May dalawang staff na may hawak na tig isang gitara.
"So, guys. Para hindi naman masyadong boring ang gabing ito magkantahan tayo. Isa isa nating kantahin ang mga kanta na nasa Sea of Clouds. Isa kasi yun sa nagustuhan ng mga readers. That's what they called, The Hugot Songs. Lahat kasi ng kanya doon ay lakas makahugot. Baka may hugot si Author" natatawang turan ni Jetro. Isa sa may hawak ng gitara. And yes, hindi nila alam na ako ang Author ng Sea of Clouds. Dahil yun ang gusto ko. Ang tanging may alam lang ay si Jericho, Dani, Brianne and Baste.
"Baka naman broken hearted si Author?" Natatawang sang ayon naman ni Sonny.
Nakita ko na napalingon sa akin si Baste pero binalewala ko nalang yun. Nasa harap ko kasi siya. Magkatabi sila ni Brianne. Ako naman nasa kaliwa ko si Dani at sa right si Jericho.
"Or maybe, she only wants to satisfy the readers" turan ko.
"Siguro tama si Ms. Jaecee. Anyway, let's start the party!" Sigaw nito. Kumuha kami ng canned beer sa bucket. At masasabi kong umuulan ngayon ng beer.
"Okay, bago ang lahat. Let's give a toast for the successful shooting! Cheers!" Sabi ni Jericho. Nagcheers naman kami.
Siguro nagtataka kayo kung bakit si Jericho ang nagunguna sa lahat eh head lang naman siya ng Production. No, he's also the CEO of LFDI, Lopez Films and Production Inc.
"Ako na ang magsisimula" presinta ni Sonny.
Nagsimula itong magstrum ng gitara.
Pumikit man ang itong mata
Di parin naman mag iiba
Nabalutan ng poot ang puso mo
Tila malimit kang ngumiti ngayon
Di ka rin naman ganyan noon
Naubusan ng tibok ang puso moKulang na ba ang mga ulap
Sa langit at buwan
Di kana babalik sa lilim ng ulanSa bawat saglit, handang masaktan
Kahit di mo alam
Subukang muli, at pagbigyan ang ating nakaraan
Kahit di mo na alamIpikit mo na ang yung mata
Ang nakaraa'y limutin na
Umaasang di kana mawawala
Sadyang mahirap kang ngumiti ngayon
Minahal kita mula noon
Ibalik na ang tibok ng puso moKulang na ba ang mga ulap
Sa langit at buwan
Di ka na babalik sa lilim ng ulanSa bawat saglit handang masaktan
Kahit di mo alam
Subukang muli
At pabigyan, ang ating nakaraan
Kahit di mo na alamKahit di mo na alam..
Napainom ako ng beer. Ramdam ko ang titig ni Baste pero pinipilit Kong wag lumingon. Natatakot ako sa kung ano ang makikita ko sa mga mata niya sa oras na titigan ko iyon.
Nagpalakpakan silang lahat.
"Ako naman!" Sigaw naman ni Jetro. Nagsimula na din itong mag strum ng gitara.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomanceChoosing LOVE over your PAINFUL PAST. Note: This story contains disturbing contents. If it might be a trigger on your part please DON'T READ IT.