JAECEE
"You're wel- IKAW?!" Lumaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang taong nasa harap ko. Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Para akong maiihi sa kaba. Ano nga ba ang dapat kong gawin? Ilang araw pa lang ang nakakalipas simula nung huli kaming nagkita, at ayoko na sanang maulit pa iyon. But here she is, standing in front of me, smiling like an idiot.
"H-Hi, Miss Red Panty- ay este, Ms. Saavedra," bati niya habang mapang-asar na nakangiti.
Agad akong nainis sa itinawag niya sa akin. Napakabastos talaga ng babaeng 'to. Bakit pa kasi kami pinagtagpo? Kahit na inis, pilit akong ngumiti. Gusto niya akong subukan? Sige. Tingnan natin kung sino ang mananalo.
"Hey there, Ms. Maniac," pang-aasar ko ring ngumiti.
Sumeryoso ang mukha niya. Haha, good.
"It was an accident, Miss. I did not look at your panty intentionally. I just saw it. Napasubsob ako. Malay ko bang sa ilalim mo mismo ako mapupunta," deretsong sabi niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko nang maalala ang nangyari noong araw na 'yon. Nakakahiya talaga, lalo na nang kumalat ang video namin.
"Still, tiningnan mo pa rin! Sinilipan mo pa rin ako!" giit ko, medyo napalakas na yata ang boses ko.
Napatawa siya.
"C'mon, Miss. We both know I didn't. And what made you think I'd do that on purpose? As if naman may maganda akong makikita inside that red panty of yours," nakangising turan niya habang hinagod ako ng tingin.
Pigilan n'yo ako. Kapag nagpatuloy pa siya, baka hindi ako makapagpigil at yung kanang kilay naman niya ang paputukin ko. O pwede rin ang maganda niyang labi. Wait- sinabi ko ba 'yon? Pangit pala ang labi niya. Ay, basta! Buti na lang at nasa school kami. Kung hindi, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya. I should be the one acting professional here. I'm a teacher, for goodness' sake. Hindi ko papatulan ang pang-aasar ng babaeng 'to.
Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.
"Sorry, Miss, but I don't have time for your dirty talking. I'm a busy person, so I don't wanna waste my precious time with you, Maniac. Gotta go," sabi ko habang inaayos ang bag ko at akmang aalis na, nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan ako.
"Wait-"
Hindi ko na siya pinatapos at binawi ko agad ang braso ko. May kakaibang kuryenteng dumaloy sa akin nang hawakan niya ako.
"Wash your hands first. And sayo na 'yang tissue- baka alam mo na. Gross," pang-aasar ko pa, kahit ramdam ko ang kakaibang tibok ng puso ko, saka tuluyang umalis.
Ngiting-tagumpay akong nakalabas. I will never lose an argument with just anyone.
___________________________________________________
BASTE
"Buti naman naisipan mong bumalik?" bungad ni Amber pagdating ko sa parking lot ng university. Hindi pa nga ako nakakapasok, bunganga na agad niya ang sasalubong sa akin.
Hindi ko muna siya pinansin at pumasok na sa kotse.
"Pasensya na. Natae ako, eh," rason ko. Ayoko munang sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa CR. Binuhay ko ang makina bago siya nagsalita ulit.
"Oh? Ba't nakangiti ka?" nagtatakang tanong niya.
Kinapa ko ang mukha ko. Nakangiti na pala ako nang hindi ko namamalayan. Grabe. Ganito ba ang epekto ng babaeng 'yon sa akin?
"Wala. So, saan tayo kakain?" iwas kong tanong. Baka halungkatin pa niya. Ayoko munang magkuwento.
"Sa mall. They're waiting," sagot niya.
BINABASA MO ANG
THIS IS US
RomansaWould you choose love, even if it means facing the pain of your past? This story dives into the shadows of painful memories, healing, and the courage it takes to trust again. As the past resurfaces, wounds are reopened-and love is put to the ultimat...
